Nineveh's POV
Mga ginto at pilak na alahas, makintab na sahig, at malalaking ilaw sa itaas. Halos masilaw ako sa liwanag na sumalubong sa akin nang ako ay makatapak sa lugar na pangyayarihan ng pagsubok at kaarawan.
Nagkukumpulan ang ibang bisita sa hapag-kainan, habang ang iba ay nagbubulungan at nakatingin sa tatlong obrs sa entablado.
Isang damit, hinulma na paso, at nililok na pigura ng isang babae.
Nag-anunsiyo si Don Rioflorido sa wikang ingles at nagsiboto ang mga imbitado.
Napatingin ako sa aking kasuotan. Binili ko ito sa ukay-ukay pagkalaya ko sa kulungan. Isang kulay kahel na kupas ang kulay. Kanina pa akong pinagtitinginan habang nakapila sa mahabang lamesa na puno ng pagkain.
Maglalaway ka letson, panamang-panama sa mga ulam, salad kuno, at panghimagas.
Umupo ako saglit sa isang lamesang walang tao sa likod. Pinagmasdan ko sina Rimo at Ilmas na nagsasayaw nang mabagal sa unahan.
Maganda ang yari ng kanyang damit pati na rin sa regalo niya kay Rimo. Halos magkapareho ito nang disenyo at halatang sinadya upang maging agaw-atensiyon sa araw na ito. Hindi ko naman maitatanggi na nakuha niya kami sa puntong iyon.
Kulay asul na damit ang nagningning sa entablado, "Salamat sa pagtulong, Nineveh. Kinakabahan pa rin ako kung sino ang matatanggal sa ating tatlo," tumabi sa akin si Solenad at nag-alok ng leche flan.
"May bayad iyon. Maniningil ako sa susunod," biro ko. Tumesting ako, baka kumagat, "Kahit ano basta huwag pera," sagot niya.
Umiling ako at natigilan nang mapansin ang paglapit nina Ilmas sa puwesto namin. Ang linaw naman ng kanyang mata. Dulong-dulo pa naman kami.
"Dalhin ko raw siya sa iyo, Nineveh," napakamot ang dalaga at ipinasa sa akin ang kamay ni Rimo.
"Kayo muna, Solenad. Gusto ko na ako ang huli," minasahe ko ang aking palad at ngumiti.
"Arte," tumawa lang kami ni Ilmas. Wala naman silang magawa kundi irapan ako, "Salamat," sagot ko sa maikli niyang sinambit kanina.
Nagpakasasa muna ako sa mga pagkain na minsan ko lang makakain sa aking buhay at uminom nang maraming juice at tubig.
Suot ni Solenad ang damit na pinangkasal ng kanyang Ina noon. Sabi ba naman sa akin na sinuot daw niya dahil baka alukin na siya ng kasal ni Rimo ngayong gabi.
Malapad ang ngiti ni Rimo nang makasayaw ang dalawang nauna. Kahit hindi niya kita ang mga dalaga ay natutuwa naman akong hindi pilit ang kasiyahan niya ngayon.
"Pupunta muna ako sa palikuran," paalam ko at rumampa sa harap ng ilang tao na malapit sa banyo.
Inayos ko ang aking sarili. Hindi ganoong kalaki ang sinasalo ng aking bra kaya ilang beses ko rin na inilalagay ito sa hustong pwesto.
Pagkalabas ko ay nangangapa si Rimo sa may pader at narinig ang tunog ng takong ko, "N-Nueve?"
Kahit kayumanggi ang kanyang balat ay kita ko ang pamumula niya.
"Bagay na bagay ang iyong kasuotan sa iyo," puri ko sa kanya at inayos ang gusot na parte nito. Masyadong gigil ang dalawang nauna sa pagsasayaw, kulang na lamang ay warakin ang kanyang saplot. Pambihira.
"S-salamat, heto nga pala ang iyong damit," iniabot niya sa akin ang isang bag na gawa sa papel. Tiningnan ko ito at may laman na mamahaling kasuotan, "Sa pagkakaalam ko ay ikaw ang may kaarawan sa ating dalawa. Bakit mo ito ibinibigay sa akin?" parang hindi ko kayang isuot ang tintukoy ko sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Blind Son
RomanceNineveh stole something. Dahil sa kahirapan, hindi niya kayang kumpiyansahan ang sarili kaya swerte na ang lumapit sa kanya. Don Rioflorido offered her to carry his grandchild. Kapalit nito ay ang pagpapatira sa kanila ng kanyang Lola at bubuhayin s...