Astrid's POV
Despite my pregnancy, I am still working. Pinapagleave na nga ako nila Ryker, but, I want to work kasi kaya ko pa naman, maglileave lang ako kapag nasa 8 months na ang tyan ko, tsaka hindi naman ako napapagod sa work ko kasi nakaalalay si Yza sa akin.
5 months na ang tyan ko at hindi na office attires ang sinusuot ko dahil hindi naman na kakasya sa akin ang mga damit ko, binilhan ako ni Ryker ng sandamukal na maxi dresses para daw may masuot ako kapag aalis kami or kahit pamasok, yung mga sleeveless ko naman na maxi dress pinapartneran ko ng cardigan para hindi ako lamigin, may iba naman na may manggas, may iba pa na long sleeve pero hindi naman uncomfortable yung sleeves nun, yung mga flowy sleeves naman yun.
"Nagugutom ako" bigla kong sabi habang tahimik kaming nagtatrabaho ni Yza dito sa table namin na magkadikit na
"Na naman?! Buntis, kakakain lang natin ng lunch"
"Alam ko, eh nagugutom talaga ako"
"Paano kami magkakajowa ni Rox? Sayo ata kami tataba. Ano gusto mo kainin?"
"Gusto ko ng kape, nami-miss ko na magkape" sabi ko at ngumuso
"Buntis, mahal na mahal ko pa buhay ko, baka sunod na dalaw mo sakin eh sa puntod ko na dahil pinatay na ko ni Sir Ryker kapag pinainom kita ng kape"
"Dami mo namang sinabi"
"Just stating the facts, girl. Papatayin ako talaga ni Sir Ryker, baka paglamayan niyo ko ng maaga"
Kalma, self. Bawal ka sa kape, pagkapanganak mo tsaka ka magkape kahit gawin mo pang tubig.
Nag-isip ako ng gusto naming kainin ni baby, at may bright idea na pumasok sa utak ko! Apple na may suka
Agad akong tumawag kay Kuya, sya lang kasi ang alam kong nasa bahay ngayon, kasi si Felize christmas break na nya pero nandoon sya sa bahay ng mga Lopez, hiniram nila siya, at one week sya doon, naeenjoy naman nya kasi binilhan sya nila Mom ng aso, kaya hindi nangungulit sa maids na tawagan kami.
(Problema mo?)
"Kuya, busy ka?"
(Not really. Pupunta akong shop, bakit?)
"Nagugutom ako"
(Oh tapos? Ano kinalaman ko sa gutom mo? Gusto mo cupcakes? Dalhan kita dyan?)
"I want Apple na may suka. Bumili kami ni Ryker ng Apple kahapon, meron dyan sa ref. Ayokong istorbohin si Ryker kasi nasa importanteng meeting sya eh"
(Sige sige, dalhan kita dyan, hintayin mo nalang)
"Ayun! Thank you, Kuya! Udabest!"
Pinatay ko ang tawag at nagtrabaho habang hinihintay yung apple with suka na nirequest ko kay Kuya
Napalingon kami nang tumunog ang elevator at literal na nangunot ang noo ko sa nakita kong bumababa ng elevator
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?" Asar kong tanong.
"Buntis, kalma lang" pagpapakalma ni Yza sa akin
Nasa harapan lang naman namin si Raymark at naka-business attire sya.
"I have an appointment with Mr. Lopez"
"The CEO or the Vice?"
"CEO"
Talagang pinapunta ni Ryker itong animal na ito dito?!
Makita mo lang talaga, Lopez! Sa guestroom ka matutulog, isa ka ring animal ka!
"Ryker is in an important meeting, bumalik ka nalang after 10 years"
"Secretaries shouldn't be talking to guests like that, di ba? Tsaka shouldn't you be calling him Sir?"
YOU ARE READING
The CEO's Single Mom [COMPLETED]
RomanceLeiah, a loving single mom to her 10 year old daughter, Felize. Got pregnant accidentally when she was 17 by her ex-boyfriend, Raymark. When she told him about her being pregnant, he quickly broke up with her, and left the country, and never helped...