KABANATA 7

419 51 27
                                    


"O, saan ka pupunta?"


Ngumiti ako nang alanganin kay Ate Fritz, aalis sana ako kasi may hahanapin ako kaso napansin niya ako. Napakamot tuloy ako sa ulo, "ah, he-he. May pupuntahan lang  po sana ako, teh."


"Saan ka naman pupunta, Zenobia?" buong istriktong tanong ni Ate Julianne. Nakakunot ang noo niya at wala pa rin sa mood. May bisita kasi siya ngayon kaya ganiyan kasungit. "At sinong pupuntahan mo? May boyfriend ka?"


Mabilis akong tumanggi, wala akong ganoon. Wala rin naman akong kaibigan sa classroom. May mga lumalapit pero for hidden agendas lang. "Wala po! Wala po, Ate Dos! Promise."


"Pupuntahan mo ba friend mo?" It was Ate Isay. Siguro na-sense niyang hindi ako pakakawalan ng basta ni Ate Julianne kapag ganiyan siyang nagsusungit. Tumango ako kay Ate Isay. "Sige, we'll wait for you sa Atlantis, bunso."


"Bakit mo naman pinayagan, Ate? Ang bata pa! Hindi nga 'yan tumitingin sa daan, kung saan-saan nauuntog, eh," reklamo pa ni Ate Julianne. Pinagsabihan siya ni Ate Isay kaya tumahimik na. Si Ate Fritz naman ay nakatingin sa akin. "Mag-ingat ka, pipsqueak. At tumingin ka sa daan, hindi kung saan-saan dumadapo 'yang mga mata mo."


"Opo!" Nagpaalam na ako sa kanila at naunang lumabas ng gym. Natawa ako kasi kahit sa labas ay rinig ko pa ang pagbabangayan ni Ate MV at Ate Julianne.


"Congrats!"


"Hoy, Tolentino! Congrats!"



"Papichu, congrats!"


I bowed my head as I walked along the covered walk outside the gymnasium, dozens of my batch mates congratulated each other when U walked past them. Ang iba ay magkakasamang kumukuha ng larawan as remembrance ng high school graduation namin. Halos lahat ng nandito ay nakasuot ng puting toga ay todo ang mga ngiti at bati sa kapwa graduates.


I looked at them with both sadness and happiness. Masaya kasi walang naiwan sa batch namin pero malungkot kasi ito na ang huli kong araw sa Imperius. Bukas ay lilipad na ako papuntang Amerika para maghanda sa college interview. I got accepted at MIT, hindi ko pa lang alam kung anong kukunin kong degree but I'm sure it would be in the science department. Nagbuntonghininga ako, huling araw ko na rito kaya lulubus-lubusin ko na.



I took the shortcut to the Aviation building via the Engineering building, sa likod kasi ng gusali ay ang malawak na stadium ng university at sa dulo nito ay ang School of Aviation. Hecate's taking Aeronautical Science, sa pagkakaalam ko ay nasa third year na siya. Bagay nga sa kaniya iyong white uniform nila, kapag nakikita ko siya feeling ko isa siya sa mga fighter pilots ng Top Gun. And she's definitely best suited to be a pilot.


Watching every motion in my foolish lover's game
On this endless ocean, finally lovers know no shame
Turning and returning to some secret place inside
Watching in slow motion as you turn around and say

Take my breath away
Take my breath away




Wow, mukhang narinig yata ako ng SOA, pinatugtog ba naman ang Take My Breath Away ng Berlin. Natatawa tuloy akong naglakad papasok ng guilding nila na hindi alintana ang mga nagtatanong na mga tingin ng iilang mga student pilots. I casually walked past them as I ventured my way through the open space of the building. Free time ni Hecate ngayon at palagi siyang tambay sa canteen, hinanap ko siya mula sa kumpulan ng mga tao pero hindi ko siya nakita. Tiningnan ko ang malaking orasan, malapit na pala ang third class niya baka nasa room na siya.


MRS. ADAMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon