Biglang kumulog ang langit na nagpabilis sa tibok ng puso at nagpangiwi sa nguso ko. I don't like thunder. Nakakatakot kasi pakinggan, it felt like those bongo drums from a cannibal movie. Lalo na kapag may nakuhang bihag ang mga cannibals. Tsk, naalala ko tuloy nang minsang mapasama ako sa isang expedition sa Peru. It was a nightmare, hinabol kami ng isang jungle warlord tapos nakasunod sa kaniya iyong mga kampon niya. I thought it was the end of my life. Mabuti nalang at nakaalis kami agad na walang galos sa katawan. No one said that part of the country was infested with flesh-eating people. And since that day, I swore that I won't be going on any expeditions ever.
But, look at where I am today. I'm on an expedition to somewhere not on the map. Well, at least, it's not a jungle anymore. We're just going to ride a boat, sail to the ends of the economic zone of the Philippines and find Ate Atalanta.
Simple lang naman kung tutuusin pero hindi pa nga nagsisimula ay ganito na kami ni Hecate. Ang buong akala ko pa naman ay dapat kaming civil sa isa't-isa pero iba naman ang trato niya sa akin. Para akong germs na iniiwasan dahil nakakahawa.
Napaismid ako. Paano kami magkakasundo kung ganitong iwas na iwas siya?
Tinanong ko lang naman siya, she doesn't have to be masungit. Napabuga nalang ako nang hangin at tumingin sa loob ng kotse, totoo ngang nakakabit pa sa ignition hole ang susi. Okay, may karapatan siyang magsungit pero sa ganito lang dahil kasalanan ko.
Napakamot ako sa ulo, paano ba ito? Uulan pa naman tapos hindi ko alam kung saan na si Hecate. What am I going to do? Tiningnan ko ulit ang nasa loob ng sasakyan, sa backseat naman ako sumilip. May payong akong nakita. Ang problema lang ay wala akong susi para mabuksan ang kotse dahil nasa loob ito.
Napapanguso ako sa sarili ano ba ang puwede kong gawin? Basagin ko nalang kaya ang salamin? Ay, hindi, baka bumalik si Hecate at baka lalong magalit sa akin kapag nakita niyang may basag sa kotse niya. At ako pa ang basagin.
Should I lock pick it instead? Ay, masama rin iyon. Iba nalang, hihintayin ko nalang siya. Sigurado naman akong babalik siya, hindi bale na ang ulan basta, alam kong babalik siya.
Pero kumulog ulit ang kalangitan, nagtatambol na naman at ngayon ay sa Mt. Olympus na ang party. I started to worry when I saw lightning shortly before the heavens rumbled again. "Shit," mahinang mura ko.
I need to find a shelter as soon as possible. Kahit naman magandang tingnan ang kidlat pero ayaw ko pang matusta at mahati sa dalawa. A lightning bolt is much hotter than the surface of the sun. And for another reason—although cars could offer shelter when lightning strikes it but, external electromagnetic and electrostatic influences are still outside especially on the ground — making the car a total Faraday cage.
But Hecate's car is a convertible one. It doesn't have the metallic top frame that could be used as a shield from electromagnetic fields, both static and non-static. So, it's a major concern; totally not a hundred percent safe zone for me. Actually, no one is safe outside.
Tiningnan ko iyong dinaanan ni Hecate, walang hanggan ang nakikita ko. Wala ring masisilungan man lang. Isa lang itong napakahabang daan na puro puno sa kanan at sa kaliwa naman ay dagat. Nagdadalawang-isip ako kung tatakbuhin ko ang tinahak ni Hecate para sundan siya o kung babasagin ko ang bintana ng kotse niya para kunin ang payong.
The skies roared again, napatingin na ako sa langit at unti-unti nang pumapatak ang ulan. Hindi pa natuwa at kumidlat na naman. Dito ko na naisipan na sundan si Hecate, tinakbo ko ang tinahak niyang daan kahit na nababasa na ako ng ulan.
Palakas nang palakas na ang ulan, padilim naman nang padilim ang paligid but there's still no sign of trade here. Wala ni isang sasakyan ang dumadaan para makahingi ako ng saklolo. At ang mas nakakapagtaka ay parang walang katapusan ang daan na tinatahak ko.
BINABASA MO ANG
MRS. ADAMS
General FictionTrigger warning: This story contains some words that might affect you. Please read responsibly.