"No, you're not going anywhere."Naitikom ko ang bibig pagkatapos kong sabihin kay Ate MV ang plano namin ni Hecate na pupuntahan namin si Ate Atalanta. After our dinner at La Terraza, Hecate drove me home. Wala nga kaming imik na dalawa habang nasa biyahe, pareho siguro kaming nag-iisip ng mga puwedeng mangyari sa gagawin namin. At nang makauwi ako, nadatnan ko si Ate MV at Ate Cyrene sa living area at tila may hinihintay.
When I was about to open my mouth, isang tumataginting na sermon ang inabot ko. My sister was really fuming mad, her face was so red and almost scary. Siguro malapit na niya akong saktan pero nagpigil lang siya. I asked her, why she's mad at me at ayon, ipinaalala niya sa akin na grounded ako at hindi dapat lumabas pero lumabas pa rin ako na hindi nagpaalam sa kaniya. Saka ko lang na-realize ang ginawa ko, nakalimutan ko kasi lalo nang tawagan ako ni Dean Olvidera.
"I'm sorry po, Ate..."
"Lagi nalang, Zenobia. Lagi nalang!" Mataas pa rin ang boses niya, at tila walang plano na kumalma. Nasa hapag-kainan kami ngayon, nag-aagahan at ayon nga, sinubukan kong sabihin sa kaniya ang plano pero mahigpit ang tutol niya. "Bakit hindi ka ba nakikinig sa akin, ha?"
"Mary," Ate Cyrene pleaded, umiling lang ang kapatid ko. Walang maggagawa si Ate Cy kapag ganiyan si Ate MV na galit. "Ang mahalaga naman ay umuwi si Zen."
My sister shook her head, she even pushed her plate which was still full of food. Hindi pa yata siya nakaka-isang subo dahil pagkakita pa lang sa akin ay sinermunan na niya agad ako. "The point is, bakit siya umalis gayong alam niyang pinagbawalan ko siyang lumabas?" Nagbaling naman sa akin ulit si Ate MV na pinandidilatan ako ng mga mata. Pulang-pula pa rin ang mukha niya. "I told you to stay home. Bakit ka pa rin umalis, Antonovia?"
I chose not to answer, paano ko ba naman kasi sasabihin sa kaniya na nakalimutan kong grounded ako? Na-excite ako sa tawag at ayon, lalong nakalimutan nang sumama ako kay Hecate at kumain kami ng masarap na pagkain. How am I to tell her that I forgot about it?
"Mary, please. Zen is already old enough to be grounded. And she could already handle herself."
Taimtim akong nagpapasalamat na may kakampi ako ngayon. Kasi kapag nagkatipon-tipon kaming magkakapatid, ni isa ay wala akong kakampi. Sila pa ang magsama-samang magsesermon sa akin.
"If she's old enough to handle herself, then she should know why she got married in the first place!" Nagulat kaming pareho ni Ate Cyrene sa biglang pagtayo ni Ate MV, sumunod naman sa kaniya ang hipag ko na pinipilit na ipaintindi sa kapatid ko ang nangyari. Pero may punto naman si Ate MV, I should really know what happened to us kaso wala akong maalala. Even Hecate had no idea about it at tanging si Ate Atalanta lang ang nakakaalam ng buong istorya pati iyong isang witness na pumirma roon sa papel. "Hindi mo ba ako naiintindihan, Cyrene? Kahit na malalaki na at may pamilya na ang mga kapatid ko, they would always be my little sisters! Sa tingin mo ba, may ihaharap ako sa iba kong mga kapatid kapag nalaman nila itong nangyari kay Zenobia? Nasa poder ko ang bata! Now, how would you tell them what happened? Lalo na kay Julianne!"
Kahit nasa living area na sila ay rinig na rinig ko ang sagutan nilang dalawa. Pati mga boses nila ay nagtataasan, 'buti nalang at wala ang pamangkin ko at hiniram ng pamilya ni Ate Cyrene. Nalulungkot ako, ayaw ko silang nag-aaway. Dahil sa akin, baka hindi na naman sila mag-uusap dalawa.
"Malalaman at malalaman din naman nila, kaya habang maaga pa ay kailangan na natin ipaalam ang tungkol kay Zen at Hecate. You can't just lock up your sister and keep the secret forever, Mary! I suggest we tell Dyosa first or Isay. Or just tell them at once!"
BINABASA MO ANG
MRS. ADAMS
General FictionTrigger warning: This story contains some words that might affect you. Please read responsibly.