Astrid's POV
Dahil sa dami ng trabaho nakalimutan kong magpaalam kahapon kay Sir Ryker na maghalf day ako ngayon dahil kukuha ako ng card ni Felize, kaya ngayon ako magpapaalam, wala namang nakaline-up na meeting after lunch eh
Kumatok ako ng tatlong beses hanggang sa papasukin ako
"Sir, Good Morning po, sorry po sa late notice nalimutan ko po kasi magpaalam kahapon"
"What is it?"
"Pwede po ba ako mag-half day today? May pupuntahan lang po akong importante"
"More important than work?" Masungit nyang tanong
Di hamak na mas importante ang anak ko kesa sa trabaho noh!
Kaya nga ako nagtatrabaho para sa anak ko eh! Meaning mas importante sya!
"Y-Yes po. Babawi po ako bukas, kailangan ko lang po talagang puntahan yun" pagmamakaawa ko
"I will allow you in one condition. You will stay until 7pm tomorrow paid overtime"
"Sige po, salamat po" sabi ko at lumabas na.
Naghintay lang ako mag 12noon at tinawagan si Felize na papunta na ko sa school nya pagkatapos ko magpaalam kay Sir Ryker.
Buti nalang pinagamit ni Kuya yung sasakyan nya para may service kami ni Felize.
Mabilis lang rin akong nakarating sa school ni Felize, at pinapasok ako agad ng guard nang ipakita ko yung parent's ID ko na prinovide ng school nila.
"Mommy!"
"Late na si Mommy?"
"Hindi po. Thank you po Mommy, kasi kahit busy ka pumunta ka"
"Mas mahalaga ka kesa sa work ni Mommy, ok po?"
"Opo, I love you, Mommy ko" she said and yumakap sa akin
"I love you most, baby ko"
Kinuha ko yung bag nya sa kanya at ako na ang nagdala saka kami pumasok sa classroom nila. Sa likod lang ako umupo kasi ayoko ng masyadong atensyon, kaso pinagtitinginan parin kami.
"Mommy, ano nasa bag mo?" Tanong ni Felize habang hinahalungkat yung bag ko. Sus! Naghahanap lang to ng pagkain eh
"Mga gamit lang ni Mommy yan sa work, wala ka mapapala sa bag ni Mommy. Walang food dyan, baby"
Nang makita nyang wala syang mapapala sa bag ko, kumandong sya sa akin at yumakap sa akin.
Nakinig lang ako sa sinabi ng teacher nya hanggang sa ibigay na isa isa yung mga card
"Villasis, Felize Ryliah?"
"Bantayan mo bag ni Mommy ah" sabi ko at pumunta sa harap para kunin yung card nya
Babalik na sana ako nang maalala kong kamustahin si Felize
"Ma'am, kamusta po si Felize dito sa school?"
"Naku! Napakatalinong bata po, wala akong problema sa kanya at napaka-active nyang si Felize. Lagi po nyang sinasabi mana sya sa inyo"
"Thank you po" sabi ko nalang at kinuha yung card nya
"Mommy, hindi ka magagalit kapag may mababa akong grades?"
"Bakit naman magagalit si Mommy? Proud na proud kaya si Mommy sayo" sabi ko at tinignan yung mga cards nya. "Wow! Ang tataas naman ng grades ng baby ko. Dahil matataas grades mo, gusto mo date tayo?"
"Talaga, Mommy? You'll take me on a date? We will have Mommy and Felize date?"
"Yes, kasi super proud si Mommy sayo" sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.
YOU ARE READING
The CEO's Single Mom [COMPLETED]
RomanceLeiah, a loving single mom to her 10 year old daughter, Felize. Got pregnant accidentally when she was 17 by her ex-boyfriend, Raymark. When she told him about her being pregnant, he quickly broke up with her, and left the country, and never helped...