Ninth Meeting

69 8 0
                                    

Nineveh's POV

Inimbitahan kami ni Don Rioflorido na magbakasyon sa kanyang isa pang mansion doon sa San Cristobal. Nakapagdala naman ako ng gin bilog para sa ipinangako kong inuman namin ni Rimo.

Biyernes kasi itinakda ng aming amo ang pag-alis at hanggang lunes kami roon.

Dahil araw ko ngayon ay sa akin nakabuntot ang unico hijo. Panay ang silay sa amin ng apat. Wala akong ginagawang masama, ngunit parang kabado sila. Mukha bang kaya naming gumawa ng kababalaghan sa byahe?

"N-nandito na ba tayo?" mapungay ang mata ni Rimo nang tanungin niya ako. Nakasandal kasi ang kanyang ulo sa balikat ko buong byahe. Ginawang unan ba.

"Oo, eksakto ang pag-gising mo," sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko dahil nagulo ang buhok niya.

Inabot na kami ng lubog ng araw nang makarating sa lugar na ito. Abala ang iba sa paghahanda ng hapunan, habang ang iba ay nagpapaganda sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi naman nila araw ngayon, ngunit panay ang pa-charming. Balak yatang magpapansin kay Gabo. Pangatawanan nila sana ito.

May dagat sa islang ito kaya masarap din ang simoy ng hangin. Nakakakiliti ang paglapat ng aking mga paa sa puting buhangin at malamig ang salubong ng tubig alat.

"N-nueve?" napalingon ako sa boses ni Rimo, "Hala ka, ikaw lang mag-isa ang nagtungo rito?" medyo nataranta ako kahit na may hawak siyang baston.

"H-hindi kasi kita mahanap sa loob," napakamot siya sa kanyang batok kaya pinuntahan ko siya.

"Kumain ka na ba?" pumulot ako ng isang bato na may iba't ibang kulay.

"O-Oo, katatapos lang," busog akong umalis kaya baka mamaya na ako.

"Tara na sa loob. Gusto mo na yatang malasing, e," sabik na rin akong malaman kung anong kahihinatnan naming dalawa.

Pareho kaming nagsuot ng pajamas o mahabang damit sa taas at baba dahil sa lamig. Hindi man bukas ang air-condition ay pangatal ka naman sa yelong dulot ng hangin sa labas. Maulan din kasi ngayon.

"Ngumanga ka, isusubo ko ang sisig sa iyo," utos ko at ginawa nga niya.

"I-ikaw ang nagluto?" manghang-mangha siya sa lasa nito at sinubukan pang sumubo siyang mag-isa kahit patapon-tapon. Sinasalo ko naman ito para hindi masayang. Minsan nga, idinidiretso ko na sa bibig ko.

"Siyempre," pagmamayabang ko at nilagyan ko na ng alak ang maliit na basong mula sa baba.

May kung ano pa akong ginawa bago kami magsimula. Hindi mawawala iyong pagsisindi para astig. Natutunan ko lang iyon sa mga naging kasama ko sa kulungan. Palibhasa, mga sanay sa paglalasing.

"A-ang anghang," inubo siya at hinagod ko naman ang likod nito. Malma. Wala pang tama ng alak, ganito na. Kawawa naman, "Pfft. Inom ka muna ng tubig," dapat talaga ay gatas pero wala kami noon kaya ito muna.

"L-lasang gamot," ito ang komento niya nang iabot ang unang tagay. Sa totoo lang ay dinaya ko siya ngayong gabi.

Balak kong painumin siya ng Red horse mamaya para bumagsak agad at nang makapahinga ako. Ang layo ng naging byahe namin. Nakakapagod.

"Subukan mo naman ito para masaya, hindi naman ito lason kaya huwag kang mag-alala," may tumagas pang alak mula sa bibig niya nang tunggain ito. Halos pinigilan ko na ang baso para hindi niya mailahat, ngunit pinilit niyang ubusin ito.

Labis ang aking pagtataka nang mapagtantong hindi pa siya namumula kahit ilang baso na ang nainom niya.

Habang tumatagal, napapapikit ako sa pagsubo ng pulutan at natatapon ang alak na isinasalin ko. Umiling ako at itinarak ang mata upang magising.

Tumingin ako sa salamin ng kanyang kwarto at napatingin agad sa ibang direksyon nang makitang namumula na ako.

Kada anim na araw mula linggo ko naman siyang nakikita, ngunit iba ang itsura niya ngayon. Kahit nagiging doble ang aking paningin ay tumuloy pa rin kami.

"Ha..." sambit ko. Ang gaan na rin sa pakiramdam. Para akong lumulutang.

"Rimo, pa-kiss," ngumuso ako at hinanap siya upang sunggaban.

