Kabanata 7
I feel like I'm floating in the air the next morning. Yes, I am floating but my body hurts so damn much... so sore all over my body especially down there.
Nagising ako na wala nang katabi. My body was still covered with thick comforter. I wander my eyes inside to look for Levi. Oo, alam ko ang nangyari kagabi. Alalang-alala ko pa. Hindi naman ako sobrang lasing para hindi maalala ang kagabi.
Hindi ako nagsisisi. Oo, first time ko. Virgin ako. Wala pa akong karanasan, pero hindi ako nagsisisi. Ewan ko siguro dahil si Levi siya... o... dahil siguro ay ginusto ko rin naman.
Ilang saglit pa ay may narinig akong pagtugtog ng gitara sa labas hanggang sa papalapit ito nang papalapit. Bumukas ang pintuan, tumambad si Levi na nakatopless pero mayroon na siyang suot na jogger pants, at yakap yakap niya ang kanyang gitara habang tinutugtog ang 'di pamilyar na kanta sa akin.
Uminit ang pisngi ko nang makita ang ngisi niya habang papalapit nang papalapit sa akin hanggang sa tuluyan siyang makalapit. He gave me a peck in the lips.
"Good morning!" maligaya niyang bati sa akin. Bahagya akong nagulat. In-e-expect ko na magiging awkward siya dahil sa nangyari pero taliwas ito sa naging reaksiyon niya ngayon.
Inosente siyang napakurap-kurap dahil sa reaksiyon ko.
"G-good morning din..." mahina kong sabi saka nagsuklay ng buhok gamit ang daliri.
"How's your sleep?" may panunuya sa boses niya. Inirapan ko siya na parang nahihiya.
"Hmm?" he probed.
Tinampal ko siya sa kanyang tiyan na walang abs nang may maalala ako.
"Aray!" daing niya pero nangingiti pa rin.
"You ruined my dress!" niyakap ko ang sarili para hindi malaglag ang comforter. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sorry," he teased. "But..." binaba niya ang kanyang gitara sa tabi ng kama at may kinuha sa table sa paanan ng kama kung saan nakaharap ito sa glassed wall.
"Nagpabili ako sa manager ko ng damit mo." Maraming paper bag iyong pinakita niya sa akin. "Marami ito, pili ka na lang."
Base sa tatak nung paper bag, mamahalin ang binili niya! I love branded products! Saan akin ba talaga lahat 'yan?!
"Are you hungry?" pumasok siya sa isang pintuan at paglabas niya naka-t-shirt na ito.
Actually, yeah. Tumango ako at muling nag-iwas ng tingin.
"What do you want for our brunch then? Magoorder na lang ako."
Sinabi ko sa kanya kung ano ang gusto ko. Pagkatapos ay pumunta ako cr at nagsuot na ng damit. May mga damit pambahay at dress siyang binili para sa akin. Sinuot ko iyong maong pants at white off shoulder top, hindi iyong pambahay. Uuwi na rin naman ako mamaya kaya itong pang-alis na lang.
Kumain kami kaagad nang dumating ang aming order. Maghahapon na nang magpahatid ako sa kanya sa condo ko.
"So, kumusta?" ngisi sa akin ni Xena nang magkita kami. Sasamahan ko siya magpaenroll kasi this week ang schedule ng enrollment nila. Kami naman ay next week pa.
"Hindi ka pa nagkukwento nung gabing sinundo ka ng jowa mo." The heck! Bigla ko na naman naalala iyong nangyari sa amin ni Levi last week! Uminit ang pisngi ko. Nagkunwaring busy na lang ako sa pakikipagtext.
"Anooo?" Xena probed.
"Wala!" kairita.
"Eh, bakit ka namumula?" naningkit ang mata ni Xena.

BINABASA MO ANG
Why Do You Think We Met?
RomanceWARNING: Mature Content. Why do you think two people met? Date Reposted: November 4, 2022 Date Started: October 8, 2022 Date Ended: