[SIXTH MEETING]
Nineveh's POV
Hindi kaagad ako pumunta sa kanyang silid ngayong biyernes dahil sa inis. Hindi naman siguro niya mamamalayan ang oras dahil hindi niya kayang tumingin sa orasan. Maliban na lamang kung magtanong siya sa kanyang ama.
"Hoy may bagong driver sina Don Rioflorido," bungad na balita sa akin ni Solenad. Parang hindi hindi nagkasagutan, ah. Iba talaga ang hatid ng tsismis, "Tipo mo?" agad kong tanong sapagkat hindi naman niya ipaglalandakan ito kung wala lang ang bagong saltak.
"Medyo. Parang mas trip kong magpabuntis sa kanya," singit ni Ilmas. Halos pandilatan ko silang dalawa ng mata. Paano pa kaya kapag nalaman nina Hennessy ito?
"Mahaharot," tangi kong sambit. Nag-ayos na ako ng sarili bago dakuhan si Rimo. Sana tulog na siya para mai-marites ko kina Ranine, "Neng, baka mapakagat ka kapag nakita mo. Mas pogi pa sa nagpapakain sa atin," heto na nga at sumalo si Hennessy sa usapan. Ako na lang pala ang walang alam.
"Sige lang, magpantasya pa kayo para makabuo kami," parinig ni Ranine. Gusto ko siyang sabunutan nang mga oras na iyon pero pinigilan ko. Hindi pa ako nakalilimot pa sa cookies niya, ha.
Sabay-sabay lang kaming umirap sa kanya. Hindi naman kasi ako tipikal na bidang babae na kailangan mabait. Kaya kong maging parang si Valentina kung hahamakin nila ako. Ror.
Pagpasok ko sa loob ay muntik na akong matumba nang madatnan siyang nakatayo sa may pinto. Napahawak ako sa pintuan at hinawakan siya sa balikat, "B-bakit ngayon ka lang? Ayaw mo ba sa cookies?" magkasunod pa ang tanong niya pero pinapasok ko na siya bago sagutin, "Kalimutan na natin iyon. Masarap naman, e. Sumama lang bigla ang pakiramdam ko," palusot ko.
"B-buntis ka na ba?" napa-awang ang bibig ko sa kanya. Paano naman iyon mangyayari, aber?
"Hindi pa. Inaantay kita, e," banat iyon at sana makuha niya. Napakainosente kasi, "A-ano bang dapat kong gawin?" hinawakan niya ang mga kamay ko at ipinailalim sa kumot niya. Alam niyang malamig sa kwarto dahil sa air-condition at manipis pa ang suot ko.
Napaisip ako at lumapit sa kanya. Bale nakaupo kami sa kama niya kaya mabilis ko itong nagawa, "Ayos lang ba na huhulaan mo ang parte ng katawan ko na ipahahawak ko sa iyo?" alam kong may halong kaberdehan ito kaya nagpaalam muna ako.
Tumango siya, "P-pero okay lang din ba sa'yo?" tanong niya at naramdaman kong uminit ang kamay niya at namawis ng kaunti. Kinabahan bigla.
"Ayos na ayos, Rimo. Para bigyan ka ng ideya, ang iba sa mga ito ay maseselan," susubukan ko lang na alisin ang hiya namin sa isa't-isa.
"S-sige. Payag din a-ako na magpahula ng parte ko at maghalinhinan na lamang tayo," suhestiyon niya, "Ano? Haling-hingan?" pag-uulit ko at napatawa sa pang-aasar. Tingnan natin kung makukuha niya ang ibig kong sabihin.
"H-halinhinan. Ikaw t-tapos ako," nataranta siya nang mapagtantong may kakaiba sa sinabi ko at minasahe ko ang kamay niya para siya ay kumalma.
"Biro lang, pero maririnig ko rin naman ang halinghing mo sa susunod," hirit ko pa at napanganga siya.
Sabik na tuloy ako sa naisip kong pampalipas oras. Sisiguruhin kong hindi siya makakatulog. Haha!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Blind Son
RomanceNineveh stole something. Dahil sa kahirapan, hindi niya kayang kumpiyansahan ang sarili kaya swerte na ang lumapit sa kanya. Don Rioflorido offered her to carry his grandchild. Kapalit nito ay ang pagpapatira sa kanila ng kanyang Lola at bubuhayin s...