S.U #1

1.4K 10 2
                                    


Niloko ka? Nag Break kayo? Umasa ka? May girlfriend/boyfriend na si crush? Ang sakit diba? Sige lang iiyak mo lang yan hanggang sa ma-realize mo na ang tanga mo dahil iniiyakan mo ang taong hindi ka binigyan ng halaga, huwag mong sabihin na "I Lost him" hindi ikaw ang nawalan, sila ang nawalan, ang tanga nila dahil iniwanan nila ang taong handang ibigay ang lahat sa kanila.

Once na iniwan ka ng isang tao, ayos lang mag-antay pero huwag kang aasa na babalik sila, dahil nakakatanga ang mag-antay. Iniisip mo ba kung pano ka na? mag-iinarte ka ng hindi makakain? Na siya yung buhay mo, siya yung happiness mo? Oh,Common huwag OA pinanganak tayong iisa hindi naman kayo kambal ng pinanganak diba? Lumaki ka ng mag-isa, naging masaya ka nung hindi mo pa siya kilala,nagkagulo lang simula nung makilala mo siya, Huwag mong idepende yung kaligayahan mo sa kanya.

Move-on guys, yan lang yung way para maging masaya, Mahirap? depende naman sayo yan kung gu-gustuhin mo, kung hindi, talagang mahihirapan ka. :)

-Chely

3 minutes ago
431 Like. 534 Comment. 435 Share

Faye: Waahhh, Galing mo talaga Chelyy
45 Like

Cris: big check √√√, thumbs up Idol. :)
52 Like

BhoxcZMalditahh27: bhuti nhAlang mAhal aquoh nh axsawahh qou, #Whalngtitibagzz.
7 Like

Sa araw-araw kong pag u-update ng status ko hindi talaga nawawala ang mga jeje, pero merong isa ang nakakuha ng atensyon ko.

Din: Ms. Chely pano po ba malalaman na naka move on ka na?
105 Like

Michael XD: Oo nga ateng kalerki pano malalaman?
54 Like

Binasa ko lahat ng comment nila, pero masyadong madami kaya saka ko na lang babasahin yung iba, bukas ko na lang din sasagutin yung tanong nung isang nag comment.

Pinuntahan ko yung timeline ko, Nakita ko yung maganda kong DP at ang maganda kong Pangalan.

Rachel Ann James
15,443,354 followers
4,999 friends
531 notifications
437 messages

What's New? Laging ganyan ang SB(Starbook) ko, madami ring nag-aadd sakin na hindi ko kilala, kung mapapansin niyo famous ako dito sa SB biglaan lang din hindi ko rin alam kung bakit at kung pano nag simula.

Basta ang natatandaan ko nag status ako dahil nalulungkot ako sa bahay and yun parang bomba na sumabog biglaang sikat. Madaming naiingit sakin dahil sikat nga daw ako, nung una natutuwa ako sa mga atensyon na nakukuha ko, pero habang tumatagal nakakasawa na rin, pero enjoy pa rin naman kasi alam kong may mga natutuwa sa status update ko.

Sinara ko na yung laptop ko at humiga, inisip ko yung sagot dun sa tanong nung Din, pano nga ba malalaman na naka move-on na? Hanggang sa naramdaman ko ang pagbigat ng mata ko at unti unting pagpikit nito.

itutuloy.

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon