Nineveh's POV
Nagpasya si Rimo na iwan muna ako sa kwarto matapos kong hindi siya kibuin kahit anong suyo ang gawin niya. Masyadong buhol-buhol ang aking isipan para pagbigya siya.
Sa kabilang banda ay nakarating kay Don Rioflorido ang balita kaya kaagad kaming umuwi sa kanilang mansion, "Sa oras na malaman namin na apo ko ang dinadala mo ay ikaw ang kaisa-isang maiiwan sa bahay na ito samantalang ang iba ay ibabalik ko sa likod ng rehas," aniya ng matanda kay Hennessy.
Nasaksihan ko ang paglunok ng buntis at napatingin kay Gabo na siyang nakaupo sa may sofa. Naghihintay ng utos mula sa nagbibigay ng kanyang sahod.
Ilang araw man ang nagdaan matapos ang rebelasiyon ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ito bago ako makatulog.
Upang mapawi nang kaunti ang mga pagaalinlangan ay sikreto kong tinungo ang banyo kung saan may puting paliguan.
Pumitas ako ng ilang rosas sa hardin nila kaninang umaga para sana mapagmasdan ko sa tuwing kakapit ang kalungkutan sa akin pero heto nga at ito ang napagdiskitahan ko.
Napaanood ko kasi na ganito maligo ang mga mayayaman. Nagsindi ako ng kandila at ipinalibot dito. Tutal, aalis na rin naman kami nina Ilmas, lulubusin ko na.
Sa tuwing naglilinis kami rito kapag hindi namin araw ay napapadungaw ako sa mga mamahaling gamit saan mang sulok ng mansion. Kabilang na rito ang hawak ko ngayon na noong ibinuhos ko sa may tubig ay nagkaroon ng bula. Ilang patak ng mabangong langis din ang inaksaya ko nang bahagya.
Nakita ko rin ang isang lalagyan na may nakasukat na 'bath salt'. Wala man akong balak lutuin ang sarili ko ay inilagay ko pa rin ito sa maligamgam na tubig.
Hatinggabi ko napiling magbulakbol para tulog na silang lahat. Bahala nang mapagalitan ng amo.
Inihiga ko ang aking sarili sa inihandang kasiyahan at pumikit para damhin ang sarap.
Napalinga ako sa aninong nakita sa may pintuan. Natigil ang pagpapatugtog ko ng 'Isang linggong pag-ibig' ni Imelda Papin sa aking selpon at naibaba ang suot kong earphones.
"D-dito nanggagaling ang amoy ng bulaklak," parang nagkaroon ng banda sa aking sistema at puro tambol ang nangingibabaw.
Ikinalma ko ang aking sarili dahil hindi rin naman niya makikita ang aking kabuoan.
Walang duda na si Rimo iyon at tumiklop ako nang panandalian nang buksan niya ang pinto.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa aking pwesto. Kagat ko ang ibabang labi upang mapigil ang ingay na maaaring kumawala dahil sa gulat at kaba.
"M-may tubig at mga talulot ng rosas," napaawang ang bibig niya sa kanyang nadiskubre. Oo mayroon kaya umalis ka na bago pa kita sabuyan ng tubig na may alat!
Nabunutan ako ng tinik nang lisanin niya ang kinalalagyan ko. Balak ko na sanang ihiga muli ang katawan ko ngunit natigilan ako nang makita siyang nagtanggal ng damit pantulog.
Ah, p*ta. Maliligo pa yata.
Malaki ang paliguan na ito kaya walang isyu kung dalawa kaming magsalo rito. Ang problema ay paano ako makakaalis na hindi niya napapansin? Napakatalas ng pandinig niya.
Sinubukan kong abutin ang tuwalya na nasa gilid ngunit nakita kong kumunot ang kilay niya nang maisalang ang sarili, "H-hindi naman ako gumalaw, ngunit bakit may naririnig akong tubig na parang m-may umahon?" kinakausap niya ang sarili at ito ang naging hudyat na ako'y manalangin nang tahimik.
Sa ngayon ay nakaupo siya. Malaki ang tiyansa na mabisto niya ako sa oras na okupahin niya ang buong espasyo ng paliguan.
Sa bawat kibot niya ay sinisikap kong gawin ang taliwas. Halimbawa ay pupunta siya sa kanan, sasaktuhan ko ang paglipat sa kaliwa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Blind Son
RomanceNineveh stole something. Dahil sa kahirapan, hindi niya kayang kumpiyansahan ang sarili kaya swerte na ang lumapit sa kanya. Don Rioflorido offered her to carry his grandchild. Kapalit nito ay ang pagpapatira sa kanila ng kanyang Lola at bubuhayin s...