War 1(Starts Rein's Part)

10 4 0
                                    

Rein's POV

Nandito ako sa kwarto ko sa palasyo. Isang buwan na ako dito kila Dad. Isa akong prinsesa ng kaharian ng mga bampira pero hindi ko parin lubos na maisip na isa ako sa kanila. Kaya pala sobrang putla ng balat ko kumpara sa karaniwang tao at sobrang pula ng mga labi ko. Pero isa sa mga ipinagtataka ko kung bakit hindi ako nasasaktan kapag natamaan ako ng araw. Nung nalaman ko na Isa akong bampira halos kamuhian ko ang sarili ko ng dahil dun.

Ang sabi ni Mama, ipina-alaga lang daw ako ng kapatid niyang lalaki sa kaniya at sinabi na isa akong bampira. Nagpapasalamat din ako kay Mama dahil hindi niya ako kinamuhian dahil inalagaan niya ako hanggang sa lumaki ako.

Nababahala ako dahil hindi ko alam kung ayos lang ba siya at kung alam niya na ang totoong pagkatao ko.

'Kamumuhian niya ba ako?'

Napabuntong-hininga nalang ako at umupo sa lamang hinihigaan ko. Ilang sandali pa ay narinig akong katok mula sa pintuan.

"Mahal na prinsesa, hinahanap po kayo ng mahal na Hari at Reyna"saad ng isang babae mula sa pinto.

"Susunod na ako"ani ko sa kaniya bago ako tumayo at nagtungo sa pintuan. Hininga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan.

'Kamusta na kaya siya? Ayos lang kaya siya? Hinahanap niya ba ako?'

Umiling nalang ako at lumabas sa kwarto ko. Naglakad ako sa hallway at tumungo sa mga hagdanan. Bumababa ako at nagtungo sa kanilang lugar kung saan lagi silang nagpupulong-pulong. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang aking mga magulang at isang prinsepe?

Lumapit ako kila Mom and Dad at binati sila.

"Mahal na Hari at Reyna"saad ko at yumuko bilang pag-galang bago ako umupo sa tabi ng aking ina.

"Siya na ba ang sinasabi mong nawawalang prinsesa?"tanong ng isang lalaki.

"Yes, I want you to know my daughter. Rein Bueno. The long lost vampire princess"saad ni Dad.

"It's our pleasure to meet you, Princess Rein. I'm King Hancel Gomez and this is my wife Queen Jayselle Gomez. We're the King and Queen of the wolves. And this is the prince and princess of the wolves. Prince Zachary Gomez and Princess Joelle Gomez. Joelle is younger than Zachary, Princess Rein" King Hancel said.

"It's my pleasure to meet you, King and Queen"I said and bow a little.

"Zachary may crush ka kay Ate Rein no"ring naming sambit ni Joelle kaya napalingon kami sa kaniya.

"A-anong! H-hoy Joelle, hindi ko siya crush"angal ni Zachary.

"Ikaw is Zachary Gomez na kaaway ni Aziel Lopez?! Woah"gulat na sambit ko.

"Ano ba! Wag mo na ngang banggitin yung pangalan?"saad niya.

"Oss! Parang walang pinagsamahan ah! Asan na yung 'Rein, sabihan mo yang lalaking yan wag niya akong ginagalit' tas 'Rein, patulong na kasi, libre kita' . Oh! kita mo! para kang tanga dati hahaha! Tapos malalaman ko prinsepe ka pala" natatawang saad ko sa kaniya.

"Anak ng– hindi mo naman kailangang ipaalala pa yun eh"saad niya pero natawa lang ako.

"Magkakilala na pala kayo eh"saad ni Mom.

"Matagal na po, nung mga first year college hahahaha. Laughtrip nga po yan eh hahaha"natatawang sagot ko.

Tumawa nalang din sila at pinilit akong ikuwento lahat ng mga nangyari. Si Zachary naman sobrang nahihiya na samantalang kaming lahat tawa ng tawa.

