CHAPTER 7

3.1K 112 7
                                    

CHAPTER 7

SUNNY'S POINT OF VIEW

ANAK NG TOKWA! Tinanghali na ako ng gising. Nang tignan ko ang oras sa wall clock ng kwarto ko ay pasado alas onse na nang umaga,nakagat ko ang pang ibabang labi at saka napasabunot sa aking buhok out of frustration.

Letse! Late na late na ako!

Dali dali akong dumiretso sa banyo para maghilamos ng mukha,kinuha ko ang aking telepono at dumiretso sa may kusina.

Kumakalam na ang sikmura ko dahil wala pa akong kain simula pa kahapon. Gayon na lamang ang inis ko ng walang madatnang kahit anumang pagkain sa mesa,nang i-check ko ang ref ay wala din iyong kalaman laman.

Napahikab na lamang ako at itinukod ang aking kamay sa lababo. Muling sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi maging ang mga sinabi ng misteryosong lalaki. Ikinuyom ko ang kamao dahil sa labis na galit,wala akong magawa kundi ang sumunod sa nais ng taong nag-utos sa kanya.

He even offered a large sum of money in exchange of my loyalty and service to them,they are that desperate. Sa totoo lang kung susumahin sapat na ang halagang iyon para mabili ko lahat ng gusto at kailangan.

Come to think of it,I don't have to drown my self to work anymore to earn for a living couz that money is enough for me to survive,kung iisipin instant ginhawa ka'agad pero kapalit naman nun ang pagsasantabi ng dignidad at konsensya ko bilang isang tao.

Ramdam ko ang pagtulo ng butil ng luha sa mata ko ng maalala ang mga nakasaad na litrato sa papel na dala ng estranghero. I have no choice,I need to obey them or else they will take the life of my mother. It is selfish to say and think but I'll take the risk. Alam kong may mapapahamak sa gagawin ko pero kailangan kong isalba ang nagiisang tao na napakahalaga sa akin.

There's no turning back,it's a do or die. Seguridad niya kapalit ng buhay ng ina ko. 

Wala akong kagana-ganang pumasok ngayon,tila ba bagsak na bagsak ang enerhiya ng katawan ko.

"Arggg. This is too much to handle. Tsk,bahala na" Gigil kong asik

Agad akong tumawag sa HR ng kompanya para magbigay ng excuse notice,dinahilan ko na lang na inaapoy ako ng lagnat para pumayag silang magleave ako for one day. Luckily naconvince ko naman sila kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag.

Tinignan ko ang sarili sa salamin at kapansin-pansin ang hubog ng katawan ko.

"Baboy"

Yes I already accept it,totoo naman kasi. I look like a pig and I can't change that fact kahit ano pang gawin ko.

Parang saglit na umurong yung gutom na nararamdaman ko kanina. Napagpasyahan kong magpahinga sa salas,nagsisimula pa lang ang araw na 'to pero gustong gusto ko na agad matapos. Napakarami ko nang pinoproblema pati ba naman pagkahayok ng iba sa kapangyarihan aasikasuhin ko pa? I mean why me? Wala naman akong kapasidad. Why not hire those capable of doing soo.

"Ang hayop na yun! Siguraduhin lang talaga niyang tutupad s'ya sa napagkasunduan"

Di ko namalayang napaidlip na ako sa sofa ng ilang minuto,nagising lamang ako ng makarinig ng sunod sunod na katok sa pintuan. Kamot ulo akong napatayo  at lugong pinagbuksan ang taong nasa labas.

"S-sir? MR. HEMENEZ?!"

"Yah it's m-----" Mabilis kong isinara ang pinto dahil sa labis na gulat

Lagot! Anong ginagawa n'ya dito?!

Napakurap kurap ako at agarang sinuri ang aking itsura sa camera ng cellphone ko. Sabog na sabog ang mukha ko,ang losyang kong tignan,nanayin kumbaga.

Muli kong binuksan ang pinto at napansin ang walang ekspresyon nitong mukha habang pirming nakatayo sa harapan ko. Nakikiusyuso ang iba naming kapit bahay rinig ko pa ang tinuturan ng iba,sanay na sanay na ako sa mga chismosa dito samen. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang sila kainteresado sa buhay ko at ni mama,laging updated.

Serving the Possessive and Mysterious CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon