Kabanata 1

104 4 0
                                    

Kabanata 1


"May nabili na akong ticket! Buti na lang may nagbenta ng ticket nila." balita sa akin ni Xena.


"Weh? Dalawa? Kasama ako?" excited kong sabi.


"Oo, eto oh..." saka niya binigay sa akin iyong ticket. "5,000 'yan."


"Alright! Thanks! Later babayaran ko, transfer ko na lang sa bank account mo."


"Okays."


Magkakaroon ng concert ang B&W Entertainment Family. Grabe, pang-ilang concert na ba nila ito? Walang mintis din kaming pumupunta ni Xena kasi nandoon ang mga paborito naming artists. Paubos na allowance ko! Gosh!


"Hindi talaga sasama si Tray?" sabi ko habang hinahanap ang pangalan niya sa dadalo sa concert na pinost ng official page ng B&W sa facebook.


"Oo, hindi. Mga music artists lang ata ng B&W ang magpeperform."


"Ah..."


"Hindi bale, meron naman si Levi! Ahhhhh!" tili niya na parang kinikilig.


My smile grew wider when she mentioned his name. Levi is one of those music artists na masasabi mong full package na. Ang ganda ng boses niya, sobrang cool! At ang guwapo pa. Nanginginig 'yong kalamnan ko iniisip ko pa lang na makikita ko siyang magpeperform.


"Sa condo mo ako matutulog sa Friday ha? Para maaga tayo makapila sa Sabado."


"Ah, sige."


When I got home, I did my usual after school routine. Rest. Doing my night skin care routine. Buying my meal or cooking my meal, depending on my mood. And then time for social media... and that's it. Yes, kapag may quiz or activity or projects din, iyon ang ginagawa ko.


Minsan lang kami magkaroon ng night party na magkakaibigan, tuwing weekend pa iyong iba. Sadyang hindi ko lang mahindian si Xena kagabi kasi she and her boyfriend broke up. Sobrang broken hearted siya. I bet sa mismong concert hahagulgol 'yon. Puro love songs, break up songs pa man din mga kakantahin nila.


"Tumingin sa aking mata! Magtapat ng nadarama. 'Di gustong ika'y mawala..." I was singing wholeheartedly when my phone rings.


"Dahil handa akong ibigin ka. Kung maging tayo, sa'yo lang ang puso ko..." tinapos ko lang talaga ang part na 'to bago ko sinagot ang tawag ni mommy.


Bumuntonghininga muna ako saka umupo sa aking kama.


"Yes, mom?"


"This Saturday, you come home, okay?"


"Why?"


"We have a family dinner. Nag-aaya ang daddy mo."

Why Do You Think We Met?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon