18

4.3K 88 6
                                    

Astrid's POV

Katulad ng napagdesisyunan, iginala nya kami ni Felize ngayon araw dahil bukas busy na kami sa mga meeting na pupuntahan nya at may event pa syang pupuntahan.

Binilhan nya ng mga dress si Felize at even dress na gagamitin namin ni Felize sa pupuntahan nyang event dahil gusto daw nya kami isama para mag-enjoy daw sya.

"Wow! Ang ganda!!!" Manghang sabi ni Felize nang makarating kami sa Eiffel Tower

Kahit ako ay namangha sa ganda nya tapos may mga ilaw ilaw pa sya na parang dyamante na kumikinang ang epekto sa palibot ng tower.

"Mommy, picturan mo ako, please" sabi nya at agad na nagpose.

Pinicturan ko naman sya sa cellphone ko, miski si Ryker ay pinicturan sya gamit ang sarili nyang cellphone.

Agad kong pinalitan ang wallpaper ko ng picture ni Felize.

Umupo kami para magpicnic tatlo, suot suot narin ni Felize ang makapal na trench coat, gloves, at beanie nya tapos binilhan pa sya ni Ryker ng boots kanina, kaya hindi na sya nilalamig.

Wala sa sariling napatingin ako sa Eiffel Tower at inappreciate ang ganda ng tore. First time kong makita ito sa personal at sobrang ganda nga talaga!

Napalingon ako nang makarinig ng click ng camera at nakita ko si Ryker na nakangiti habang nagkakalikot sa phone nya.

"Selfie tayong tatlo, please" pagmamakaawa ni Felize

"That's a very great idea" sang-ayon naman ni Ryker

Wala na akong nagawa at ngumiti nalang nang magselfie kami sa phone ni Ryker.

Hindi man halata, pero masaya ako. Lalo akong sumasaya dahil nakikita kong masaya ang anak ko at super nag-e-enjoy

Kumain kami at naglakad lakad hanggang sa antukin si Felize, kaya binuhat sya ni Ryker

"Ang bigat bigat kaya ni Felize" sabi ko habang inaayos ang buhok ng anak kong ang sarap ng tulog

"Ikaw nga nabubuhat ko eh, si Felize pa kaya"

"Ewan ko sayo" sabi ko at inirapan sya.

"I'm just kidding, babe" sabi nya na natatawa at hinapit ako sa bewang. "Are you enjoying so far?"

"Oo masaya ako kasi kasama kita, tapos nakikita kong nag-eenjoy si Felize, at dahil kasama ka namin" sabi ko at ngumiti

"I'm glad you both are enjoying. That's one of my goal, to make you both happy"

"Thank you, Ryker. Thank you kasi dumating ka sa buhay namin ni Felize at tinanggap mo si Felize na parang tunay mong anak"

"This princess is such an amazing kid, and I am more than proud na maging ama sa kanya. I am thankful na iniwan kayo ng ama nya dahil kung hindi baka mag-isa parin ako hanggang ngayon"

"Baka naman ang gusto mong sabihin, eh playboy ka parin hanggang ngayon?"

"I'm done with it. Tatlo nalang babae sa buhay ko. My mom, you, and Felize" sabi nya kaya napangiti ako.

"Paano kapag nalaman sa kumpanya mo yung tungkol sa atin? Tapos yung tungkol kay Felize?"

"I'll protect you both, I promise you that. Tsaka wala silang pwedeng sabihin sayo at lalong lalo na kay Felize, baka buong angkan ng Lopez makalaban nila. Felize is ours, not yours only, ok? She's OUR daughter, understand?"

Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

******

Last day namin dito sa Paris ngayon, at si Felize enjoy na enjoy kasi puro kami business meeting, dahil nakaka-meet daw sya ng mga bagong tao

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now