Kabanata 4
Funny because who would've thought someone like Levi is willing to help me. Levi Trinidad? The singer? The youngest son of Marco Trinidad, the CEO, and the owner of B&W Entertainment—the largest entertainment company in the Philippines? Really? That is next to impossible—I must be dreaming only.
"Where are you?" his familiar low yet soothing voice struck me that it is true... I am in reality; I am not only dreaming.
"Didn't I tell you nasa terminal nga ako." I chuckled. Wait, hindi pa naman ako um-agree ah? Aangal pa sana ako pero nagsalita na naman siya.
"Wait me. Papunta na," aniya. Nanlaki ang mga mata ko at parang hindi maiproseso ang sinabi.
"Pumasok ka muna sa 7/11 o kahit anong convenient store ang nariyan. Hintayin mo ako." Saka niya binaba ang tawag. Nananatili ang cellphone ko sa tainga, gulat pa rin. Mga ilang minuto ko pang prinoseso ang sinabi niya.
Hindi ko siya pinakinggan. Hindi ako umalis dito sa kinauupuan ko. Ilang saglit pa ay nagsimula na dumami ang mga taong sumasakay sa bus. Nagpapapasok na kasi sila sa loob ng bus. Pinapanood ko ang mga tao.
Alis na rin kaya ako? Pumikit ako at saka umiling. Levi will be here... nakakahiya naman na hindi niya ako madatnan.
May mga tumatabi sa akin dito sa bench na inuupuan ko. Medyo nairita kasi gusto ko sa akin lang ang upuan pero naalala ko nasa pampublikong lugar pala ako. Hindi ko ito pagmamay-ari, hindi ko p'wede ipagdamot.
"Tigas pala ng ulo mo..." Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino ang nagsalita. Sa ilang taon na pakikinig ko ng kanyang musika kabisado ko na ang boses niya.
I smirked and then I turned around to look at him.
"At least, I waited for you." I saw how his jaw moved. He is snobbishly look away. Hindi na ito iyong suot niya kaninang nakita ko siya sa club though naka-leather jacket pa rin naman siya. Mayroon siyang kulay puting cap at naka-facemask din siya para hindi siya makilala.
Wala pa akong tulog at lutang na lutang lalo na nung tinanggal niya ang kanyang jacket at siya na mismo ang nagsuot sa akin.
"Umalis na tayo dito kung ganoon."
Dahil na rin sa pagod, hindi na ako nakipag-argue pa. Malapit lang kung saan niya pinark ang kanyang kotse. Grabe, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na si Levi ang kasama ko ngayon.
"Where are we—"
"Kumain ka na?" tanong niya. I quickly shook my head.
"Pero hindi ako gutom..." wala akong gana...
I heard him sigh.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko ulit.
"Ikaw... saan tayo pupunta?"
Saglit akong nag-isip, "Just... bring me to my condo."
Ang lamig. Kahit na may jacket ako ramdam ko ang lamig sa braso ko at iyong tiyan ko parang nakukuryente na ewan. Iyong palad ko sobrang lamig din.
He nodded afterwards. Nang makapasok ako sa kanyang sasakyan akala ko papasok din siya pero ilang segundo ang nakalipas hindi pa rin siya pumapasok. Minuto ang hinintay ko bago siya nakapasok at pagbalik niya may dala na itong mga pagkain. Sinundan ko ito ng tingin. Hindi naman siya nagsasalita. Nilagay niya sa kanyang dashboard ang mga pinamili niya sa convenient store. Tinanggal din niya ang kanyang sombrero. Dahil nandito na siya, amoy na amoy ko siya. Napakabango.
Anong oras na pala? When I looked at my phone's time, it's already quarter to five. Wtf? So, umaga na kami makakarating sa condo ko?!
I glanced at him who now started the engine.
BINABASA MO ANG
Why Do You Think We Met?
RomantizmWARNING: Mature Content. Why do you think two people met? Date Reposted: November 4, 2022 Date Started: October 8, 2022 Date Ended: