Chapter 8

2.9K 26 32
                                    

Sophia's point of view

Hindi ko inaasahan na magiging madali at mabilis ang meeting namin nina Adonis kanina. At mas lalong hindi ko inasahan na ganon ang kakalabasan ng presentation and ideas ni Magdalena.

I felt bad for her dahil hindi siya sinuportahan ng asawa niya. I expected na kahit papaano ay ilalaban ni Adonis ang ideya ni Magdalena to invest into construction, but surprisingly, it turned out na mas nagustuhan ng lahat ang proposal ko to venture into food.

Though feeling bad for her, hindi maitago ang saya sa aking puso dahil hindi maipinta ang itsura nito kanina. Kahit kasi anong tago ang gawin niya sa kanyang nararamdaman ay kitang kita at ramdam na ramdam ko ang bulkang nagaalburoto sa kanyang kalooblooban.

Napangisi ako at napailing.

Hindi pa rin kasi talaga nagbabago si Magdalena. She's still who she was. She will do her best to prove that she's better than me, but will always end up ruining herself.

At dahil sa kapahiyaang naramdaman niya kanina, kailangan kong maging handa dahil siguradong may plano na siyang nilalatag para makaganti sa akin.

Bring it on, Magdalena!

Bring it on!

"Maam Sophia, may gusto po ba kayong puntahan bago tayo bumalik sa resthouse ni Boss King?" tanong ni Ace, ang leader ng mga tauhan ni King.

"Wala naman. Pwede na tayong umuwi" tumango ito at pinagpatuloy ang pagmamaneho. "Nag-update na ba sa inyo si King?"

"Hindi pa po siya nagmemessage sa akin, Maam. Baka nagpapahinga pa po iyon mula sa byahe kaya hindi pa po niya kayo nasasabihan ng kanyang lagay" napahinga ako ng malalim. "Wag po kayong mag-alala, Maam, dahil siguradong imemessage kayo nun agad kapag okay na siya. Kayo pa ba? Eh bet na bet kayo nun"

Natawa ako sa sinabi nito.

Bigla kong naalala ang nangyari sa amin sa airport- kung paano namin pinipigilan ang aming mga labi na maglapat sa isa't isa. At ang huling mensahe nito sa akin na talagang malinaw na malinaw pa sa aking puso't isipan.

Eto na ang huling beses na magkakahiwalay tayo ng matagal, dahil pagbalik ko, I will already call you mine. Hindi ko na aantayin na maging handa ka dahil aangkinin na kita.

Bigla ko tuloy muling namiss si King.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tila nilamon ako ng kyuryosidad. Sa tinatagal tagal kasi nang pagsasama namin ni King ay kokonti pa lamang ang alam ko tungkol sa kanya. Palagi kasing kumpanya nito ang aming napaguusapan, at ang aking mga plano.

"Ace, matanong ko nga pala, nakailang girlfriend na si King?" tanong ko.

Namutawi ang isang awkward na katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa biglang itong humagalpak ng tawa.

Nag-init ang aking mukha dahil sa pagkapahiya kaya naman agad ko itong tinapunan ng masamang tingin.

Bigla namang tumigil si Ace kakatawa at tumikhim.

"Ehem ehem, sa totoo po niyan ay hindi ko rin po alam kung naka-ilang girlfriend na si Boss King. Kasi minsan pass time niya lang talaga ang mga babae dahil napaka seryoso niya sa negosyo. Pero may mangilan ngilan po siyang mga babaeng niligawan noon at sineryoso" anito.

Tila nainis ako sa kanyang huling sinabi.

"Pero hindi rin naman nagtagal iyon kasi mabilis magsawa itong si Boss King eh. Ewan ko ba diyan, akala niya yata bumabata siya at ayaw pang magseryoso sa babae.hehe. Kaya siguro King ang pangalan niya dahil siya ang hari sa pagiging babaero" dagdag nito.

Babawiin Ko Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon