Chapter 4

2.2K 23 16
                                    

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you're not into this kind of theme.

Adonis' point of view

Sabado ngayon at nandito kami ng aking buong pamilya sa isang theme park upang magbonding. Celebration na rin ito dahil sa pagclose namin sa business partnership with King Villarin at pati na rin sa nalalapit namin na contract signing.

Karga karga ko si Addy habang hawak ko naman ang kamay ng aking asawang si Magdalena. Kasama rin namin ang yaya ni Addy na si Veronica na nasa likod lamang namin at sumusunod saan man kami pumunta. May bitbit itong isang shoulder bag kung saan nakalagay ang mga gamit ni Addy at ilang bottled water para sa aming lahat.

"Dada! Dada! Ayth Cweammmmm!!" ani Addy habang tinuturo ang tindahan ng ice cream dito sa loob ng theme park.

"All right, li'l princess! Dada will buy you ice cream. But you can only eat one scoop so you won't have sore throat, okay?" tumango naman si Addy.

Lumapit kami sa tindahan ng ice cream upang tingnan ang mga available flavors. Kita ang pagkatakam sa itsura ni Addy dahil favorite niya ang ice cream.

"Which flavor do you want?" tanong ko.

"Chowlate Dada!" excited na sagot ng bata.

Tumingin ako sa asawa ko at tinanong ito. "Do you want ice cream, babe?" umiling lamang ito at ngumiti. "How about you, Veronica? You want ice cream?"

"Ah-eh, Sir? Nakakahiya naman po. Okay lang po ako" anito.

"No! I insist! Anong flavor ang gusto mo?" tanong ko.

"Ah, avocado na lang po, Sir" sagot nito.

"Great! Mukhang masarap nga ang avocado. I would like to get one for myself too" ani ko. "How about you, babe? Are you sure you don't wanna get one?" muli kong tanong sa asawa ko pero nakita ko na panay ang tingin niyo sa paligid at tila may bumabagabag sa kanya.

"I'm fine, babe. I can just share na lang with you para matikman ko rin" sagot nito at ngumiti.

Sinabi ko sa staff ang aming mga orders at matapos ang ilang minuto ay isa isa nitong inabot ang aming mga ice cream. Tuwang tuwa naman ang aking anak at mabilis na dinilaan ang kanyang chocolate ice cream. Kumalat ito sa palibot ng kanyang bibig kaya natawa na lang kami ni Magdalena.

"Don't be too excited, Addy. Just eat it slowly para hindi mag spill sa dress mo" ani Magdalena.

"Oway, Mama. I'm sowwwy"

"It's okay, baby. Mama is not angry" sagot ng asawa ko at hinalikan sa pisngi si Addy.

Napahagikhik sa tawa ang bata dahil sa kiliti.

Habang nakain ng ice cream ay nag ikot ikot kami at tiningnan ang ibat ibang rides dito sa loob. Gustuhin ko mang sumakay sa mga extreme rides ngunit hindi pwede dahil may kasama kaming bata at takot rin si Magdalena sa heights.

Naalala ko na ilang beses ko siyang niyaya at pinilit na sumakay ng extreme rides noong nagdedate pa kami ngunit ayaw talaga niya. Laging bakas ang takot sa kanyang itsura sa tuwing niyaya ko siya kaya naman hindi ko na pinilit. Simula noon ay hindi na rin ako sumakay sa mga extreme rides.

Patuloy lamang kami sa pagiikot hanggang sa makarating kami sa isang carousel.

At dahil pwede ang bata roon ay walang pagaatubili kong niyaya ang aking mag-ina. Pumayag naman si Magdalena kaya iniwan muna namin si Veronica upang sumakay sa carousel.

Babawiin Ko Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon