Astrid's POV
"Mommy, lamig"
Kanina pa kami natatawa na naaawa kay Felize dahil lamig na lamig talaga sya
First time kasi nyang makapunta ng ibang bansa eh, at nasaktuhan na malamig ang panahon.
Nakasuot naman na sya ng gloves at beanie nya, kaso hindi sapat yung kapal ng jacket nya, hindi kasi namin inexpect na ganito kalamig.
Kinuha ko yung extra na jacket ko na sobrang kapal, tapos tinanggal naman ni Ryker yung scarf nya at inilagay kay Felize
"Better, princess?" Tanong ni Ryker sa kanya
Tumango sya at yumakap kay Ryker, nagsumiksik sa kanya
"Tito will carry you nalang, tapos tomorrow we will buy you winter clothes"
Napalunok ako sa sinabi ni Ryker, wala naman kasi akong dalang enough na pera. Napahugot nga lang ako sa savings ni Felize ng 5k eh, di ko pa alam kung sapat yun.
Kausapin ko nalang si Ryker mamaya.
Binuhat nya si Felize at nagpatuloy kami sa pagbaba ng eroplano. May sasakyan na naghihintay sa amin sa baba, si Felize naman kapit na kapit kay Ryker dahil nilalamig nga.
"Bonjour" bati nung isang lalaki pagkababa namin
"Bonjour, Antonio. How have you been?"
"I've been good, Mr. Lopez"
"That's great to hear. Anyways, this is my wife and secretary, Astrid, and our daughter, Felize"
"Please to meet you, Madame. You have 2 beautiful ladies now, Mr. Lopez"
"Gorgeous ladies, yeah" sabi ni Ryker
Hinapit nya ako sa bewang kaya napabalik ako sa realidad
Did he just introduce me as his wife?!
Kelan pa ako naging asawa nya?!
"Mauna ka ng pumasok" sabi ni Ryker kaya pumasok ako agad sa backseat at nagsettle
Sunod nyang pinapasok ay si Felize tapos panghuli sya, kaya napapagitnaan namin si Felize.
Habang nasa byahe at nakayakap parin sa kanya, ay nakatulog na si Felize, baka napagod sya sa byahe, halos hindi sya nakatulog masyado, parang idlip idlip lang dahil naeexcite syang makapunta ng ibang bansa.
"Gisingin mo nalang" sabi ko kay Ryker nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin
"Hayaan mo na. Baka napagod sa byahe" sabi nya at bumaba ng sasakyan na buhat buhat ulit si Felize
Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga
Natatakot ako, nasasanay na si Felize sa presensya nya at pagpapakatatay nya sa anak ko. Nasasanay na kaming andyan sya
Paano kapag napagod na sya sa amin?
Paano kapag narealize nya na he deserve someone better?
Paano kapag nagising sya isang araw and he wants us out of his life?
Paano kami? Paano si Felize?
Paniguradong sobra sobrang masasaktan si Felize kapag bigla nya kaming iniwan sa ere
Hays....
Inayos ko nalang ang room namin at nagpatulong sa isang room attendant na iakyat ang mga gamit namin.
"Thank you" pagpapasalamat ko sa room attendant at umalis narin naman sya
Hotel ito na pagmamay-ari nila Ryker dito sa Paris, kaya hindi naging mahaba ang proseso ng pag-aayos ng room dahil hiningi lang namin ang key card
![](https://img.wattpad.com/cover/324511161-288-k68848.jpg)
YOU ARE READING
The CEO's Single Mom [COMPLETED]
RomanceLeiah, a loving single mom to her 10 year old daughter, Felize. Got pregnant accidentally when she was 17 by her ex-boyfriend, Raymark. When she told him about her being pregnant, he quickly broke up with her, and left the country, and never helped...