Warning: r18, spg
Kabanata 6
Nagpasama ako kay Xena na maghanap ng part time job ko. Tinutulungan niya ako maghanap online habang ako naman ay nagsisipag na maghanap ng business na tumatanggap ng estudyante.
Isang bookstore at mini library ang tumanggap sa akin. Okay na rin ito kasi malapit lang sa condo ko, p'wede lakarin.
Isang mag-ama ang may-ari ng business. Para siyang mini library, nagtitinda rin sila ng libro at p'wede rin namang rentahan ang iba. Mayroon din silang maliit na café sa loob ng library para sa mga tao na gustong mag-stay o magbasa.
The library is giving me a serene and peaceful ambience. Minimalist ang design at parang makaluma ang tema at para akong nagkakaroon ng peace of mind.
Hindi ako palabasa ng libro. Hindi ko rin naman matatawag na introvert ako kasi I like partying. I like socializing. I love drinking. Ibang-iba sa part time job ko! Parang hindi ako!
May barista rin sila, lalaki. Iyong anak ng may-ari nito ay babae at mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Palagi siya namamalagi rito, tumutulong. Ember ang pangalan niya. Mabait siya at hindi palasalita. Mahinhin. Book-lover din ito panigurado kasi palagi may bitbit na libro at palaging nagbabasa.
Ang shift ko ay magmula 5 pm hanggang 11 pm—oras ng pagsara ng business nila. Tuwing sabado naman ay whole day ako kasi doon ang may pinakamaraming tao ang nalalagi, lalo na mga estudyanteng nag-aaral. Sunday lang ang free time ko!
Shet, no time for clubbing! Ugh!
"Hindi ko sure bakit ka pa nagpapart time job eh binalik naman na ang atm mo," ani Xena habang pinapanood ako mag-ayos. Papunta ako ngayon sa trabaho ko. Since bakasyon na namin nagbago na rin ang schedule ko ng Monday-Saturday ng 8am-3pm. Para naman magkaroon ako ng time na makipaghang out sa kaibigan ko sa gabi. Siguro babalik din ang gano'ng schedule ko once na start na ulit ng klase.
"Hindi ko ginagamit 'yong pera," pagsasabi ko ng totoo. Iyong ipon ko at pera sa pagpapart time job ko ang ginagamit kong pambili ng kakailanganin ko dito sa condo.
"Weh? Sapat iyon?"
Hindi... pero siguro kukuha lang din ako sa ATM ko kung gipit na talaga. Iyong sasakyan ko ang hindi ko tinanggap. Medyo nagsisisi nga ako eh kasi kailangan ko magcommute. Pero p'wede ko pa rin naman kunin kung nagbago isipan ko.
Hindi na nagparamdam sa akin si Levi after ng birthday celebration ng kanyang daddy. That was... uhh two months ago? Right! Two months ago, at hindi ko pa siya nakikita. Hindi na rin siya nagtetext sa akin. Great! What a responsible boyfriend!
Napangiwi ako sa sarili ko. Hindi naman kami tunay na magkasintahan. Kung kailan niya ako kailangan, doon lang. Sus... iyong bayad niya kaya nung pumunta ako sa bahay nila wala pa! Talent fee ko sa pag-acting sa harap ng pamilya niya, wala pa!
Levi:
Ahia's birthday tomorrow. He wants you to be there.
There you go, Iyah...
"Psh..." inirapan ko ang cellphone ko at hindi nag-reply sa kanya.
"Utot mo."
"Hmm?" naistorbo ko yata si Ember na nasa tabi ko. Nandito kami ngayon sa cashier area, sa tabi ng entrance, siya na nagbabasa at ako na nagcecellphone habang naghihintay ng customer.
"Hala, sorry. Itong uhh k-katext ko lang." I smiled apologetically. Ngumiti rin naman siya pabalik at muling nagbasa.
Tomorrow we will go to Xylo again kaya hindi ako makakasama sa party na sinasabi ng Levi na 'yan.
BINABASA MO ANG
Why Do You Think We Met?
RomanceWARNING: Mature Content. Why do you think two people met? Date Reposted: November 4, 2022 Date Started: October 8, 2022 Date Ended: