Nineveh's POV
Nag-alangan pa akong magpatuloy kahit na nakuha ko ang kanyang pahintulot. Hindi ko kasi gusto na parang rape ang kalabasan nito. Hangga't maaari, dapat may konsento.
Nang hawakan ko ang kanyang damit ay biglang namatay ang ilaw. Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang ibang sulok ng bahay. Tulog man ang mga kasama ko ay minabuti kong maglibot saglit. Madaling araw pa lang kasi nang kami ay magising.
Nawalan pa ng kuryente. Bumuhos ang malakas na ulan kaya naghanap ako ng kandila at sinindihan ito upang may liwanag sa silid.
"Rimo?" iniwan ko kasi siya sa loob. Para tuloy kaming parehong bulag dahil sa katiting na liwanag, "H-hubad na ako," napanganga ako at inilawan ang pwesto niya. Ayaw ko pang maniwala, ngunit wala talaga siyang saplot!
Ibinaba ko ang kandila sa maliit na lamesa at binalot siya ng kumot pansamantala, "Sana ay hinintay mo muna ako, dios mio!" laglag talaga ang aking panga sa ginawa niyang paghahain ng sarili.
Kahit na parang nakita ko na ang lahat sa kanya ay iba pa rin kapag kabuoan. Literal na nanghihina ako at nababahala.
Isinara ko nang todo ang mga bintana at nagkandado ng pinto. Sumisipol ang hangin sa labas at rinig ko ang pagpalo ng mga puno at halaman.
Ngayon naisipan ni Don Rioflorido na magtungo rito kahit na may bagyo yata. Kainaman.
Gamit ang hinlalaki ay pinaghiwalay ko ang ibabang parte ng labi niya sa taas na parte nito. Tuyot ang nahawakan ko kaya naman binasa ko ito gamit ang akin.
"A-ang kapal ng labi mo," puna niya nang maghiwalay kami pansamantala, "Ang nipis at liit naman ng sa iyo. Gusto mo...lamugin ko?" napakagat ako at pinupog siya ng halik sa leeg.
"H-huwag naman. Mamamanhid ako niyan," nasa ilalim ako ng kumot para may dagdag na init sa pakiramdam.
Panay ang singhap niya at suklay sa buhok ko sa tuwing dadaan ang aking bibig sa mga sensitibong parte ng kanyang katawan.
"S-saglit lang—Ah!" hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang nakalanghap ng kakaibang sarap mula sa ibaba. Ingay lamang niya ang nangingibabaw habang ako naman ay abala sa pagtuklas ng iba't-ibang kiliti niya sa katawan, "Hay, nakakaaliw kang pagmasdan kung alam mo lang," mahinang komento ko na sa tingin ko ay rinig pa rin naman niya.
Napahawak siya sa aking leeg at mukha, "P-pawis na pawis ka na," hindi pa kasi ako nagtatanggal ni isang saplot sa aking katawan. Nawala na sa isip ko, "Aba, marami ba naman akong pinaghirapan," pinunasan niya ako ng pawis gamit ang panyo niyang nasa ibabaw ng kabinet.
Nagnakaw ako ng halik sa kanyang noo bago ako nagsimulang maghubad.
"Gagawin na ba natin, Rimo? Pwede ka pang umurong ngayong nasa huwisyo na ako," tanong ko ulit at tumigil sa pag-aalis ng butones.
Iginala niya ang kanyang kamay at sa halip na sumagot ay tinulungan niya akong magtanggal ng suot ko.
Lahat ng ginawa ko sa kanya ay ginaya niya. Nakukulangan ako. Ito ang unang beses ko at naroon ang aking pagkasabik. Baguhan siya kaya ito lamang ang naipaparanas niya sa akin.
Ginalingan ko naman kanina. Isinagad ko pa nga siya sa bibig ko at dumating sa puntong kaunting baon pa ay masusuka na ako. Buti kinaya ko. Grabe 'yun.
Hindi rin naman ako nagmamayabang. Maaaring sa tingin ko ay magaling ako kanina, ngunit hindi pala sapat iyon sa kanya.
"S-saan ko ipapasok?" napapikit ako nang dumikit ang ari niya sa bukana ko. Tinutukso ako sapakat hindi mawari kung saan ilulusot.
Umupo ako saglit at sinubukang hanapin ang butas. Bigla akong nakaramdam ng takot na baka mali ang ituro ko, "D-dito," nautal na rin ako sa apoy na dala mula sa pagkakadikit ng aming mga balat na basa.
Nasisindak ako sa kulog at kidlat, pero hindi ako mapakali. Sana ay ma-gets niya kung paano.
"Subukan mo lang," inudyokan ko siya at banayad na hinawakan sa braso.
Umaarko na ang likod ko kahihintay. Sinubukan niyang gumalaw, ngunit dumulas lamang ito at walang nangyari.
Ibinagsak niya nang marahan ang katawan sa akin at nakipag hawak-kamay kagaya ng nakikita ko sa mga pelikula sa tuwing may pagniniig na nangyayari.
"P-parang hindi ko pa kaya," gusto ko siyang paalisin dahil tutok na tutok ang ari niya sa akin. Kanina pang may tumitibok sa aking loob at bitin na bitin sa mga nangyayari, "Kulang yata tayo sa tulog kaya ganito," idinaan ko sa tawa ang pagkadismaya at tinulungan siyang magbihis.
Inihiga ko siya na parang sanggol at kinumutan. Aalis na sana ako nang hulihin niya ang aking kamay. Bumangon siya at masuyo akong hinalikan. Napakatagal nito kumpara sa mga nagawa namin kanina, "S-Salamat sa pag-unawa," pinisil ko ang kanyang ilong sa tuwa. Dinaig niya ako sa parteng ito. Napaka-tangos! "Ayos lang. Basta may susunod pa," biro ko at namula siya.
Pinulot ko ang mga nagkalat na gamit at binuksan ang pinto nang mapansin na nakatulog muli si Rimo.
"Ano na naman?" nasa may pintuan kasi si Gabo. Parang hinihintay talaga ang paglabas ng isa sa aming dalawa ng kanyang amo. Nakahinga ako nng maluwag nang maalalang hindi kami rinig mula sa labas kaninang pasikat pa lamang ang araw.
"Amoy hindi ka napagbigyan, ah," sinamaan ko siya ng tingin at itinulak, "Huwag kang mangialam," pagtataray ko sa kanya. Siya 'yung tipo na gusto mong ipakulam ora mismo.
"Kapag sawa ka na kanya, ako naman," kahit na sa tingin ko ay marami na siyang napaikot na babae o halatang beterano kumaldag ay hindi ko magawang tumiklop sa kanya.
Kung ako ang tatanungin ay mas makisig siya kay Rimo. Mas matipuno ang katawan at mestizo. Humaling na humaling sa kanya ang apat pero mas napapako ang tingin ko sa anak ni Don Rioflorido.
Ayaw maalis sa isipan ko ang pinta ng mukha nito sa tuwing makalalasap ng masarap na sensasyon.
"Itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong mag-ulam ng sampal sa umaga," nanggagalaiti kong sabi sa kanya.
"Masyado kang matapang para sa isang bilanggo. Sigurado ka na bang ikaw ang pipiliin ni Señorito Rimo?" lumitaw ang sungay niya at sinuwag ko ito, "Dapat manahimik ang walang alam," may punto man ay nilakasan ko ang aking loob at iniba ang usapan. Hindi ako talunan.
"Mapapasa akin ka rin," bulong niya at kinilabutan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/324180678-288-k611091.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Blind Son
RomantizmNineveh stole something. Dahil sa kahirapan, hindi niya kayang kumpiyansahan ang sarili kaya swerte na ang lumapit sa kanya. Don Rioflorido offered her to carry his grandchild. Kapalit nito ay ang pagpapatira sa kanila ng kanyang Lola at bubuhayin s...