Nineveh's POV
Sabado nang gabi nang ipatawag ako ni Don Rioflorido at pinapunta sa pinakailalim na parte ng tinutuluyan naming mansion. Narito pa rin kami sa San Cristobal. Kabog nang kabog ang dibdib ko nang makarating dahil sa kaba.
Sumobra ba ako sa aking ginawa sa kanyang anak? Pumayag naman si Rimo, e. Ilang beses ko rin siya tinanong, ngunit puro pagsang-ayon ang aking natanggap.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," bungad ng mayamang matanda. Tinipin niya kaming lima at patay ang lahat ng ilaw, maliban sa lampara na nakapatong sa kanyang lamesa.
"Naririto kayo ngayon upang hanapin ang dalawang pinakaimportante para sa akin sa loob ng tatlong oras," paliwanag niya. Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin bago nagpatuloy, "Matapos maubos ng oras na inilaan ko para sa inyo ay pupuntahan ninyo ako sa aking opisina."
Tumaas ng kamay si Ranine, "Kailangan pa po ba naming intayin ang isa't-isa bago tumungo sa inyo?" mukhang gusto niyang matapos agad ang pagsubok na ito, "Hindi na, ngunit kailangan ninyong pumanhik sa itinakdang oras. May dala man o wala," paalala pa niya at uminom ng kape.
"Para po saan ang gawain na ito?" tanong ni Hennessy. Halata sa kanyang mukha na naguguluhan siya, "Isa sa inyo ay palalayasin na sa mansion ko at babalik sa kulungan," napalunok ako sa kanyang rebelasiyon. Sabi ko na nga ba't may kaakibat na parusa itong naisip niya.
"Patuloy ninyo po ba itong gagawin hanggang sa isa na lamang ang matira sa aming lima?" ako na ang naglakas loob na tanungin siya. Kailangan kong maging handa kung may karagdagan pang pagsubok dahil baka magutom kami ni Lola Bekta ng wala sa oras.
Ngumisi siya at dumekwatro, "Titingnan natin," natikom ang bibig ko at kinutuban. Palagay ko ay mayroong nakalatag pa na plano ang taong nasa harap namin kaya kailangan kong galingan.
"Simulan na ninyo ang paghahanap," tumayo siya at iniwan kaming lima. Dinala niya ang lampara at pilit naming binuksan ang mga ilaw, ngunit napagtanto namin na walang nadaloy na kuryente rito sa ibaba.
Para tuloy kaming si Rimo habang nanghahanap. Gamit ang ilaw mula sa selpon ay naglibot kami sa silid na ito.
Napakalawak at mukhang tambakan. Amoy taguan. Umakto si Ilmas na nasusuka ngunit walang pumansin sa kanya.
Naghanap muna ako ng liwanag na maaari kong dalhin sa paghahanap sapagkat malapit nang mawalan ng baterya ang aking selpon.
"Ayos! may kandila," nakita ko ito sa kabinet ngunit wala naman akong posporo o lighter.
Sumagi sa aking isipan na hindi mawawalan ng panindi si Don Rioflorido dahil matakaw siya sa tobacco.
Sinuyod ko ang kanyang mga lalagyan at nakakita naman ng lighter. Matagal na ito sa lagayan kaya natakot ako na baka hindi na gumana. May pagpalakpak pa akong nalalaman nang naglabas ito ng katiting na apoy.
Tumambad sa akin ang napakaraming papeles at pinulot ko ang mga ito.
Laman ng diyaryo ang pangalan ni Don Rioflorido. Pati ang balitang nabulag ang kanyang anak ay naririto. Napakalala naman.
"Nineveh, aakyat na ako," paalam ni Hennessy. May hawak siyang papel at nakakuyom ang kamao, "Bilis ah, sige ingat ka!" siya lamang ang may mabuting puso sa aming lima, subalit ayaw ko pa ring magtiwala sa kahit sino.
Habang naglalakad ay nakikita ko si Ranine na kumikinang ang mata sa hawak na kwintas.
Isinuot pa niya ang singsing sa kanyang daliri at tiningnan kung magkakasya, "Sino bang may-ari nito? Ang payat masyado ng daliri," nahirapan siyang tanggalin at tumalikod ako upang tumawang mag-isa. Buti nga.
Iniwanan ko siya at umusisa kung saan.
"Hoy, Nineveh! Tingnan mo ito," bilang marites ay pinuntahan ko si Solenad na pilit may inaalis sa dingding, "Ang ganda naman niyan," isa itong obra maestra na pininta. Mahilig yata mangolekta ang amo namin ng mga bagay na malalaki ang halaga habang tumatagal.
"Panis ka. Ako na ang magdadala nito, ha? Patulong lamang sa pag-alis," bumuntong-hininga ako at walang nagawa kundi sundin ang gusto niya.
Nilayasan ko siya pagkatapos para hindi na niya ako abalahin. Sa tingin ko naman ay kaya na niya ang kanyang sarili.
Dumako naman ako sa may sulok at nakitang may hawak na bote si Ilmas. Balak ba niyang mambasag ng ulo?
"Sinong aabangan mo sa labas?" wala akong balak mang-away ngayon dahil isa sa amin ay mawawala. Bait-baitan muna para hindi humaba ang sungay ko, "Ikaw sana," sinuklian ko ang bayad niyang irap.
"Matagal na ang alak na ito. Lasang mamahalin," g*gang 'to, tinakman yata. Paano kung expired na iyon?
"Mukhang mamahalin din ang banga na iyon," turo ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay, "Ang bait mo ngayon, ah?" umiling ako at nagsimulang lumayo sa kanya, "Ngayon lang kaya lubusin mo na."
Sa tingin ko ay ako na lamang ang wala pa. Tatlumpung minuto pa ang mayroon ako para maghanap. Parang nagsisisi na akong pinansin ang apat kong karibal kanina. Wala pa tuloy akong hawak.
"N-nueve?" lingon agad ako nang makilala ang boses niya.
"Anong ginagawa mo rito, Rimo?" hinawakan ko ang kanyang kamay upang hindi siya maligaw.
"H-hinahanap ko lang 'yung abo ni Mama," nagulat ako sa sinabi niya at nakaisip ng ideya, "Halika, tutulungan kitang hanapin," masaya kong pagyaya sa kanya.
Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko, "M-may hinahanap ka rin, hindi ba?" parang may ideya siya sa pakana ng kanyang ama.
Hinaplos ko ang pisngi niya gaya ng mga ginagawa ng lalaking bida sa pelikula. Ginawa ko pa rin kahit magaspang ang palad ko kalalaba.
"Nahanap na kita. Mas importante kayo ng nanay mo kaysa sa mga materyal na bagay na nakuha nila."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Blind Son
RomanceNineveh stole something. Dahil sa kahirapan, hindi niya kayang kumpiyansahan ang sarili kaya swerte na ang lumapit sa kanya. Don Rioflorido offered her to carry his grandchild. Kapalit nito ay ang pagpapatira sa kanila ng kanyang Lola at bubuhayin s...