Sophia's point of view
"Dalawang lalake ang natagpuang wala ng buhay sa isang bakanteng lote sa San Alcantara. Hindi makilala ang dalawang biktima dahil sunog na sunog ang kanilang buong katawan. Hinihinalang electrocution o pagkakuryente ang dahilan ng kanilang pagkamatay. Sariwa pa ang kanilang mga sugat nang maabutan ng mga awtoridad kaya naman umaalingasaw ang masangsang na amoy sa bakanteng lote na kanilang kinalalagyan. Bukod roon ay may nakita ring karatula na nakasabit sa kanilang leeg na nagsasabing 'Rapist. Huwag tularan.' ani ng reporter sa radyo.
Mukhang natagpuan na sina Mang Fred at Mang Berto... bulong ko sa aking isip habang nagluluto ng umagahan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Magdalena sa oras na marinig ang balitang ito? Kung kagabi ay napanood niya kung paano pahirapan ang dalawang matanda, ngayon naman ay mababalitaan niyang wala na silang mga buhay.
Napangisi ako.
"Ang tanong ngayon ng mga awtoridad ...sino ang gumawa ng karumaldumal na krimen na nito? Ito ba ay gawa ng isang sindikato? O di kaya ng isang taong naghihiganti dahil sa karahasang natamo niya sa mga lalaking ito? O hindi kaya sila ay mga inosenteng biktima lamang ng karahasang patuloy na lumalaganap sa ating bansa? Sabay sabay nating tutukan ang susunod na mga update para sa balitang ito. Ako ang inyong lingkod na naghahatid sa inyo ng mainit at totoong balita saan mang sulok ng bansa."
Pagkatapos ng balitang iyon ay kasunod na pinagusapan sa radyo ang mga kababaihang naging biktima ng karahasanan, lalong lalo na ang mga bata at menor de edad na pinagsamantalahan ng kanilang mga sariling kamag-anak na lulong sa bisyo at droga.
Napahigpit ang hawak ko sa sanse habang nagluluto.
Alam na alam ko ang pakiramdam ng mga kababaihan nasa ganoong sitwasyon. Alam na alam ko ang pakiramdam ng pinagsamantalahan habang walang magawa.
"Ayyyy!" bigla akong napaigtad ng may pumitik sa noo ko.
"Salubong na salubong ang kilay ah. Sino kaaway natin diyan?" ani King na hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala.
"Ha?" kunot noo at masungit kong tanong habang hinihimas ang noo ko.
"Hatdog!" pang-aasar nito. Napairap na lang ako dahil sa kanyang sagot. Hindi naman napigilan ni King na matawa dahil sa aking reaksyon.
"Hatdog mo mukha mo!" pang-aasar ko pabalik.
Mukhang galing sparring si King dahil tanging boxing shorts at rubber shoes lang ang kanyang suot. Kita ang pangingintab ng kanyang buhok at katawan dahil sa pawis, habang nagtatanggal ang bandage sa kamay.
"Ang sarap naman niyang niluluto mo! Mukhang mapaparami ang kain ko ngayong umaga ah" anito sabay silip sa aking niluluto. "Wow! Beef tapa!" excited na sambit nito habang nangniningning ang mga mata. Kinuha niya ang pinakamalapit ng kutsara at akmang dadakot ito ng ulam nang paluin ko ang kanyang kamay.
"Mamaya na! Hindi pa ako tapos" saway ko.
"Tsk! Gutom na ako eh" simangot na sagot nito at kumamot ng ulo.
Natawa naman ako sa kanyang tinuran. Ang inis na nararamdaman ko kanina mula sa balitang narinig ay napalitan na ng tuwa dahil sa ikinikilos ni King.
"Maghintay! This is worth the wait. After ko lutuin itong beef tapa ay isasangag ko naman yung kanin dito sa pinaglutuan para ma-absorb ng kanin yung oil ng beef" kita ang pagkatakam sa itsura ni King. "Maligo ka muna! Siguradong pagkatapos mo ay luto na ito. Tsaka tawagin mo na din yung mga tauhan mo at sabay sabay na tayong kakain sa lamesa" utos ko.
BINABASA MO ANG
Babawiin Ko Ang Lahat
Romance"Malapit ng magsimula ang aking mga plano. Humanda kayong lahat sa akin" ~ Sophia