Kabanata 8
And just like that... we ended up having sex again last night! Ugh! Scam naman 'tong lalaking ito! Sabi niya magpapahinga ako eh!
Hinintay namin na pumatak ng alas dose kagabi bago matulog dahil sa oras din kasi na iyon inirelease ang bago niyang kanta. As usual, trending na naman siya at ang kanta niya.
Nakadagan ang kanyang braso sa tiyan ko kaya nahihirapan akong tumayo.
"Levi, I have work," reklamo ko. Pinagmasdan ko siya habang natutulog, ni hindi man lang natinag!
"Levi!"
He opened his sleepy eyes and glanced at the clock beside his bed.
"It's only 6 am, Ariyah. Let's sleep more," aniya tapos nagtalukbong na ng comforter. Nahilis iyon kaya tumambad ang legs ko.
No choice, tumayo na ako at nagpunta sa cr para makaligo. Mayroon na akong damit sa kanyang closet. Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan ang mga damit kong binili niya na naka-hanger sa kanyang walk in closet.
So, ganito pala siya maging boyfriend, huh.
Mahigit 30 minutes ako sa kanyang cr at paglabas ko gising na siya at may suot na na damit. Nakagray cotton shirt at puting t-shirt.
"Anong oras na start ng trabaho mo?"
"8."
"Alright. Hatid na lang kita pero hintayin muna natin iyong inorder kong agahan natin." Halatang kagigising niya lang kasi medyo namamaga ang mata niya. Singkit siya kaya pero ngayon singkit na singkit ang mata niya. Ang cute!
Eksaktong alas siete nang matapos kaming kumain. Hinihintay ko na lang siya dito sa sala kasi naligo siya muna saglit.
Ngayon ko lang napagmasdang husto ang kabuuan ng kanyang condo. Ang luwang at ang ganda. Kaso mag-isa niya lang. Hindi ba siya nalulungkot dito? Ah, right... may kasama na pala siya... ako. Uminit ang pisngi ko sa 'di malamang dahilan.
Bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto. Lumabas na siya. Naka-denim jacket siya at sa loob nito ay puting printed t-shirt, tapos nakablack pants. Ready na rin iyong sombrero at facemask niya na hawak na niya ngayon. Kaso pansin ko sa isang kamay niya may dala siyang white envelope.
Nang makalapit siya, binigay niya sa akin ito. Sa loob nito may laman itong... pera.
Napakurap-kurap ako habang pinagmamasdan ang pera sa loob.
"Our agreement," he said.
Ewan ko pero parang... nainsulto ako. May kumurot sa puso ko. Iba ang dating sa akin eh. Oo, humingi ako sa kanya dati ng tulong kaya nandito ako sa ganitong sitwasyon pero hindi ko alam na ganito pala... kasakit.
Buong buhay ko hindi ako humingi ng tulong sa kahit sino. Ngayon lang... at sa ganitong paraan pa.
Nawala ang sobre sa harapan ko.
"Sorry, did I... offend you?" concern niyang tanong. Umawang ang labi ko... nanunubig ang mata. Nag-iwas ako ng tingin.
"D-diyan muna... hindi ko pa naman kailangan. Saka ko na kukunin kapag kailangan ko na," mahina kong sabi.
Hindi siya nagsalita... tahimik naming binaybay ang daan patungo sa basement. Hanggang ngayon na nasa daan kami, tahimik pa rin kami. Walang nagsasalita. Ayaw kong magsalita. Tanging iyong ingay na nanggagaling lang sa stereo ng kanyang sasakyan ang naririnig namin. Iyong bagong kanta niya ngayon ang nagpi-play.
"You can change the music if you want. I don't mind," basag niya sa katahimikan.
"Ayos lang. Pandagdag na rin ng streams sa kanta mo," sagot ko pero ang totoo tinatamad ako magpalit.
BINABASA MO ANG
Why Do You Think We Met?
Roman d'amourWARNING: Mature Content. Why do you think two people met? Date Reposted: November 4, 2022 Date Started: October 8, 2022 Date Ended: