Chapter 1: Tammy

276 19 17
                                    

E D I T E D

"Tammy," I was awaken by the sudden shaking of my shoulders. Pinabayaan ko muna ito kasi alam ko namang maaga pa para bumangon at gumising.

"Tammy...." Niyugyog niya ang braso ko but I insisted not to wake up.

"Tara Mishael Amaranth," tinanggal ko yung eye mask. Tama hinala ko, si kuya Tristan pala. Umiwas na siya ng tingin at naghanap ng pwedeng pag-tuunan ng tingin.

Aga-aga mambulabog ng mga tao ngayon. Parang kanina lang kausap ko pa si Kuya Terrence about sa situation ko.  He promised me to find a way para maibalik ako sa dati ng normal.

"Ano pang hinihintay mo?" I arched my eyebrow to him. Pero hindi niya nakita dahil bawal niyang makita ang mata ko. 

"Hinihintay?" I dumbfoundly said while following him towards the door.

"What the? Naku naman Tammy," ginulo ni kuya Tris yung buhok.. "ngayon alis ni Terrence!" Ay oo nga! Talagang nakalimutan ko pa!

"One minute!" Nagsimula ng bumilang si Kuya Tris at nagset ng timer. Tae naman! Ito talagang mokong na 'to, kapag sa bilangan magaling eh!

"Kupad mo hay grabe!" Pagrereklamo niya sa akin. Paano ba naman kung magbilang sobrang bilis.

Kinuha ko na lang yung tinted eyeglasses ko.

"Hay ang kupad talaga!" Bigla niyang hinila yung kamay ko.

Si kuya Tris ang pangalawa sa panganay, at siya rin ang pinaka-gwapo sa lahat. Gumagamit din kasi ito ng potions, para mainlove sa kanya yung mga babae.

*beep*

Napatingin ako sa kanya at nakita kong hawak hawak niya yung phone niya.

"Wag kang maingay ah." Banta niya sa akin. Paniyak, isa sa mga babaeng patay na patay sa kanya ang tumatawag.

"Oh? Babe naman.... Sorry... No... Hilda is my friend okay? I love you... Aww!" Sinuntok ko siya sa braso. Naku naman. Napatingin siya ng masama at pinatahimik na naman ako. "Babe.. Dont think like that.. Yes babe.. Thank you.."

Si Hilda nga pala yung isa sa mga ginayuma niya at ganoon din yung tinatawag niyang babe ngayon. Loko talaga yung mokong na yun. At dahil ako lang ang nakakaalam ng mga babae niya, lagot siya sa akin.

"Paano na si Melody kuya? Namimiss ka na nun!" Sigaw ko malapit sa phone niya. Maririnig nung babe niya yun!

"Babe! Wag kang maniwala sa kanya please.. Tapos na kami!"

"Weh? Tapos na daw? Bakit sabi mo makikipagkita ka? Ipapakilala mo pa nga kay mommy diba? Babe?!" In-end na nung babae yung call. Nainis na siguro. Gustong-gusto ko ng matawa sa magiging reaction ni kuya at nung babae.

"Pfft.. Haha.. Pfft!" He gave me a death stare. "Halika na nga." He chuckled. Inakbayan niya ako at sabay na kaming naglakad. Oh diba? Hindi siya seryoso doon.

Patuloy kami sa hallway papuntang underground hall. Ito yung place na kung saan ginaganap ang mga rituals. Makitid at madilim ang hallway pero memorize na namin ito.

The Witch is Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon