8

3.8K 87 5
                                    

Astrid's POV

"Thank you po, sir" pasasalamat ko nang alalayan nya ako palabas ng sasakyan nya

Ayaw ko man, pero nagpumilit si sir na ihatid ako dito sa bahay at ginamitan ako ng kasungitan nya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag na ihatid nya ako dito sa bahay

"You live here?" Tanong nya

"Nakikitira lang po sa Tita at Tito ko po, ayaw na po kasi kaming paalisin kahit gustuhin kong bumukod"

"Kami?"

Shit!

"O-Opo. K-Kami po ng kuya ko. Opo tama, kami ng Kuya ko"

"What about your parents?"

"Matagal na po silang patay, 5 years na po ata"

"Oh, sorry to hear that."

"Sige sir, salamat po ulit" sabi ko at papasok na sana

"Astrid. Here, take this, nagtake out ako para talaga sayo"

"Po? Para saan?"

"Ahm.... For the overtime?"

"Ah! Ginagawa ko lang naman po yung trabaho ko. Pero, thank you po, sir. Papasok na po ako"

"Ok, goodnight"

"Goodnight po" sabi ko at pumasok na sa gate ng bahay at dumiretso sa loob

"Sino yung naghatid sayo?" Tanong ni Kuya pagpasok ko

"Boss ko. May dinner meeting kasi dapat kaming pupuntahan eh kinancel last minute kaya ikinain nalang nya yung inis at dinamay ako, tapos binigyan ako ng take out at hinatid ako pauwi"

"Mommy! Ang bango!!!"

"Hi, baby! Nagtoothbrush ka na yata eh"

"Hindi pa po, kasi winewait kita, kasi sabay tayo lagi nagtoothbrush eh. Mommy, ano ito? Ang bango po!!"

"Gusto mo kumain ulit? Take out ng boss ni Mommy, binigay nya sakin"

"Ay! Busog na si Felize kasi kumain kasabay sila Lola, eh di kay Tito na yung food na dala ni Mommy"

"Mommy, gutom na gutom pa po ako. Konti lang po kinain ko kasi naisip ko po baka may dala ka pong food para kay Felize"

"Luh! Sabi mo kanina busog ka na, di ba?"

"Wala po akong sinasabi. Si Tito gumagawa ng kwento. Dala ni Mommy ito para sa akin eh"

"Wala namang Felize na nakalagay eh"

"Eh Mommy ko nagdala eh"

"Kapatid ko ang Mommy mo, eh di dapat Kuya muna, so meaning, para kay Tito yan"

"Mommy..." Nagsusumamo aking tinignan ni Felize na halatang talo sa sagutan nila ng Tito nya

"Nagjujoke lang si Tito, para sa baby ni Mommy lahat ito"

"Yay! Mas love ako ni Mommy" asar nya kay Kuya kaya natawa nalang kami

"Pakainin ko lang po ulit si Felize"

"Sige, nagtabi kami ng ulam mo dyan, naisip kasi namin baka hindi ka pa kumakain"

"Ilalagay ko nalang po sa ref para almusal ko bukas"

"Sige, maiwan na namin kayo mag-ina dyan. Papahinga na kami"

"Sige po" sabi ko at inilabas yung steak at hiniwa hiwa para kay Felize. Ito naman isa sarap na sarap sa kinakain nya

Hulog talaga ng impyerno ang boss ko, kasi nakatikim ang anak ko ng pagkaing pang-mayaman, at ineenjoy nya yun kahit wala kami sa mismong restaurant

"Kapag nakaipon si Mommy, kakain din tayo sa ganung restaurant na kinainan namin kanina ng boss ko"

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now