Ilang sandali pa ay bigla silang naging seryoso. Tila ba nag iba ang ihip ng hangin. Bigla akong kinabahan dahil parang hindi maganda ang kutob ko dito.

"So, since Rein is already here. Why don't we start to arrange the marriage for her and my son?"King Hancel said on King Marcellus.

'A-ano? Kasal? Hindi. Ayoko. Ayoko lang ikasal'

"Dad! I already told you about this. We can't marry each other!"biglang sabi ni Zachary na nagpatahimik sa lahat.

"We can have a stronger pack at the future, Zachary if you married her"Queen Jayselle said on Zachary.

Suddenly, I feel a hand on my hand. I look at my Mom. The Queen of the Vampires.

"Do you want to say something, sweety?" tanong niya sa akin. Tumango nalamang ako. Tumayo all dahilan para lahat sila ay mapatingin sa akin.

"Yes, my dear? Do you want to say something? Do you agree about the marriage?"Queen Jayselle asked on me.

"Patawad ngunit ayokong pakasalan ang inyong anak"deretsong tugon ko sa kanila dahilan upang sila'y mapasinghap. Tumingin ako kay Zachary na malungkot na tumingin sa akin.

'You can't marry me because you love him. I already know that, Rein. Tell them now. Tell them that you love him'

Ngumiti ako sa kaniya. Sa pamamagitan ng telepathy, sinabi niya ang mga katagang iyon. Alam kong huli na ako para umamin sa kaniya. Hindi ko siya masisisi kung kinamumuhian niya na ako. Bumuntong hininga ako bago muling magsalita.

"Alam kong itatanong niyo sa akin kung bakit ayaw kong magpakasal. Dahil ayokong magpakasal sa hindi ko mahal. Kahit na sabihin niyo mang matututunan ko din siyang mahalin sa paglipas ng panahon ngunit ang lalaking minamahal ko ngayon ay patuloy na nananatili sa puso ko. Kung maaari lamang ay ayaw kong magpakasal sa hindi ko mahal at isa pa, masyado pa akong bata para sa ganyan. Ngunit kung ipipilit niyo ang inyong gusto, hindi ako magdadalawang isip na bumalik sa mundo ng mga tao at duon manirahan"paliwanag ko sa kanila.

"Hindi mo ba mahal si Kuya Zach, Ate Rein?" tanong naman ni Joelle sa akin.

"Sa totoo lamang ay wala na akong nararamdaman sa kaniya bukod sa pagmamahal ng isang kaibigan. Hindi ko siya maituring na higit pa doon. Ang relasyon namin ni Zachary ay relasyon lamang ng isang magkaibigan"sagot ko sa kaniya.

"Just let my daughter choose what she wants"biglang sabi ng aking ama.

"Mahal na hari, maaari po ba akong humiling ng pabor?"tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya agad.

"Narinig ko kay Treyton ang mangyayaring digmaan sa pagitan natin at ng mga tao. May mga kaibigan ako sa mundo ng mga tao. Ayokong madamay sila kapag dumating ang araw na iyon. Ang pabor ko ay kung maaari bang dumito muna sila pansamantala dahil ang palasyong ito ay matibay at may harang upang hindi madamay ang ang inyong mga tauhan dito. Maaari ba, ama?"paliwanag ko sa kaniya.

"Masyado kang mabait sa ibang tao. Hindi na ako magtataka ikaw nga ang aming anak. Tungkol sa iyong pabor, maaari. Dahil alam kong sa kabila ng pagkawala mo, sila ang nakasama mo"sagot ng aking ama.

"Maraming salamat"saad ko at yumukod ng kaunti.

"Ipapasundo ko sila ngayon din. Hintayin mo nalamang sila sa iyong silid"saad ng aking ina.

Masaya akong yumukod at nagpaalam sa kanila.

Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama kila Francis, ayokong madamay sila sa kasamaan ng ibang tao.

'Ngunit...magkikita kaya kaming muli? Imposible ang aking iniisip, kalaban siya ng aming mga kalahi, maaaring kinamumuhian  niya na ko ngayon'

To be continued

The Long Lost Vampire Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon