*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you're not into this kind of theme.
Sophia's point of view
Pagpasok ko sa loob ng ballroom hall kung saan dinaraos ang contract signing nina King at Adonis ay agad kong nakuha ang atensyon ng lahat.
Sunod sunod na lumingon sa aking direksyon ang mga bisita at kita ang pagkagulat at paghanga sa kanilang mga reaksyon na tila ba nakakita sila ng isang anghel.
Aaminin ko, na-eenjoy ko ang biglaang pagbaling ng atensyon ng mga tao sa akin. Ganito ko kasi pinlano ang aking muling pagbabalik. Gusto kong makita ako ng lahat, lalong lalo na nina Adonis at Magdalena. Gusto kong maramdaman nila ang aking presensya sa aking muling pagpasok sa kanilang mga buhay.
Marahan akong naglakad papalapit kay King, kung saan bumaba siya ng stage upang antayin ako roon.
Habang marahang naglalakad ay nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko si Veronica na nakangisi habang kalong ang anak nina Adonis at Magdalena. Katabi nito ang mga magulang ni Adonis na halos hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkagulat.
Nakita ko rin ang private investigator ni Adonis na si Simon at ang mga shareholders ng kumpanya nila at ni King. Nakikita ko rin ang ilang mga pamilyar na mukha na hindi alam nina Adonis na kakampi ko pala. Lahat sila ay nakangisi at tila naka – game face on.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at ng makarating sa hilera nina Tita Olivia at Tito Romano ay nilingon ko ang dalawa. Binigyan ko sila ng isang blankong ekspresyon pero tila hindi nila ito nagustuhan dahil biglang kumunot ang kanilang noo.
Ilang hakbang pa ay nakarating na ako sa harap ni King.
"Hi" ani ko at naglabas ng isang matamis na ngiti.
"You're here" ngumiti rin ito pabalik at hinalikan ako sa aking pisngi.
Bumaba sina Adonis at Magdalena mula sa stage at lumapit sa amin. "So I would like to introduce to you, Sophia, she will be my substitute while I'm out of town. She will be directly coordinating with you for all the communications and transactions regarding our future plans" ani King sa dalawa.
"Uh-Uh I'm sorry. A-a-anong ginagawa niya sa kumpanya mo? I mean do you know her? Si-si-since when?" utal na tanong ni Adonis na tila hindi makapaniwala sa nakikita.
"Sophia's been working for me since three years ago. She used to be our marketing staff but eventually got promoted as the company's Officer-In-Charge. Sophia's been nothing but a great contributor to us so I'm excited that she will be working with your team." sagot ni King.
"I-I-I don't understand" naguguluhang sambit ni Adonis.
"I'm sorry but ano ang hindi mo naiintindihan, Mr. Salvacion?" ani King.
Tiningnan ko si Magdalena at hindi ito makapagsalita dahil sa gulat at pangamba. Bumaba ang tingin ko sa kanilang kamay na magkahawak ng mahigpit.
Nasilayan ko rin ang kanilang wedding ring.
"Maybe it's time for me to tell you this, King" sabat ko. "We actually know each other. We used to be really good ... hmmm ... friends. But something happened that's why I needed to leave them. But it's all in the past already so there would be no problem working with them again. Right?" tanong ko at ngumiti kayna Adonis at Magdalena.
Naramdaman ko na lang na may sumagi sa aking balikat at nakitang binangga ako ni Tita Olivia. Tumabi siya kayna Adonis at sumunod rin si Tito Romano.
"And what are you doing here? Who invited your here?" galit na tanong ni Tita Olivia. "Umalis ka ritong babae ka, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga gwardya" dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Babawiin Ko Ang Lahat
Romance"Malapit ng magsimula ang aking mga plano. Humanda kayong lahat sa akin" ~ Sophia