Chapter 5

1.8K 23 12
                                    

Adonis' point of view

Lumipas ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay ng lahat... ang contract signing namin with Mr. Villarin.

Habang abala ang mga staff dito sa loob ng ballroom hall, ang mata ko ay nakatingin lamang kay Magdalena. Pinagmamasdan ko siya habang nagmamando at nagchecheck ng lahat ng mga nagaganap dito sa loob.

Mula kasi sa design ng venue hanggang sa iba't ibang logistics para sa araw na ito ay asawa ko ang in-charge. Nagdesisyon kasi kami na imbis na sa conference room ng aming kumpanya gawin ang contract signing ay gawin ito sa isang magandang venue upang maimbitahan namin ang mga shareholders ng aming kumpanya at maging ang kay Mr. Villarin. Makakapag imbita rin kami ng mga malalapit na kaibigan upang masaksihan ang matagumpay na araw na ito.

Hindi lang iyon, kukuhanin ko rin ang pagkakataon na ito upang masaksihan ng lahat ang sorpresang inihanda ko para sa aking mahal na asawa.

Habang pinagmamasdan si Magdalena ay hindi ko maiwasan ang mapangiti... at makunsensya. Naiisip ko kasi ang lahat ng kanyang efforts dahil pinagsasabay niya ang pagiging ina, asawa, at ang pagtatrabaho. Alam kong hindi biro pagsabayin ang lahat ng ito at siguradong matinding pressure at pagod ang nararamdaman niya. Marahil ay isa iyon sa mga dahilan kung bakit siya nag collapse sa theme park noong nakaraan.

And I really felt bad about it.

Pero magkaganun man ay masaya ako dahil alam kong napaka swerte ko kay Magdalena. Mapagmahal, maasikaso, mahusay na ina at asawa – halos perpekto na siya sa aking paningin. Kaya ngayong araw, sana'y magustuhan niya ang aking munting pasasalamat para sa lahat ng kanyang ginagawa.

Patuloy lang ako sa pagtingin sa aking misis, hanggang sa hindi ko namamalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

"Baka matunaw ako niyan?" pang-aasar nito.

"Tsk! Ganda mo kasi eh" sagot ko sabay kindat.

Namula ito at pinigilan ang ngiti.

"Konti na lang matatapos na ang lahat ng preparation for today's event. I will make sure that everything is going to be smooth and hindi pagsisihan ni Mr. Villarin na nakipag partnership siya sa atin" anito.

"Thank you for your efforts, babe. All of this won't be possible without your help. The company is so lucky to have you. Lahat ng narating at nagawa ng kumpanya, even our partnership with Mr. Villarin, won't happen if not because of your untiring support. So, thank you so much" ani ko. "And by the way, don't push yourself too much, okay? Ayokong ma-ospital ka na naman. If you feel tired, just rest dun sa suite natin sa taas and allow your staff to do the work for you" utos ko.

"I'm fine, babe. And you have nothing to thank for. I'm just doing my responsibilities as part of the company. Ikaw lahat ang may gawa ng ito and I'm just here to support you. Hindi lang kita boss, asawa rin kita, kaya anuman ang gawin mo at maging desisyon ay asahan mong kasama mo ako" nakangiting sambit nito. "Oh siya I'll go back to work na for the final touches and preparations dito. See you later!" paalam nito at bumalik sa trabaho.

Napailing na lang ako dahil sa tuwa. Wala akong pinagsisihan sa desisyon kong pakasalan si Magdalena. Wala ng ibang babae ang pwedeng pumantay sa kanya.

Nagmasid muna ako uli dito sa loob ng venue bago nagdesisyon na bumalik sa aming executive suite. Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagtungo sa aking working table upang magtrabaho. Binasa ko ang aking speech at nireview rin ang ilang mga presentations na ipapakita mamaya.

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng bigla akong may maalala.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Simon – ang aking private investigator.

Babawiin Ko Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon