KABANATA 8

422 52 50
                                    

"You are not leaving this house until I say so. Do you hear me, Antonovia?"

Iyan ang narinig ko mula sa labas ng kuwarto, boses iyon ni Ate MV. Ginamit na niya ang kaniyang pinakaseryosong boses na minsan ko lang naririnig sa kaniya. Kahit hindi ko siya nakikita ay tumango ako na parang kaharap ko lang siya sabay tingin sa labas ng bintana ko. Papasikat pa lang ang araw pero pakiramdam ko ay hapon na, nakakatamad at nakakaantok lalo pa at pinagbabawalan niya akong lumabas ng bahay.

"Hmp," ingos ko. Para naman akong nasa grade school nito na lumayas dahil nakipaghabulan sa mga dumadaang sasakyan sa labas na hindi nagpapaalam. Naalala ko tuloy noong nasa fourth grade ako, late na pero nasa perya pa rin ako kasi nawili akong maglaro no'ng claw machine tapos dumating lahat ng mga kapatid ko para sunduin ako. Isa-isa silang may mahabang speech sa akin, kahit si Ate Dyosa ay dumating sa kalagitnaan ng state visit niya sa Amerika para lang pagsabihan ako. "Hmp talaga."

Nasa Fuerteventura kami, sa makalawa na raw kami uuwi sa San Vicente pagkatapos maasikaso ang annulment or whatsoever namin ni Hecate. Gabi na kami nakauwi rito mula sa Isla Memorata para pag-usapan ang nangyari, pero sila lang naman ang nag-usap-usap. Parang hindi nga ako nag-e-exist kasi walang pumapansin sa akin, wala rin si Hecate kasi hindi siya sumama pauwi. Sa tingin ko ay nasa Pirate Bay pa siya, siguro kasama niya iyong Phoenix at nag-e-enjoy siya habang ako ay hindi.

Sa buong durasyon ng pag-uusap nila ay mataman lang akong nakikinig, pigil na pigil si Ate MV na magtaas ng boses lalo pa at dumating iyong mga uncles and aunties ni Ate Cyrene. Iyong isang auntie ni Ate Cy, nakatingin lagi sa akin; hindi ito nakangiti at hindi rin galit — kumbaga ay neutral lang ang mukha nito sa tuwing tumitingin sa akin. Ah, ngayon ko lang naisip na kamata niya si Hecate pero green eyes kasi ito, si Hecate kasi ay hindi.

Dumungaw ako mula sa bintana, nakita ko ang pagdaan ng kotse ni Ate Isay. Ngayon lang din siguro sila nakauwi ni Ate Sam galing Austria, nagbakasyon kasi sila roon kasama ang pamangkin ko. Pinanuod ko silang bumaba, nauna si Ate Isay tapos binuksan niya ang pintuan ng backseat at lumabas si Samsam na may kayakap na laruan, isang minion plushie. Humihikab pa siya at pagkuwan ay binuhat ni Ate Isay, antok na antok pa yata ang panganay naming lahat.

I smiled upon watching my sister-in-law, Samuelle De Marco, walk to my sister and kiss her lips. It was just a chaste but my sister still blushed like it was her first being kissed. Pagkatapos ay kinuha nito si Samsam mula kay Ate Isay at saka sila magkahawak-kamay na pumasok sa loob ng bahay nila na nasa katabi lang nitong bahay ni Ate MV. Siguro ay masarap sa pakiramdam kapag may kahawak sa kamay, iyong hindi lang pang-friends kundi panghabang-buhay na hahawakan ang kamay ko from ups and downs, in sickness and in health, 'til death do us part.

Napatingin ako sa salamin ng bintana, nakikita ko ang repleksiyon kong nakangiti pero hindi abot sa mga mata. Am I lonely? My mind could answer it with a no. Hindi naman ako lonely, pero siguro masasabi kong nakakaramdam ako ng pag-iisa. I know, I'm surrounded by my sisters, my sisters-in-law and my cutie nieces but it feels like something is missing.

Like the night sky without the moon. Like the blue heavens without the sun. And like in the middle of the ocean without air.



Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago binuksan ang bintana, pumasok agad ang hangin na nanunuot pa sa ilong ko. Ang bango naman ng unang pagbugso ng araw, amoy tinapay at tablia. Biglang kumalam ang sikmura ko, baka nagugutom lang talaga ako at kung ano-ano na ang naiisip ko.

Kumalam ulit ang tiyan ko, mukhang gutom na nga ako. Tumayo ako sa gilid ng bintana at tumingkayad nang kaunti, nakikita ko mula rito ang bakery ni Ate Toni na umaga pa lang ay pinipilahan na ng mga kapit-bahay namin. Masarap naman kasi, malinamnam at swak na swak sa panlasa. Gustong-gusto ko ang pandesal na gawa niya. Nagmamadali tuloy akong kumuha ng pera at lumabas ng kuwarto ko, baka maubusan na naman ako.

MRS. ADAMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon