Kabanata 10

88 3 1
                                    

Kabanata 10


Maaga kaming umuwi pamanila kinabukasan. Hinatid niya ako sa condo ko bago siya umuwi rin. Mabuti na lang nakaramdam na siya na may tranaho ako ngayon kaya maaga niya akong inuwi.

I was yawning when someone entered the shop. To my surprise it was Arrow Trinidad!

Agad na nanlaki ang mga mata ko at parang nataranta. What the hell is he doing here?! I mean, yes, this is a bookshop... pero weh? nagawi talaga siya rito?

"G-good morning, sir!" I greeted. What the hell.

His eyes widened a bit when he recognized me. I gave him a small and awkward smile. He just gave me a nod though. Iginala niya ang tingin sa loob.

"Uhm, magbabasa po kayo? O bibili ng libro?" tanong ko. Nagpaalam sa akin si Ember na magc-cr, sana bumalik na siya agad-agad.

"I'll just... read a book," he said.

"Uhm, okay po. Log in po muna kayo then feel free to find good books. May magaassist po sa inyo doon sa library." I smiled.

He did what I said. He put some of his info in the log book.

"Do I have to pay anything?" he asked.

I shook my head, "Staying here inside and reading books here are all free unless you need to buy or borrow a book, sir. And uh, we have a coffee shop over there too, sir."

"I see. Thank you, Ariyah." Then he went inside. I feel like something in my stomach flutters when he calls me in my name. He addresses me casually!

Well, he knows me as his brother's girlfriend so... yeah.

Nakita ko Ember na natigilan nang makita si Arrow Trinidad dito sa loob. Nakakamangha naman kasi talaga na isang sikat na author ang dadayo rito. Puro mga estudyante at ordinaryong tao lang nagagawi rito eh.

Buti na lang nasa front desk lang ako. Bumalik din ako sa pagkakaupo kalaunan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik na rin si Ember sa tabi ko. Muling bumukas ang pintuan... ngayon... si Levi naman ang pumasok! What the!

Lumingon ako sa katabi ko na ngayon ay gulat na gulat ulit. Great!

Bumalik ang tingin ko kay Levi. Hindi ko alam kung babatiin ko siya o ano.

"Good morning po. Bibili po kayo ng libro? Magbabasa?" Si Ember ang nagsalita.

Sumulyap sa kanya si Levi bago muling ibinalik ang tingin sa akin.

"May kikitain lang," ani Levi. Uminit ang pisngi ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi alam ni Ember ang sa amin ni Levi! Tanga ba 'tong lalaking 'to?!

"Ah, okay po. Wala pong entrance fee. Pasok na lang po kayo at p'wede po kayong manghiram ng libro ng libre. May bayad po kapag hihiramin niyo at iuuwi. Gano'n din kapag bibilhin niyo. May coffee shop din po kami dito sa gilid. Salamat po," si Ember.

Muling sumulyap sa akin si Levi bago tuluyang pumunta sa library.

Agad kong hinanap ang cellphone ko kung may text ba siya na pupunta siya pero wala naman!

"Baka kikitain niya 'yong kapatid niya," Ember mumbled. Natigilan ako at nakahinga ng maluwag. Muntik ko na nakalimutan na nandito rin pala si Arrow Trinidad. Shit... baka nga nandito siya dahil sa kapatid niya. Pero what the heck?! Dito talaga sila maguusap o magkikita?! Talaga ba?

Hindi ako mapakali kaya nagpaalam ako kay Ember na iihi pero ang totoo hahanapin ko kung saan nakaupo si Levi.

Hindi ko siya mahanap sa mga table kaya pumunta ako sa library. Bawat section ay tinitingnan ko kung nasaan siya. Ilang saglit pa ay may humigit sa akin at dinala ako sa isang section dito sa library.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why Do You Think We Met?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon