CHAPTER 9
SUNNY'S POINT OF VIEW
PAGDATING ko sa company building ay sobrang drain ng energy ko sa katawan. Kahit sobrang kumikirot ang pagitan ng mga hita ko pinilit ko talagang ituwid ang paglalakad para lang hindi ako kwustiyunin ng sinumang makakakita sa akin na ganoon ang asta.
Until now I have this sore feelings in between my thighs,at nakapagpadagdag yun ng iritasyon sa akin. Ilang beses na akong inangkin ng lalaking yun pero bakit sobrang sakit pa rin? Is he that wild.
Hindi ko rin naman siya matanggihan,there is something about him that I can't resist. Pinangako ko na sa sarili na wag magpapaloko sa mga lalaki,lust is the only thing that connects us two that's all.
Tama na nga 'to!
Kakapasok ko pa lang sa main entrance tanaw na tanaw ko na sa aking puwesto ang mga aligagang empleyado na nasa ground floor,lahat sila busy sa kanya kaniyang trabaho,ang iba'y tutok na tutok sa mga monitor na nasa kanilang harapan.
Lumapit ako sa gawi nila at napaisip kung bakit ganun na lang katensyonado ang mga ekspresyon ng kanilang mga mukha.
That's unusual
Rinig na rinig ang mga matataas na tono ng boses nila na may inuutos sa kasama, di magkamayaw ang lahat sa dami ng kailangang asikasuhin.
This is new,ano kayang meron?
"Ahemm,excuse me miss. What are you doing here? Employee ka rin ba d'to?" Bungad ng isang lalaki sa akin habang nakapamewang
Well,he's maybe a guy in physical aspect pero halatang halata na pusong babae ito. Sa paraan pa lang ng pananalita niya at postura super obvious na.
Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa at saka nagtaas ng kilay habang inaantay ang itutugon ko.
It's the first time I saw this person here. Hindi ako pwedeng magkamali, kahit ilang linggo pa lang ang inilagi ko dito ay solo ko na ang mga mukha ng mga empleyado at staff ng NIKOV and this person isn't familiar.
"Yes. Secretary ako ni Eas-----I mean ni Mr. Hemenez. Ngayon lang kita nakita,bagong empleyado ka ba?"
"A-ahh ikaw pala ang sekretarya ni Sir. I'm a new employee here,nung nakaraang week ako nagpasa nang application at kahapon ako nagsimulang mag-work d'to. I'm Francis by the way" Bahagya siyang lumapit sa akin at saka naglahad ng kamay "Pero ghurl,Francine ang itawag mo saken ahh? Ehh kasi,as you can see I'm pa-girl"
Mahina akong napahalukipkip ng tawa bago nakipagkamay sa kanya. Na-miss ko tuloy bigla sina Riza at Leon, my two best of friends huli kaming nagkita nung nag-night out kami sa isang club then after that hindi na nasundan pa dahil na rin marahil sa pokus kami sa kanya kaniyang work kaya wala ng mailaang oras para makapagset pa kami ng day at time for our friendly bonding.
But will surely find a way to see each other again,that's for sure. Even though nakakapagusap pa rin kami through chats and calls iba pa rin kapag personal ko silang kasama. Napakarami kong gustong ikuwento sa dalawang 'yon,including my situation right now.
"Oy,'te! Ayos ka lang ba natulala ka ata,shook ka ba sa kagandahan ko" Pabirong ani ni Francine kaya nabalik ako sa wisyo
"Pasensya na,may naalala lang kasi ako. I'm Sunny by the way" Pagpapakilala ko "Absent ako kahapon kaya hindi tayo nagkakilala ng maaga. It's nice meeting you,kamusta naman first and second day mo dito?"
"Hmm,okay naman ang unang araw ko dito. Madami agad akong naging close,di na rin masama maganda ang ambiance sa lugar na 'to. Mataas ang offer nilang sahod at napakaraming benefits na makukuha unlike sa ibang company. Ang swerte ko nga dahil nakapasok ako sa pinakamalaki at pinakakilalang wine producers sa buong mundo. Feeling ko tuloy ang syala ko na"
BINABASA MO ANG
Serving the Possessive and Mysterious CEO
RomanceSunny, plagued by job rejections and heartbreaks, carries the weight of insecurities about her body. Her vow to shield herself from manipulative men is rock solid. But one night, a man named Eason enters her life. He claims her in a passionate encou...