S.U #19

68 5 6
                                    


Andrew Perry Guzman is active 5 minutes ago

Nag online siya pero hindi ko naman naabutan. Dati naman pa nag lalog-in ako online siya 24/7 pa nga parang 7/11. Tag hirap na ba siya ngayon?Siguro nalaman ng kapitbahay niya na nakiki-connect siya sa wifi kaya pinalitan yung password.
Ganito pala yung feeling na inlove ka no, hahanap-hanapin mo siya, yung tipong parang hindi kumpleto yung araw mo pag hindi mo siya nakita or nakausap man lang, tapos marinig mo pa lang yung pangalan niya yung puso mo parang nakikipagkarera sa bilis ng tibok nito, Kaya lang one sided love.

Rachel Ann James

Bakit tayo nagkakagusto sa taong hindi naman tayo gusto?Simple lang dahil ginusto natin.
Iwasan nating magsabi ng ang manhid niya, bato ba puso niya? Hindi niya ba ko pwedeng gustuhin rin? Dahil una sa lahat nagkagusto ka sa isang tao na hindi ka gusto, pangalawa hindi siya manhid feel ka niya swear, hindi ka lang niya talaga gusto, pangatlo ilang beses ko bang uulitin na hindi ka gusto? tapos magde-demand ka na gustuhin ka rin?
Sila ang patunay na hindi lahat ng gusto natin ay pwedeng makuha, hindi sila bagay sa linyang "what you see is what you get." Ayos lang naman na hindi tayo gustuhin ng gusto natin, basta dapat wala siyang ibang gusto o kaya naman hindi rin siya gusto ng gusto niya para fair. #Humuhugot.

- Chely

posting....

posting....

Ang bagal naman ng net.

posting....

posting...

posting failed.


ay putspa, ang tagal kong nag-antay tapos failed. Parang Love ang tagal mong nag-antay mapupunta naman sa wala.

retry?

second chance? sige there's no harm in trying naman diba?

posting....

your status is now posted

Success,hindi man ngayon siya darating malay mo bukas, kailangan mo lang talagang mag-antay. Hay lahat na lang nare-relate sa love, kasalanan ito ni Andrew, kaya dapat panindigan niya. Lels joke.


itutuloy...

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon