Kabanata 9
He was waiting for me when I came back at the backstage. Nakapalit na ng damit si Levi, ngayon nakakhaki shorts at polo shirt na lang siya. Handa na rin siyang umuwi. May iilang butil ng pawis sa kanyang noo na agad niyang pinunasan nang makalapit ako sa kanya.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang atensiyon sa mga tao rito sa loob na abala na sa pag-iimpake na rin. Humigpit ang hawak ko sa rose na nasa kanang kamay ko nang hapitin niya ako palapit sa kanya.
"Uuwi na tayo. Hinihintay ko lang si Kuya."
Tumango ako at muling itinuon ang atensiyon sa mga tao. Ilang saglit pa ay dumating ang kanyang kuya.
"Nice performance, shoti," ani Zachary. Lumipat ang tingin ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin saglit bago ibinalik ang tingin kay Levi.
"Uuwi na kayo?"
"Yup. We won't go to the party anymore."
"It's okay. Better spend your time alone with your girl." Zachary smirked which made me blushed.
Nasa loob na kami ng sasakyan pero wala pa ring nagsasalita sa amin. Hindi ko alam kung saan kami kakain, ang sabi niya kasi kakain muna kami bago uuwi.
"Where do you want us to eat first? Nagugutom ka na ba?" tanong niya. Oh, ayan na, Ariyah.
"Uhmmm..." saglit akong nag-isip.
"Order na lang tayo sa drive thru tapos sa condo mo na lang tayo kumain... shoti." I pursed my lips teasing him on the last part.
"What?" kunot-noo siyang bumaling sa akin.
"Drive thru na lang kako tapos sa condo—"
"Not that... you called me what?"
I grinned more. Sinundot-sundot ko ang pisngi niya habang nagdadrive ito.
"Shoti... shoti... shoti..." paulit-ulit kong sabi habang sinusundot sa pisngi. Ito ang palagi nilang tawag kay Levi eh. Ang cute lang.
"Shoti—"
"Okay, Achi." Then he smirked evilly.
Luh? Baka minumura na ako nito ah? Mura ba 'yang achi?!
"Ang sabi ko cutie! Cutie ka! Levi cutie!" pagbabawi ko.
Umorder na lang kami sa drive thru saka kumain dito sa condo. I guess dito na naman ako matutulog.
Umorder din siya ng canned beer at dito na lang kami nag-inuman.
"May party pala kayo bakit 'di ka sumama?" tanong ko. Magkakaraoke ako kaya naghahanap ako ng p'wedeng kantahin. Mayroon siyang karaoke dito sa kanyang condo. Nice!
"Hindi naman ako nakikisama parati."
"Baka magtampo ang kuya mo."
Ayun! May nahanap na ako! Agad kong sinearch ang kanta.
"Sanay na siya."
"Magkamukha kayo ng kuya mo" ngiti ko.
"Sinong kuya?"
"Iyong panganay. Si Kuya Zachary."
"Hmm?"
Tumabi ako sa kanya dito sa sofa. Nakataas ang dalawa niyang paa at umiinom ng alak habang ako ay hinihintay na mag-play ang nahanap kong kanta.
"Matutuwa iyon kapag narinig niya ang sinabi mo."
"Bakit?" tanong ko.
Nag-umpisa na ang tugtog.
BINABASA MO ANG
Why Do You Think We Met?
RomanceWARNING: Mature Content. Why do you think two people met? Date Reposted: November 4, 2022 Date Started: October 8, 2022 Date Ended: