S.U #15

96 5 2
                                    


Nag log-in ako sa SB, nakakamiss rin palang mag SB, isang araw na kasi akong hindi nag open ng account, wala lang hindi ko kasi feel.
Pag ka log-in ko binura ko yung status ko nung isang araw, naisip ko kasi masyado akong nag overact nag escort lang naman siya doon sa babae, hindi naman ibig sabihin girlfriend niya na yun diba? tama think positive dapat.

54 messages
21k notifications
500 new followers.

ano kayang uunahin kong buksan? Notifications na lang, hindi ko na inisa-isa dahil wala namang bago. tiningnan ko naman yung mga messages.

Beverly G. Tan

Hey :) I've heard that you and Andrew are friends,you look nice, hope we can be friends too. :)

In-accept ko yung friend request ni Beverly, baka sabihan pa kong snob nito atsaka mukha naman siyang mabait.

Andrew Perry Guzman

Andrew: Nakita kita sa mall, bakit hindi ka lumapit?

Andrew: Sayang ang pogi ko pa naman.

Andrew: Hey, Bakit hindi ka nag-o-online?

Hindi ko muna sila ni replyan, pumunta ko sa newsfeed ko feeling ko kasi outdated na ko sa mga nangyayari.

Andrew Perry Guzman.
with babe :) @Beverly G. Tan

Great. Gandang pambungad naman nito picture nila sa Mall nung nag sagala. So si Beverly pala yung partner niya, siya rin si Babe, edi tama lang pala yung inarte ko nung isang araw, tama pala ko mag boyfriend/girlfriend sila, tapos ako, ito isang dakilang friend. Dapat pala hindi ko na lang binura yung update ko.

Andrew Perry message you.

Andrew: yun nag online ka rin.

Andrew: aray seen.

Andrew: hala pinanindigan nga, busy ka ba? reply naman diyan, hindi ako sanay na sini-seen mo.

Rachel: Busy ako, huwag kang magulo -_-

Andrew: Sorry. Hindi lang kasi ako sanay na hindi mo ko pinapansin. ;)

Rachel: Hindi ka sanay? nung camping nga halos hindi tayo nagpapansinan, tapos hindi lang kita kakausapin ngayon hindi ka na agad sanay. Atsaka huwag ka masyadong friendly baka magselos yung girlfriend mo. :)
seen √ 9:01 am

Hay buhay, ako naman ang sineen, matapos ng mala MMK kong sinabi sa kanya.
May pa "Ayos sa akin yang #RiChel niya" may girlfriend naman pala. Pero ang ganda nung beboy niya este ng babe niya. Bakit kasi nilalandi niya ko may girlfriend naman na pala siya? ay nakikipagfriends nga lang pala.

Beverly G. Tan message you.

Beverly: Galit ka ba kay andrew?

Rachel: huh? pano mo nalaman?

Beverly: minessage niya ko, sabi niya mukhang galit daw yung friend niya, so I guess na ikaw yun kasi wala naman siyang masyadong friends dito.

Rachel: Hindi naman ako galit, actually sinabihan ko siya noon para iwas conflict sayo.

Beverly: conflict sa akin? bakit?

Rachel: Look, kasi baka magalit ka sa akin, diba ikaw yung girlfriend niya tapos lagi na kaming nag cha-chat, pero don't worry wala naman akong balak na sirain kayong dalawa.

Beverly: Whaaat? pwedeng paki-explain?

Rachel: Ayan, ganyan yung iniiwasan ko, yung ma misunderstand mo. What I mean is, girlfriend ka ni andrew so kailangang dumistansya.
seen

Beverly: Say what? ako girlfriend ni Andrew? san mo naman nakuha yan? Hahaha

Rachel: Eh? diba ikaw yung babe niya?

Beverly: Oo ako si babe pero hindi lang ni Andrew.

What? Edi isat-kalahating higad din itong babaeng ito, akala ko pa naman mabait.

Rachel: Niloloko mo lang pala si Andrew.

Beverly: Big NO. Lahat tawag sa akin ay babe because that's my nickname.

Ah, kala ko pa naman niloloko niya si Andrew.

Rachel: Ang layo naman ata

Beverly: dapat kasi bev talaga, kaya lang sabi ng parents ko parang bisaya so napagdesisyonan nila na babe ang itawag.

Rachel: So walang something sa inyo ni Andrew? kahit sa pagtawag niya ng babe walang kakaiba?

Beverly: of course wala, pinsan ko yun no atsaka ang incest ng dating kadiri lang.
Family and relatives ko lang tumatawag sa akin ng babe. Hahaha

Rachel: ah.

Beverly: so di ka na galit sa kanya? wala ka ng rason para umiwas, wala ng conflict. #Misunderstanding Hahaha

Rachel: ....
seen

I'm so doomed, bakit ba kasi ang hilig kong mag conclude? Pinsan niya pala si Beverly na ang nickname ay babe. Masyado pa naman akong naging madrama sa mga sinabi ko sa kanya.

Andrew Perry Guzman

-is feeling pissed off.

15 minutes ago

64 Likes. 23 Comments. Share.

Katapusan ko na. Dahil ba sakin kaya nagalit siya?

Rachel: Sorry sa nasabi ko.
seen

Lumipas ang limang minuto hindi niya pa ko nirereplayan, sakin nga siguro siya galit. Makapag-out na nga lang.

Andrew Perry message you.

Andrew: ayos lang, wala naman akong magagawa eh.

Rachel: sorry talaga.

Andrew: Saan mo nga pala nakuha yung may girlfriend ako?

Rachel: Wala, babe kasi tawag mo kaya akala ko, and it turns out na mag pinsan pala kayo.

Andrew: Sinabi na sayo ni babe?

Rachel: Oo, chinat niya ko.

Andrew: Nga pala doon sa sinabi mo kanina, Sa camp hindi tayo nagpapansinan kasi hindi kita pinapansin at yun yung pinagsisihan ko, kaya kahit papano gumagawa ako ng way para maka usap kita,para maging close tayo.

Load.....ing.... para maging close kami? para maka usap niya ko? geshh. pinagsisihan niya kasi hindi niya ko kinausap? what's the meaning of this?

Rachel: Ah,(nalang ang nasabi ko) may tanong rin ako, na wrong send ka ba talaga sa akin?

ang tagal naman niyang magreply, napahikab ako at tumingin sa relo kaya pala inaantok ako 2pm na ng hapon. Kahit gustong gusto ko ng malaman yung reply niya, Humiga na ko dahil mahirap labanan ang antok, parang pag-ibig kahit sabihin mo na hindi dapat, wala kang magagawa dahil ang pag-ibig hindi joystick sa isang video game na pwede mong i-control anytime.

itutuloy..

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon