KABANATA 11

480 43 40
                                    


Nagising ako na parang may dumudutdot sa mukha ko. Hindi ko ito pinansin at baka buhok lang ni Hecate, kaya naman ay nakapikit pa rin ako. Naramdaman ko ulit ang pagdutdut kaya idinilat ko na ang mga mata at ang sumalubong sa akin ay ang kulay brown na mga mata.


Napaayos ako sa pagkakaupo at tumingin sa taong nasa harap ko. Nakabalot ang kaniyang buong mukha na parang isang ninja dahil mga mata lang niya ang tanging nakikita ko. But to be fair, maganda ng shade ng mga mata niya, parang isang tinunaw na tsokolate. Medyo nagtwi-twinkle little star pa nga. Pero, teka, sino ba ito?


"Sino ka? Bakit naka-ninja costume ka?" asik ko sa taong nakatayo sa harap ko. Hindi siya gumalaw pero nakatingin sa likod ko. Sinita ko siya dahil tanging katawan ko lang ang nakatabing sa kahubdan ni Hecate na tulog pa at nakayakap pa rin sa akin. "Oy, tinatanong kita."


Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, tawang babae. Tinanggal na rin niya ang nakatabon sa kaniyang mukha. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag lalo pa nang masilayan ko na ang kabuuan ng mukha niya. "Sorry, I'm just following protocols."


"Ah," tipid kong sabi at inikot ang paningin sa paligid. Maaliwalas na pero bakas pa sa basang lupa ang nagdaang ulan. Humikab ako. "Anong oras na pala?"


She checked her watch, "malapit nang mag-alas diez ng umaga."


Kaya pala mainit na, malapit na pala magtanghali. "Anong lugar pala 'to?"


"Baluarte na ng Grande Verganza pero bakit kayo rito dumaan? This is the old road, though it's the shortcut."


Kaya pala wala akong nakitang dumadaan kahit ni isang sasakyan man lang kahapon. It's like in those kinds of movies where it was abandoned and forgotten by time. "So, kung Grande Verganza na ito, wala na kami sa Pontevedra? Saang probinsiya sakop ito?"


"You don't read history, do you?" Kumunot ang noo ko at tinanong siya sa ibig niyang sabihin. But she's right, I don't read much about history. I'm more into Astronomy and Physics. "Technically, you're still in Pontevedra. Grande Verganza is the only independent component city in the entire province."


"I thought there were only five of them in the entire country? Anim na pala?"


Tumawa siya at tumango, "we just got independent five years ago. Anyway, I'm still wondering why you took this road. Mabuti at hindi kayo pinara ng mga militar sa barracks sa entrada."


"I—I actually don't know. Tulog kasi ako buong biyahe at paggising ko, nasiraan na ka—" I paused myself from explaining when I noticed her eyes wandered at my back. Tinawag ko siya, "miss, asawa ko 'yan."


"I didn't know she was married." She remarked and then smiled at me. Her eyes darkened as she introduced herself. "Anyway, I'm sorry for being rude. I'm Davion Polavieja. And I just wondered if you happen to know the news or not."


"Ha, anong news ba?"


"The President already ordered an enhanced lockdown throughout the entire Philippines."


Nagsalubong ang dalawa kong kilay, anong lockdown. Hindi ko siya maintindihan. "Anong ibig mong sabihin? May nangyayari na bang coup de etat? May bagong People Power na ba?"

"No," iling niya, "far worse than that." Napansin kong nakatingin ulit siya kay Hecate. Ang likot naman ng nga mata. At bilang legal wife, tumikhim ako para kuhanin ang atensiyon ng babaeng ito. Bawal niyang pagmasdan si Hecate. "Sorry, erm, is she okay?"

Nilinga ko si Hecate, payapa pa rin siyang natutulog pero naiinitan na ako sa posisyon namin. "Oo naman, bakit mo natanong?"

Bumaha ang concern sa mukha niya. Nalito ako dahil doon. "Is she sick?"

MRS. ADAMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon