I inhaled very deeply, not because I was sad but because I'm so giddy about the fact that I'm on my way to Pirate Bay. Nasa pier na kami ng La Carlotta at nakikita ko na sa laot ang napakalaking cruise ship ni Atalanta Diez. It's my first time seeing its full glory in person. The fresh sea breeze that swept through the air made me smile in awe, the rocking ship then was bathed by the golden pleasures of the sun and cerulean skies as it reflected itself immaculately on my Ray-Ban clubmaster shades.
The Armageddon, as the name that was carved in gold with a silvery ornament on its hull, was always the gossip of every sea-enthusiast every time she was around the Philippine sea. The beaut was a combination of silver and shiny black adorned with hundreds of square windows and portholes that almost stretched a kilometer from its deck towards the stern. Sa tingin ko ay over ninety-thousand passengers ang kaya nitong isakay at ilibot sa kahit na anong bansa sa mundo. Sa pinaka-ibabaw nito ay may tatlong funnel o parang chimney na nagsisilbing engine exhaust ng ship.
I pushed down my sunglasses at the the bridge of my nose to have a clear view of her. Grabe, sa mga pahina ng mga magazines ko lang naman ito nakikita dati, pero ngayon ay hindi ko nalang siya basta mapagmamasdan lang kundi ay ma-e-experience ko na rin. Gusto ko na talagang tumili na parang wala nang bukas dahil sa wakas ay matutupad na rin ang dream kong makasakay sa isang cruise ship. I have only ridden cars, buses and planes but never a ship. I really wanted to scream so bad because I'm so freaking excited pero ayaw kong makurot sa pepe. Ang sama nang tingin ni Ate MV sa akin, kulang nalang ay tuktukan na niya ako ng suot niyang running shoes. Nawalan yata ng mood dahil sa akin tumabi si Ate Cyrene kanina sa sasakyan.
She was really frowning at me, inirapan pa ako na parang may malaki akong ginawa na kasalanan. "Parang aping-api ka naman sa mukha mong 'yan, Sis. What's the problema?"
She glared at me. Ay, nakakatakot talaga siya. Pati iyong ilong niya ay lumalaki ang butas. "Maghanap ka nang matutuluyan mo pagdating natin sa Pirate Bay. Hindi ka puwede sa room namin."
"Duh," ingos ko, "as if gusto kong makakita ng live iyot, ano? Bata pa ako, you know. Bad manuod ng porn. Like, omg?"
"Puro ka iyot, Zenobia! Tigang ka ba?!"
"Bakit ka ba galit? Walang dilig, ganoon?"
Akma niya akong hahampasin kaso tinawag na kami ni Ate Cyrene, tapos na pala siyang palitan ng diapers si Baby Saturn. Nagpunta kasi sila sa comfort room dahil nag-poop ang cute kong pamangkin at nag-tantrums. Baby na baby pa pero marunong na mag-inarte; manang-mana sa kapatid ko.
"Puro ka iyot, magpa-bless ka na ng bibig, Zenobia. Ang ingay mo pati!"
"Valeria, inaaway mo na naman si bunso," saway ni Ate Cyrene sa kapatid ko. I sticked my tongue out to my sister. Mabuti nga sa kaniya, para kasing bata. Ano bang pinag-iinarte niya? "Stop terrorizing Zen, ang bully mo talaga." Bumaling siya sa akin at nginitian ako, "Pagpasensiyahan mo na ang ate mo, Bunso, feeling kulang sa aruga."
Baka nakulangan sa dilig kaya mainit ang ulo, ganiyan naman kasi siya kapag hindi napagbibigyan; parang laging nag-aamok ng away. Akala naman niya naghihikahos na siya sa sex. "Sanay na po ako kay Ate MV, Teh. Alam mo namang isang bagay lang ang nagpapa-init sa ulo niya."
"Babe, huwag mo na nga bini-baby itong si Zenobia. Kaya iyan naiinaman kasi ginagawa mong bata. Hindi na iyan nadede sa boobs. Malaki na iyan!" Sabat naman ng kapatid ko na inis na inis sa hindi ko malamang dahilan.
Ang init talaga ng ulo kaya nauna na ako sa kanila na sumakay sa yate na maghahatid sa amin sa cruise ship. Dumiretso ako sa upper deck dahil gusto kong namnamin ang araw, hindi naman ito mainit at mahangin din. May naunang nakaupo sa gusto kong puwesto, iyong malapit sa railings. Doon nalang ako sa may unahan, mga two benches apart sa mga nakaupo. Pasimple kong sinipat ang nasa likuran ko, iyong dalawang pinsan ni Ate Cyrene na nag-uusap. Kilala ko sila, si Jaxon Diez iyong nasa gilid tapos si Theodora Camacho naman iyong nasa gawing kanan nito.
BINABASA MO ANG
MRS. ADAMS
General FictionTrigger warning: This story contains some words that might affect you. Please read responsibly.