12

3.9K 86 14
                                    

Astrid's POV

Hanggang ngayon naiisip ko parin yung sinabi ni Ma'am Liza

Gustuhin ko man magpakatotoo, kaso natatakot ako. Baka biglang mawala sya sa akin

Ni hindi ko alam kung bakit natatakot akong mawala sya sa akin. Masyado pang maaga para pangunahan ang mga puso ko

Sa labas ng opisinang ito, isang napakasungit na boss ni Ryker, kaya nga lucifer ang tawag sa kanya eh, bubulyawan ka nya kahit nasa kalsada pa kayo, kahit nasa gitna kayo ng maraming tao basta mali ang ginawa mo

Pero sa loob ng opisina nya, para syang maamong tupa sa akin, para akong nagkaroon din ng anak, dahil ang clingy din nya katulad ni Felize.

Katulad ngayon, pagkatapos bulyawan yung mga finance kanina sa meeting nila, ito at nakayapos sa akin pagkasara na pagkasara ng pinto ng office nya.

Hinila pa ako papunta sa upuan nya at pinaupo ako sa hita nya tsaka sya yumakap sa bewang ko na parang batang pinagkaitan ng candy.

"They deserve what I did, right?"

"Hindi" sabi ko

"Are you siding with them? You should side with me, baby"

"Hindi nila deserve yun. You want the report to be perfect, walang perfect sa mundo. Kahit ikaw nagkakamali, kahit ako nagkakamali pero never mo ko binulyawan"

"Because I love you"

"And that's biased. Hindi ka dapat biased sa kung sino lang yung gusto mo itrato ng maayos. Dapat pantay pantay lahat. Mag-sorry ka sa kanila"

"No! I would never fucking do that"

"Bunganga mo, Ryker"

Oo nasanay na akong tinatawag sya sa pangalan nya kapag kami lang.

Halos tatlong buwan narin magmula nung umamin sya, at ganito na ang lagi nyang ginagawa

"Fudge! My name sounds sexy when you say it" sabi nya at hinalikan ako sa leeg.

Juscolored!!!!

Heart, magtigil ka nga! Kumalma ka please!

Para akong nanghina sa mga halik nyang yon, shet!

"Magtigil ka! Magsorry ka sa kanila kasi hindi nila deserve masigawan mo. Nag-effort sila para gawin yung report na yun tapos ipaparamdam mo lang sa kanila na basura yun?"

"Because what they did is a trash. Hindi yun yung gusto kong makita"

"Ipaliwanag mo ang gusto mong makita sa mga reports nila, dahil hindi sila si Madam Auring para hulaan kung ano ang gusto mong makita sa report. Learn to communicate with them, hindi yung binubulyawan mo sila. Kapag hindi ka nag-sorry, hinding hindi na kita kakausapin kahit kelan"

"What?! Fuck no! I can't even last a day without cuddling with you"

"Eh di, mag-sorry ka. Ipatawag mo sila dito at magsorry ka tapos ipaliwanag mo kung ano ang gusto mong makita sa report, nang mahinahon at maayos" sabi ko

Kinalas ko ang pagkakayakap nya sa akin at naglakad pabalik sa table ko

"Baby, come back here" pagmamakaawa nya

"Ipatawag mo sila at magsorry ka at kausapin sila" sabi ko habang nagsisimulang gumawa din ng report para sa meeting naming mga secretaries mamaya

"If I do that, we'll cuddle?"

"Gawin mo muna"

"Argh! Fine! Pasalamat ka mahal kita"

"Eh di thank you" pagsagot ko pa na lalo nyang kinainis.

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now