Chapter 3

2.1K 17 20
                                    

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you're not into this kind of theme.

Magdalena's Point of View

Nagising ako dahil sa maingay na tunog na nagmumula sa labas ng aming bahay. Pinakinggan kong maigi ang tunog at mukhang galing ito sa sasakyan ng mga pulis.

Tumingin ako sa aking tabi at nakitang wala ang aking asawa.

Agad akong bumangon at sumilip sa bintana upang tingnan kung ano ang nangyayari.

Tama nga ang aking hinala dahil nakita kong maraming pulis ang nakatambay sa labas ng aming bahay na tila may malaking krimen ang naganap.

Krimen? Dito sa loob ng bahay namin?

Kumabog ang dibdib ko at tumakbo palabas ng kwarto upang magtungo sa kwarto ni Addy. Ngunit bago pa man ako makalabas ay bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang pulis.

"Inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Lola Tessa at sa pagtatangka sa buhay ng kanyang apo na si Sophia" anito at biglang pinosasan ang aking kamay.

"Teka! Teka! Anong sinasabi ninyo? Wala akong alam sa mga binibintang ninyo!" mataas kong boses.

"May mga ibedensya kami laban sayo at umamin na rin ang Tatay Tatayan mo na si Tyago na inutusan mo siya na dukutin si Sophia. Ikaw rin ang utak sa pagpapagahasa sa kanya." ani ng pulis.

Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa narinig.

Hindi ko akalain na ganito kabilis darating ang kinakatakutan ko. Parang kahapon lang ay masaya kami ni Adonis dahil naclose namin ang partnership deal kay King, at tinanggal ko na rin sa utak at damdamin ko ang pag-aalala sa maaring pagbabalik ni Tatay Tyago.

Pero anong nangyari?! Bakit ganito kabilis?! Wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang magmakaawa at magsinungaling na wala akong kinalaman sa mga sinasabi ng mga pulis na ito.

"Sandali lang! Nagsisinungaling si Tatay Tyago! Siya ang may pakana ng lahat ng ito at dinadamay niya lang ako. Siya ang may gustong dukutin si Sophia at siya rin ang pumatay kay Lola Tessa!" sigaw ko habang hinihila nila ako pababa ng hagdan.

"Kung ako sa inyo ay wag na po kayong magsalita pa at sa prisinto na lang magpaliwanag. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman.Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan" ani ng pulis at mas binilisan pa ang paghatak sa akin.

"Teka lang naman ho, maawa naman ho kayo sa akin. Pupuntahan ko lang ang asawa ko. Adonis!!! Tulungan mo ako!!!" sigaw ko ngunit parang walang tao sa loob ng bahay.

Patuloy lang sila sa paghila sa aking pababa ng hagdan.

Nagsimulang bumuhos ang luha ko dahil sa sobrang takot.

"Adonisssss!!! Tulungan mo akooooo!!! Tita Olivia!!! Tito Romanooooooo!!!" sigaw ko ngunit hindi sila nagpakita.

Patuloy lang ang dalawang pulis sa paghila sa akin at ng makalabas kami ng bahay ay halos masilaw ako dahil sa ilaw na nagmumula sa sasakyan ng mga pulis. Nakakabingi rin tunog na nanggagaling sa kanilang mga sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Adonis na nasa labas ng bahay at karga si Addy. Pero mas ikinagulat ko ng katabi niya si Sophia habang nakatingin sa akin, nakangisi.

Nasa likod rin nila sina Tita Olivia at Tito Romano.

"Adonis! Tulungan mo ako! Wala akong ginagawang masama! Parang awa mo na tulungan mo ako!!!" pagmamakaawa ko sa aking asawa.

Babawiin Ko Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon