Sophia's point of view
"How are you feeling? I'm so sorry na kailangan pang gamitin yung video na iyon for your plan. I knew it! It's not a good idea! Dapat hindi na lang ako pumayag. We could've thought of an alternative plan" sunod sunod na litanya ni King sa kabilang linya.
Para itong bata na hindi maitago ang inis.
Alam kong seryosong usapan ito pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kanyang inaasta.
"Okay lang yun, King. Besides, gagamitin at gagamitin pa din naman ni Magdalena yung video na iyon laban sa akin in the future, so it's a good thing na nailabas na iyon. At least now, she has nothing to use against me"
"Kahit na" pagtutol nito. "Nakita na tuloy ng lahat. Dapat ako na lang makakakita niyan eh" bulong nito.
Hindi ko sigurado kung tama yung narinig ko.
"Ha?"
"Hatdogggg!" sagot nito.
"Seryoso, hindi ko narinig yung huli mong sinabi. Pakiulit" utos ko.
"Wala akong sinabi"
"Seryoso nga! Ano yun?!"
"Mukha mo!!!!" pang-aasar nito.
Tumawa na lang ako.
"Anyways, I received an email from Adonis and he's got some proposals to patch the effect of what his wife did. What do you want me to do?" tanong nito sa akin.
"He already suspended his wife from work until further notice. I think that's enough. Malaya akong makakakilos sa kumpanya ni Adonis at mas madali kong mababaliw si Magdalena sa kakaisip na magkasama kami ng asawa niya sa kumpanya nila habang siya ay nasa bahay lang nila" sagot ko.
Rinig ko ang malakas na buntong hininga ni King.
"Parang gusto kong sabihin kay Adonis na ilift ang suspension ng asawa niya. Alam mo na, just to be safe"
Hindi ko napigilang matawa dahil naiintindihan ko ang gusto nitong iparating. "Baliw!" sagot ko pero tumawa lang rin ito.
"Anyways, gustong makipagkita ni Magdalena sa akin today. I said yes?" paalam ko sa kanya.
Natahimik ito ng ilang segundo.
"Sure! I know you can handle this. Basta promise me that you'll not go there alone. You have to bring Ace and our men with you"
"I think Ace is enough. Ayokong abalahin pa ang iba mong tauhan" sumangayon naman ito agad.
Kakamustahin ko pa sana ang lagay ni King ngunit bigla itong nchromeagpaalam.
"Oh siya sige na. I need to go, I have an important meeting in a few minutes. I just called just to ensure that you're okay"
Bigla akong nalungkot. "mmmkey" tipid kong sagot.
Tila naramdaman ito ni King kaya hindi agad nito ibinaba ang tawag at parehas kaming hindi nagsasalita.
Para kaming nagpapakiramdaman.
"Sophia..." bulong nito.
"Mmmmmm?"
"I-I-I... miss you. See you soon."
"I miss you too" sagot ko.
At ibinaba nito ang tawag.
Napatingin ako sa aking cellphone at huminga ng malalim upang kahit paano'y ibsan ang lungkot na bigla kong naramdaman. Sobrang iba sa pakiramdam kapag kausap ko si King – tila ba lagi akong may seguridad kahit na maloko at alaskador ito.
BINABASA MO ANG
Babawiin Ko Ang Lahat
Romance"Malapit ng magsimula ang aking mga plano. Humanda kayong lahat sa akin" ~ Sophia