Nineveh's POV
Napasandal siya sa akin at pinaglaruan ang palad ko, "Nangangalay na ako, Rimo," pag-amin ko at agad naman siyang umayos ng upo at kinapa ang unan para humiga na lamang.
"P-pasensiya na," payat siya at halatang hindi nage-ensayo. Hindi naman buto't balat. May laman kahit papaano. Paano siya makakabayo nito kung mahina ang pwersa?
"Bulag ka na ba simula pa noong una?" ininterbyu ko muna siya para antukin. Ayaw ko muna siyang sunggaban dahil baka pandilatan ako ni Don Rioflorido, "H-hindi. Nabulag lang ako dahil sa katarakta sa aking mga mata," naawa naman ako sa kanya. Mayaman naman sila pero ayaw gawan ng paraan.
"A-ayos lang ba sa'yo na hindi ako nakakakita?" itiniklop niya ang kanyang sarili at itinaas ang kumot, "Oo naman! Hindi ka naman sa mata lalabasan," pinisil niya ang palad ko. Nagpipigil pa yata ng tawa.
"L-lantad mo naman, Nueve," oo pare. Hindi pwedeng parehas tayong magpapakipot kasi ako naman ang walang matutulugan, "Masanay ka na. Saglit lang naman ang pagsasama natin tuwing biyernes," umusog siya at inaya ang tumabi sa kanya. Tutulog lang naman e.
"At kung maka-lantad ka naman! Hindi hamak na mas lantad iyong mga nauna sa akin, ha. Baka nga may humalik na sa iyo mula sa kanilang apat," lalo na 'yung si Ranine. Mukhang papetiks-petiks lang at nagoyo na itong kasama ko.
"W-wala pa," sagot niya na lalo kong ikinairita. Iwanan ko na kaya siya ritong mag-isa at mangapa sa dilim?
"Aba, may balak magpahalik," komento ko at kunwari ay tunog dismayado. Wala naman sa aking kaso dahil baka nakahalik nga, wala namang nabuo. Wala rin.
Wala na siyang sinabi. Hindi pa rin naman siya sigurado sa akin kaya naiintindihan ko.
Tinulugan ko na lang siya at sinalubong ako ng mainit na sinag ng araw mula sa bintana ng kanyang kwarto.
Haplos ng isang magaspang na kamay ang naramdaman ko sa aking pisngi, "G-gising na,"
Mapungay kong iminulat ang aking mga mata para sa kanya ngunit naalalang hindi niya ako makikita.
Pinaraanan ko ng kamay ang kanyang buhok at ibinaba ito sa kanyang tainga, "Magandang umaga, Rimo."
Dinama niya ang kamay ko at hinagkan nang marahan. Mas ramdam ko ang init na hatid nito kaysa sa sinag ng tirik na tirik na araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/324180678-288-k611091.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Blind Son
RomanceNineveh stole something. Dahil sa kahirapan, hindi niya kayang kumpiyansahan ang sarili kaya swerte na ang lumapit sa kanya. Don Rioflorido offered her to carry his grandchild. Kapalit nito ay ang pagpapatira sa kanila ng kanyang Lola at bubuhayin s...