15

4.6K 92 3
                                    

Astrid's POV

"Lola Liza!" Masiglang pagbati ni Felize nang dumating sila Ryker

Hindi ko naman sya sinasabihang bumibisita.

Siya lang itong nagpupumilit na bisitahin si Felize, kaso laging tulog si Felize kapag bumibisita sya.

Pinatransfer nya si Felize sa Presidential Suite, tumanggi ako nung una dahil wala akong pera na pambayad sa ganun kaso binayaran na nya lahat ng magagastos ni Felize dito sa ospital, pinakita nalang nya yung resibo pero di binigay sa akin.

"You know each other?"

"Tito Pogi!"

"Anak? Kilala mo sya?!"

"Sorry, Mommy."

"Felize, alam mo ang ayaw ni Mommy, di ba?"

"Sorry, Mommy. Huwag ka na magalit sa akin po, please"

"Explain to me muna"

"I'll explain, pretty princess" sabi ni Ryker kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Don't be mad at her. I am the one to blame. Nung sinuggest ko na sabay na tayong pumasok at umuwi, na-curious ako kung bakit hindi kayo hindi tumatanggap ng bisita, kaya nagpasama ako kay Erick noon na pumunta sa inyo. She's the one who opened the gate together with Tita Evelyn. Tapos I introduced myself and I told them that I want to court you. Akala ko protective lang talaga sila sayo since you're the bunso. Leo took the risk of you getting mad at him, sabi nya, yung approval daw is bukod sa approval mo, dapat approve din daw sa isang pinakaimportanteng tao para sayo and dun ko nalaman that you have a daughter. I did everything to get her approval, ako ang naghahatid sa kanya sa school nya, kaya napapansin mo late ako pumapasok nung before sya magbakasyon. I was also the one picking her up, you never knew kasi late kitang pinapauwi nun, dahil ayokong malaman mo. Sorry, I should have told you"

"And hindi mo man lang sinabi kay Mommy?"

"Eh kasi Mommy, I want you to be happy. Tsaka, Tito Pogi is so kind to me and he treats me like his baby girl din, tapos he loves me din po, he always tell me na he loves me like how much he loves you daw. Tapos kapag nasa work ka po, nung wala na akong pasok, sinusundo ako ni Tito Pogi sa bahay tapos he's taking me on a date, yung ginagawa din po natin. Sorry, Mommy. Tsaka sya po yung nagbigay ng necklace na suot ko nung birthday ko, pero nagchange na ako Mommy, kasi sabi ko kay Tito Pogi gusto ko same tayo ng necklace kaya yung gift mo na po yung suot ko oh"

"At paano mo nalaman ang tungkol dyan?"

"Nakita ko po sa drawer, tapos may nakalagay na name ko, eh sabi mo Mommy kapag naka-name sa akin meaning that's mine, eh di this is mine po. Thank you kasi binili mo po yung gusto kong necklace, same na tayo ng necklace, happy na si Felize" she said happily at yumakap sa akin. "Tsaka Mommy, Tito Pogi makes me happy din, kasi yung mga ginagawa ng daddy ng mga classmates ko sa kanila is ginagawa din ni Tito Pogi sa akin. Tapos kapag tinatanung nung mga parents na nagsusundo sa school kung ano ko si Tito Pogi, ang sinasabi nya is Daddy ko sya, kaya masaya po si Felize kasi birthday wish ko lagi magkaroon ng Daddy na super bait at yung love ako at ikaw, si Tito Pogi yun, Mommy"

"Pati anak ko, sinulsulan mo" sinamaan ko ng tingin si Ryker na nakangiti lang. "At ikaw, baby ko, akala ko ba may sakit ka pa? Bakit ang daldal mo?"

"Ouch, Mommy! Masakit po tummy ko"

"Ulo mo yung masakit kanina lang"

"Ay yung head ko po pala, Mommy, masakit. Ouch! Mommy, call mo yung doctor, masakit yung ulo ko po"

Hindi ko alam pero natawa nalang rin ako sa kaartehan ng anak ko.

"But wait, how did you know Felize, Mom?"

"Mas nauna kami nagkakilala kesa sa inyo, kaya wag kang mag inarte dyan. I am a regualr customer sa coffee shop nila. I bought one time and Astrid was the cashier tapos she has this very gorgeous assistant that greeted me, so kada punta ko sa HHC, I am going there for 2 reasons na, for coffee, and to see this gorgeous princess. I got mesmerized in Astrid's beauty too, kaya nga nirecommend ko sayo noon ang HHC for having the best coffee for you to meet Astrid, kaso working na pala sya noon as your secretary"

"Then, why didn't you tell me nung after niyo bumisita sa opisina ko? Astrid was there"

"Aba! Hindi ako nanghihimasok sa buhay ng ibang tao. I respect Astrid's decision to keep it a secret, wala ako sa posisyon para magdesisyon para kay Astrid at Felize. It's all her call, at kung ayaw nya ipagsabi, then I will keep my mouth shut"

"Why don't you two talk muna? We will take care of Felize"

"Pwedeng i-borrow ni Tito Pogi si Mommy muna, princess?"

