Chapter 2

2.1K 18 2
                                    

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you're not into this kind of theme.

Adonis Point of View

"And that ends my presentation, Mr. Villarin. Do you have any questions?" ani ko.

Nandito kami sa loob ng conference room kasama ang mga board members ng kumpanya.

"That is a good presentation, Mr. Salvacion. I am impressed because you showed me in full detail the complete work plan for your expansion and how our companies will benefit from it" ani Mr. Villarin.

Napakuyom ako ng palad dahil sa excitement.

I knew it! I knew I will get this partnership! Matagal kong pinaghandaan ang presentation na ito at maging ang pagkikita namin that's why a surprise visit like what he did earlier won't let my guard down.

"But I want you to understand that business is business. I own a very large company and hindi ako pasensyoso kapag nararamdaman kong madedehado ako. Kaya before we close the deal, gusto kong malaman kung..."

Nakatingin ako sa kanya at inaabangan ang kanyang susunod sa sasabihin. Medyo kinakabahan ako pero kailangan kong ipakita na handa ako sa mga itatanong niya at confident ako na masasagot ko ang mga ito.

"Gusto kong malaman, Mr. Salvacion, kung naglalaro ka pa rin ng basketball?" tanong nito.

"I-I-I'm sorry?" gulat at taka kong tanong.

"Gusto kong malaman kung naglalaro ka pa rin ba ng basketball?" ulit nitong tanong.

Napatingin ako sa mga kasama ko at maging sila ay nagtataka.

"I-I-I just practice at home whenever I have time but matagal na akong hindi nakakapaglaro with a team."

"Good!" masaya at excited sagot nito. "Is there any court around the area na pwedeng paglaruan?" tanong nito. Ang kaninang seryoso at intimidating na itsura nito ay napalitan ng pagiging isip bata.

"There is a court sa rooftop ng building na ito. We allow all the staff to play kapag tapos na ang shift nila or even before their shift, para makapag exercise sila and connect with everyone. Part ng work-life balance for them as well"

"If that's the case, can we play now? Matagal tagal na rin akong hindi nakapaglaro ng basketball and I want to play with San Alcantara's Most Valuable Player nung nag-aaral pa siya" nagulat ako sa kanyang sinabi pero hindi na ako nagtaka dahil siguradong nag research na rin siya tungkol sa akin.

Ano po kaya ang mga nalaman niya? Siguro naman hindi niya panghihimasukan ang personal na buhay ko. Though he doesn't look like he cares for other things other than business.

"Are you sure? Aren't we going to discuss more about the presentation? Don't you have questions or anything?" tanong ko.

"Of course we're not done yet. Matatapos lang tayo kapag naglaro tayo ng basketball nang tayong dalawa lang. Lalake sa lalake. Then maybe after that I already have a decision" nakangising sagot nito.

Napalunok ako at tiningnan ang iba kong kasama.

"Alright then!" tumango ako bilang pagsang-ayon. "Board members, the meeting is adjourned. Please wait for my further instruction and announcement. And Mr. Villarin, please follow me" utos ko.

===

Katanghaliang tapat at nandito kami ngayon ni Mr.Villarin sa rooftop upang maglaro ng basketball. Magkatapatan kami sa gitna ng court at ako ang hinayaan niyang maghawak ng bola. Parehas kaming walang saplot pantaas kaya kita ang pangingintab ng aming mga katawan dahil pawis.

Babawiin Ko Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon