Seventh Meeting

73 9 0
                                    


Nineveh's POV

"Ano 'to?" ipinahawak ko sa kanya ang aking pisngi. Baka kasi mabigla siya kapag kung saan ko kaagad dinala ang kamay niya.

"M-malambot...at nasa taas. P-pisngi mo ba ito?" ngumiti ako, "Tama! Ikaw naman ang magpahula at pipikit ako," diin na diin pa ang pagpikit ko para patas ang laro.

"Tuhod mo ito, ano?" tanong ko, "O-Oo. Tama na at nakikiliti ako," sabi niya.

Minasahe ko na lamang nang kaunti ang balikat niya at tiningnan ang kanyang reaksyon. Nasarapan naman si Rimo at napakapit pa nga binti kong nasa may unahan. Pumuwesto kasi ako sa likuran niya at umupo.

Mukhang madali lang mahulaan kung ano ang parte ng katawan kahit na bulag siya kaya nakaisip ako ng mas pilya.

"Ganito na lang, magtatago ako ng limang piso, tapos hahanapin mo sa buong katawan ko," pag-iiba ko at mukhang walang problema sa kanya.

"S-sige ako rin,"

Itinago ko na ang barya sa gitna ng aking bra at kinulbit siya. Tumalikod pa siya kanina kahit na wala naman siyang makikita.

"Hanap," hudyat ko ito sa kanya at hinawakan niya ako. Bawat haplos at dampi ng kanyang palad sa aking balat ay dama ko ang kaba niya. Halatang hindi pa eksperto.

Nakapa niya ang dibdib ko at nadaanan ang baryang nakaipit, "Maaari ba—"

"Hmmm," sagot ko at maingat niyang kinuha ang limang piso. Nadismaya ako pero alam kong hindi pa natatapos dito ang lahat.

"Ikaw naman ang magtago," paalala ko at tumalikod din ako.

Pagharap ko ay nakakuyom ang isa niyang kamao at kita ko ang ugat na lumabas dahil sa pwersa niya. Gusto kong matawa sapagkat alam kong doon ito nakatago. Hindi masyadong pinag-isipan kung saan ilalagay.

Lumapit ako at binulungan, "Sa susunod na magtatago ka, dalian mo naman. Hirap na hirap akong hanapin, e," pang-aasar ko at sinubukang ibuka ang kamay niya ngunit ayaw nitong magpadala.

Kinagat ko nang marahan ang tainga niya nang maghatid ito ng kiliti. Sa ganoong paraan ay bibigay siya.

"Dali na..." bulong kong muli at sinipsip ang parte kung saan pwedeng ilagay ang hikaw.

"Hngh..." awang-awa ako sa hitsura niya. Parang may may gustong kumawala sa kanyang sistema, ngunit ayaw niyang ilabas ito.

"Ayaw mong magpatalo, ah," sinukuan ko na ang kamay niya at tinatakan ang kanyang leeg gamit ang aking labi. Nag-iwan ito ng marka at pulang-pula si Rimo sa aking ginawa.

Natigil kami nang may kumatok sa kanyang kwarto. Napapikit ako sa yamot kung sino mang istorbo sa mga oras na ito.

Naestatwa ako nang makita ang isang hindi pamilyar na mukha nang buksan ko ang pinto.


"Anong kailangan mo?" masama ang tingin ko sa kanya. Wala akong pakialam kung bago siya rito. Sinira niya 'yung pagkakataon na mayroon sana ako, "Pinatatawag si Señorito Rimo ng kanyang ama," nakuha pa niyang ngumiti.

Ibinaba ko ang aking tingin at paalis na sana sa silid nang maramdaman ko ang kamay ni Rimo, "P-pasabi na lamang na hindi pa kami tapos," nahihiya niyang pagdadahilan at hinila na ako papasok.

Isang malawak na ngisi ang ipinakita ko sa abala at mabilis na nag-iba ang pakiramdam ko. Para akong nabuhayan ng dugo at nais kong solohin si Rimo.

"Kuha mo?" ganti ko pabalik. Wala na akong balak alamin kung ano ang ngalan niya. Masaya na akong makita ang mukha niyang napahiya.

Pagkasara muli ng pinto ay hinatak niya ako at pinaupo. Inatake niya ako ng halik at medyo humigpit ang kapit niya sa balikat ko.

Hingal na hingal siyang humiwalay at idinikit ang noon niya sa aking noo, "H-huwag kang maakit sa kanya, pakiusap," nagsusumamo ang boses na narinig ko.

Hindi mawala ang ngiti ko at may sumagi pa sa aking isipan, "Nagawa mo na ba ang bagay na ito sa apat na nauna?"

Umiling siya at niyakap ako, "Hindi ka lamang pang-biyernes, Nueve. Ikaw ang araw-araw mula linggo hanggang lunes."


The Billionaire's Blind Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon