Chapter 9

1.5K 16 9
                                    

Sophia's point of view

"So what do you want to talk about?" tanong ko kay Adonis ng makita siya sa aking likuran.

"I'm sorry if I scared or bother you, but I'm here para humingi ng tawad sa mga nasabi ko sayo noong contract signing" ani Adonis.

"Alin dun? Enlighten me please" tugon ko na ikinabigla nito.

Huminga ito ng malalim bago sumagot.

"I-I-m sorry for grabbing your arm. And I'm sorry kung may mga nabanggit akong salita na nakasakit o nakainsulto sayo" panimula nito. "I'll admit, nadala ako ng takot noong araw na iyon because I didn't expect that after how many years ay makikita ka namin uli. That after so many years ay bigla ka na lang magpapakita sa aming lahat doon pa mismo sa contract signing namin ni King Villarin. Your sudden appearance was one hell of a narrative!"

Napangisi ako.

"At simula noong araw na iyon ay marami ng mga katanungan ang natakbo sa utak ko. Paanong nangyaring naging parte ka ng kumpanya ni King Villarin? Of all the people, bakit siya? Alam ba ni King Villarin ang nangyari sayo? Kasabwat mo ba siya sa mga plano mo? Nagkataon lang ba ang lahat? O plinano mo lahat ng ito sa simula't sapul para maghiganti? Now tell me, ano ba talaga ang pakay mo sa pagbalik mo?" tanong nito.

Tumingin ako sa kanyang mga mata ng deretso bago sumagot.

"Tama ka. My sudden appearance noong contract signing mo with King Villarin was not a coincidence. It was to show you na ang babaeng ipinagtabuyan at tinrato ninyong parang basura tatlong taon na ang nakakaraan ay nakabangon na" napakunot ang noo nito.

"So I'm right, you came back for revenge?" nag-aalalang tanong nito.

Natawa ako sa kanyang tanong dahil tila nag-aalala o naduduwag ito base sa kanyang tono. At dahil ayokong masira ang aking mga plano ay gagamitin ko ang pagkakataong ito para mapaikot siya sa aking palad.

"Adonis, sa teleserye lang nangyayari ang paghihiganti. Come to think of it? Why would I waste my time and effort para maghiganti sa inyo? It was already three years ago at marami ng nangyari sa akin. I already have my priorities in life at wala na sa plano ko ang balikan pa ang nakaraan at gawin ang sinasabi mong paghihiganti" sagot ko habang patuloy na natatawa.

Seryosong tumingin sa aking mga mata si Adonis na tila inoobserbahan ako.

"You don't believe, do you?" tanong ko. "Okay, if you are going to ask me the same question three years ago, my answer would probably be yes! Sino ba namang hindi gaganti sa mga taong ginawan siya ng kamalian? Pinagtabuyan? At hindi siya pinaniwalaan? Kahit siguro tanungin mo ang kahit na sinong tao ang nagawan ng ganun ay gaganti't gaganti."

"But life is too short, and what I need to do is just move on with my life and forgive those people na gumawa sa akin ng mali. In fact, kaya nga ako nagpunta dito sa puntod ni Lola Tessa ay para sabihin sa kanyang napatawad ko na ang lahat at handa na akong magsimula uli at kalimutan ang nakaraan. Maayos na ang buhay ko at ayokong ng guluhin ito dahil lang sa mga sigalot natin noon. That is going to be a waste of my time!"

Unti unting nagbabago ang seryoso nitong mukha at mukhang unti unti na akong pinapaniwalaan.

"So you have nothing to worry about, Adonis. Let us consider this business partnership a fresh start for us. Sabi nga ng asawa mo ay no personal matter on this partnership, so let us start from here. Malay mo we can still go back to where we left..." tumingin ako kay Adonis na tila may gustong ipahiwatig.

"Whu-whu-what do you mean?" nagtatakang tanong nito.

"As friends" sagot ko sabay yakap dito ng mahigpit. Hinigpitan ko ang aking pagkakayakap sa kanya upang hindi ito makawala.

Babawiin Ko Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon