Dumungaw ako sa bintana ng villa ko para tingnan kung tumila na ba ang ulan, malakas pa rin ito at mukhang walang planong tumigil. Bigla nalang kasing dumilim ang kalangitan at nagpa-waterfalls siya nang makarating kami ni Ate Atalanta dito sa Royal Village. Nagalit yata si Lord kasi maraming bad sa world tapos ang ulan ang nagsisilbing cleanser upang maging pure na ulit ang mga tao.
Napanguso ako, gusto ko pa sanang mag-ikot sa buong Pirate Bay kaso ay nagpadibida ang ulan at naunsiyami ang plano kong pamamasyal. Ang selfish niya sa akin. Sa sobrang lakas ay wala akong halos makita dahil sa kapal ng ulan na tumutulo na parang mga luha na galing sa langit.
Humiga nalang ako sa sofa na nandito sa sala at tumingin sa kisame. Maganda itong ibinigay na villa sa akin ni Ryvon. Malaki, parang palasyo ng isang reyna sa panahon na uso pa ang chivalry at mga magigiting na mga knights in shining armor. I've always loved the medieval period and my family came from a long lineage of monarchs. Kaya siguro ito ang naisip na design ni Ryvon. Nag-text ako sa kaniya na nagustuhan ko ang ibinigay niya, and I also said that it's too much for a gift. Isang angry emoji ang reply niya sa akin kaya hindi na ako nag-inarte pa.
Mayaman naman ang pamilyang kinabibilangan ko pero hindi ganito ka-lavish kung magbigay ng regalo. Sinanay kasi kami ni Ate MV kung paano mag-handle ng pera. She taught us how to spend money wisely. She taught us value formation. We had to train our intellect so that we will be strong enough to do well and avoid the bad things.
For example, crush ko talaga si Hecate pero kahit gaano ko siya ka-crush ay kailangan ko pa rin maging isang matatag na dalagang Pilipina. Hindi ako marupok, and I have to stand on my ground before I'll do anything stupid that I might regret later.
Naglaro nalang ako ng Mobile Legends para hindi ako maburyo sa paghihintay sa ulan kung kailan titigil sa pagpatak. Wala rin akong natatanggap na texts mula kay Ate MV. Inis talaga sa akin, tsk. Nagugutom pa naman ako tapos hinahayaan niya lang akong magutom dito. Isusumbong ko talaga siya kay Mama at Papa kahit na matagal na silang sumakabilang bayan.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga dahil hindi na gumagalaw ang mga heroes na naglalaban. "Hala," tumayo ako para maghanap ng signal sa loob ng villa pero walang nagpakita kahit isang bar man lang. Lumabas ako sa front porch at may may nagpakitang isa. Gumalaw na ulit ang mga heroes na naglalaban sa screen ng phone ko, mabuti nalang at hindi namatay ang gamit kong hero.
Tinapos ko na agad ang laro dahil nakaramdam ako ng boredom. Ano ba naman itong puso ko, palagi nalang nakakaramdam ng ganoon? Lately, I feel empty. Bakit kaya nagkakaganito ako, gayong marami naman na rin akong nagawa sa buhay?
I'm a graduate of an ivy school. I've received different awards both local and international. I survived Mt. Everest. Nag-dive na rin ako sa Marianas Trench. Pero, bakit ganito ang nararamdaman ko?
I really feel empty. May mali ba sa akin?
Biglang kumulog ang kalangitan na nagpaatras sa akin. Iyon na ba ang sagot? Napabuntong-hininga ako at tumingin sa galit na kalangitan.
Lord, please kunin mo na itong nararamdaman kong ito. Nababagabag na po ako, to be honest. Magpapakabait pa po lalo kapag nawala na ito.
"Yes!"
Sa katapat na bahay, biglang lumabas si Hecate na parang hindi alintana ang malakas na ulan. Tumalon-talon pa siya na parang batang first time na naligo sa ulan. Hala siya? She danced under the pouring rain. And I can't help but to watch her.
Basang-basa na talaga siya. May naalala tuloy ako sa ginagawa niya. Parang sa movie. Parang si Bea Alonzo na girl under the rain. Patuloy ko lang siyang pinapanuod na ngayon ay nagtatampisaw na, para talaga siyang bata. Na mahilig sa bata, sabat naman ng munting isip ko. Natawa tuloy ako.
BINABASA MO ANG
MRS. ADAMS
General FictionTrigger warning: This story contains some words that might affect you. Please read responsibly.