"Opo" masiglang sabi ni Felize

Hinila ako ni Ryker palabas ng kwarto nya at umupo kami sa isang bench dito lang sa labas ng hospital room ni Felize

"You've heard my side, what about your side? Kelan ko maririnig?"

"I had my first boyfriend when I was 16, we dated for a year and alam mo naman mga mapupusok na kabataan, then he got me pregnant without us knowing, nalaman ko lang nung nagpacheck up ako for me to take pills. Then, sinabi ko yun sa kanya itinanggi nya and broke up with me, pinagkalat pa sa school na nabuntis daw ako ng ibang lalaki, pinagmukha pa akong malandi. Tapos, nalaman ng magulang ko that same day, at itinakwil ako, kaya nagdrop din ako agad agad dahil si Kuya ang nagpapaaral sa akin noon at sa parents namin dumadaan yung pera pang tuitiom at allowance ko. Actually, expected ko naman na ididisown ako ng magulang ko kasi I was always Kuya's shadow, si Kuya ang laging magaling, matalino, the best, my parents only sees me as palamunin. So yun, pinalayas nila ako. Then someone came and pretended to be my bestfriend until my 7th month and birthday nya, ininvite nya ako sa bahay nila and I became a clown to them, dun ko unang narinig yung pandidiri ng tao sa akin, disgrasyada, maagang lumandi, malandi, pokpok, alam kong hindi ako ganun pero anong magagawa ko? May ebidensya ng kalandian ko which was my tummy. Nalaman nila Tita, Kuya, at Ate Donna, simula nun sila ang umalalay sa akin hanggang manganak ako, umuuwi si Kuya dito pero hindi alam ng magulang namin, tinago nila ako sa magulang namin para protektahan ako. Gustuhin ko man magtrabaho noon pa, kaso sabi nila wag na daw alagaan ko nalang daw si Felize at sila na bahala sa amin. So yun yung ginawa ko, hanggang sa gusto ko na talaga magwork, gusto kong makaipon para sa anak ko na galing sa pinagtrabahuan ko. Kaya nag-apply akong secretary sa company niyo"

"On Felize's birthday, Erick called me, I was listening on his phone while you're ranting about whatever is happening to you."

"Totoo naman eh, wala akong kwentang ina. Tama ang mga magulang ko, wala akong kwentang tao. Alam mo yung feeling na naiinggit ka sa ibang tao? Kasi yung mga regalo niyo kay Felize halatang pinaghandaan samantalang yung nanay nya na first time magregalo sa kanya, 500 pesos worth of necklace lang ang kinaya."

"Pero that 500 peso necklace you gave, it means a lot to her. Sige compare mo ah, let's say the necklace I gave her was worth a thousand pesos, but, can you see what she did? She replaced a thousand peso necklace because she wants what her Mommy gave her. That 500 pesos necklace worth a lifetime for her. It's always the thought that counts. Wag mong tignan yung halaga, ang tignan mo yung saya na maibibigay mo sa kanya, that's priceless. She wants everything you give her. Kung anuman ang ibigay mo, it means a lot to her kasi alam nyang pinaghirapan mo yung pinambili mo dun, she's considerate, and she's like you, buti nalang sayo sya nagmana at ikaw ang kamukha nya, kundi ang malas nya kapag naging kamukha nya yung gago nyang tatay"

"Bakit ka nag-stay, Ryker?"

"Kasi mahal na mahal ko kayong mag-ina. Kung itutulak mo ko palayo, wag mo na gawin, dahil lalapit lang ako ng lalapit sayo, sa inyo. Andito na ako, Astrid, para sa inyo ni Felize. May masasandalan ka na, you don't need to cry alone just because you feel sorry for Felize. Kung ano yung pagkukulang ng ama nya sa kanya, sayo, sainyo, pupunan ko yun, basta tanggapin mo lang ako sa buhay niyo ni Felize."

"As if may choice ako? Napamahal na sayo si Felize eh, sya ang boss ko"

"Yes! Thank you so much! I promise na hindi ko kayo bibiguin dalawa!" He said while kneeling in front of me.

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now