21

4.2K 89 27
                                    

Astrid's POV

Pagkagising ko, mag-isa nalang ako sa kwarto.

Asan si Felize at Ryker?

Gumala na naman ba sila na wala ako?

Agad akong bumango at inayos ang higaan namin tsaka ako lumabas ng kwarto

Nakita kong nasa sala ang mga matatanda, pati si Kuya, at sila Ate Donna, tanging si Felize at Ryker lang ang nawawala

"Alam niyo po ba nasaan si Ryker at Felize?"

"Lumabas silang dalawa kanina kasi ang tagal mo daw magising eh, baka nagmoment sa tabing dagat"

"Sige po, salamat"

Sinuot ko ang jacket ko at lumabas tsaka nagsimulang hanapin ang dalawang yun.

Hindi ko nga alam if sasabihin ko ba kay Ryker ang balita

Natatakot ako, dahil nung huling may sinabi akong ganung balita eh iniwanan ako. Pero iba naman sya, di ba? He made himself an excemption

Pero di niyo naman ako masisisi eh, I've been in that hell and I don't want to experience that hell again

Hindi ko lang alam if napapansin nya, pero kasi naging medyo clingy ako sa kanya, minsan iritable at puro dress na ang sinusuot ko sa trabaho, hindi na ako nagsusuot ng mga pencil skirt ko na sobrang fit

Yung mga cravings ko naman, nabibili ko naman kasi binigay nya sa akin yung isa sa mga cards nya at gamitin ko daw yun pambili ng gusto ko, magagalit daw sya kapag di ko yun ginamit, eh di ginagamit ko sa cravings ko. Anak naman namin to eh

Yes! I am 2 weeks pegnant, nalaman ko lang kahapon, kaya sinabihan ko sya na doon na sa school ni Felize magkita at kaya nag-leave din ako para magpacheck up. I can see symptoms sa akin, kaya nagpacheck up ako, and it turns out that I am carrying another angel inside me for 2 weeks now.

Sana lang hindi matulad sa dati

Habang naglalakad ako, may biglang nagtakip ng mata ko.

Sa amoy palang alam ko na kung sino ito kaya napangiti ako.

"Ano na namang pakulo ito?"

"Just walk, don't worry, we'll guide you"

Sa sinabi nya, nakarinig ako ng mahinang hagikhik na alam kong galing sa anak ko.

"Kapag ako nadapa, malalagot kayong dalawa sa akin ah"

"Sa akin ka lang dapat mahulog, hindi sa iba" sabi naman ni Ryker

Nanahimik na ako at hinintay nalang makarating sa paroroonan namin. Buti nalang buhanginan ang nilalakaran namin, masarap sa paa.

"Gusto ko ng shrimp"

"Later, baby"

"Nagugutom ako, Ryker"

"Opo, ipagbabalat kita ng shrimp later" sabi nya at hinalikan ako sa noo

"Tapos isasawsaw sa toyo"

"Isn't it vinegar?"

"Pakealam mo ba? Eh toyo gusto ko eh"

"I admit defeat, baby"

Nang tumigil kami sa paglalakad, bigla nilang binitawan ang kamay ko

"Huy! Nasaan na kayong dalawa?"

Puro mahihinang tawa lang ang naririnig ko

"Ryker, Felize!"

"Mommy, stay still po. We're here lang naman eh. Si Mommy ang kulit"

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now