"H-hindi pwede, lasing ka na," kumunot ang aking kilay sa sinabi niya at sumubo ng sisig. Nag baka sakali akong matatalo ng anghang nito ang tama ng inumin.

Gumapang ako papunta sa kanya. Ilalagay ko sana ang yelo sa kanyang inumin, ngunit gumalaw siya at sumala ito. Nadanggil ng maliit na yelo ang maliit na umbok sa dibdib niya at umalingawngaw ang ingay na mula sa kanya mismo. Napatakip siya sa kanyang bibig at napapikit, "Bakit mo hinahadlangan? Ilabas mo lang," ibinaba ko ang kamay na ipinangtakip niya at napakagat siya sa kanyang labi. Nais kong sisihin ang alak sa nangyari, ngunit gusto ko rin sabihin na parang sinadya ko naman talaga ito.

"M-matulog na tayo," hinigit niya ako sa kama. Pustahan, mainit na rin ang pakiramdam niya.

Ubos na naman lahat. Pulutan at Inumin. Muntik pa ngang mabasag ko ang mga ginamit nang ipatong ko ito sa lamesa sa baba. Pagewang-gewang ako. Literal.

Pinagbigyan ko ang kahilingan niya at nagpakain sa antok.

Pagkagising ko ay hindi naman ako nagsuka. Hinihintay ko nga siyang maduwal, pero mukhang mas matapang siya kaysa sa Red horse. Hindi ko pala dapat siya minaliit. Ako ngayon ang talunan.

Gagalaw sana ako nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa ibabang parte ko sa likod. Animo'y estatwa ako nang maisip kung ano iyon kaya dahan-dahan akong humarap.

Tulog na tulog siya, subalit ilang sandali pa ay iminulat na niya ang mga matang hindi nakakasilay ng aking ganda.

"A-ayaw kumalma," pinanood ko siyang ibinaba ang kamay at pinaligaya ang sarili. Takip ng kumot ang kanyang ginagawa, ngunit itinaas ko ito nang kaunti nang makita ko.

Wala siyang ideya na gising na rin ako. Nanatili akong tahimik at hindi maiwasang mapalunok sa nakikita kong mukha na lango sa alak kagabi at unti-unting sinasakop ng berdeng kamunduhan.

Sinaluhan ko siya gamit ang isang kamay. Ni hindi siya umangal dahil pikit na pikit ang kanyang mata. Gusto yatang marating ang tuktok ng kaligayahan at sarap kaya wala na siyang pakialam sa mga susunod na mangyayari.

"H-higpit pa," halos pisilin ko na ang munti niyang kaibigan at marahan na nagtaas-baba. Bale hawak niya ang kamay ko na para bang ginagabayan ito sa nais niyang mangyari. Akala niya siguro ay kamay niya.

"Ah... Hmph...Ha..." sunod-sunod ang daing niya kaya nakaramdam ako ng init sa aking sistema. Para tuloy akong sinisilban ng apoy. Ngayon yata umatake ang dala ng alak sa akin.

"Ack!" ito ang huli niyang nabitawang salita matapos niyang ilabas lahat. Nanginig ang kamay ko sa natamo nitong likido at napatingin sa hingal na hingal na ginoo sa aking harapan.

"N-nueve? Kanina ka pa bang g-gising?" taranta niyang tanong nang maramdaman sigurong gumagalaw na ako sa kama.

"Kagigising ko lang. Hindi ko nga alam na nagsasarili ka na e," natikom ko ang aking bibig. Hindi ko mapigilang asarin siya dahil sa tingin ko ay napakalaking puntos na naman ang nakuha ko, "Hngh..." tumalikod siya sa hiya at binalot ang sarili sa kumot.

Pinahid ko naman ang katas sa tissue bago ko siya gawing libangan sa umaga, "Uy si Rimo nagbibinata na," niyakap ko siya matapos bumulong sa kanya. Sa tingin ko kasi ay isa sa kanyang mga kahinaan ang bulong.

Nasa ilalim kami ng makapal na kumot at kung saan-saan pumupunta ang kamay ko.

"Sa totoo lamang ay hinawakan kita kanina kaya patawad. Kaya ngayon, pahihintulutan mo ba akong muli?" mainit ang katawan niya at lumayo muna ako rito upang bigyan siya ng oras na makapag-isip.

Humarap at tumango siya nang paulit-ulit sa akin. Kasabay nito ang paghanap ng aking mga kamay at ibinalik niya ang mga ito kung saan nakapatong sa kanya kanina.

"Sumagot ka," idinikit ko ang aking ilong sa ilong niya at pinagkiskis ito upang magsalita siya.

"I-ipagpatuloy mo lang..."

























The Billionaire's Blind Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon