S.U #10

78 5 0
                                    


        Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin sa naging conversation namin ni Andrew, Crush ko pa rin naman siya no, kaya may karapatan ako XD. Tapos lumelevel-up na naman siya, biruin mo yun tinag niya ko sa status update niya enebe nemen yen. Kung hindi ko pa sinabing may gagawin ako baka mamatay ako sa kilig. Ang totoo niyan wala talaga akong gagawin nun.

         Ano kayang pwedeng gawin? Masyado na kong babad sa Laptop baka lumabo ang mata ko, edi hindi ko na makikita si Drew kapag nangyari yun.

        Mahigit isang oras na kong nakipagtitigan sa kisame, wala kasi akong maisip na gagawin kaya humiga na lang ako at dahil nakakabored binuksan ko yung laptop ko at nag SB.

      
          Tiningnan ko kung sino ang mga online, at nakita ko ang pangalan ni Andrew. Cha-chat ko ba? Nahihiya ako, mag iis-status na lang ako para lumabas sa newsfeed niya at malaman na Online ako.

    
     Rachel Ann James
   
            Hindi ka pulubi, kaya huwag kang manlimos ng pagmamahal.

   
2 minutes ago.

   324 Likes.    312 Comments.  300 Shares.

        Dalawang minuto na ang lumipas hindi niya parin ako china-chat, sabi niya icha-chat niya ko kapag hindi na ko busy, nakita ko namang nakikipag usap siya doon sa hindi ko kilala. Nakakapangselos naman.

     Andrew Perry Guzman

            Walang "tayo" kaya wala kang karapatan.

5 minutes ago.

34 Likes.    54 Comments.   12 Shares.

   
      Nakaka highblood naman, "Oo na walang tayo, kailangan pang ipamukha? " ka irita, tsk. Panira ng araw binabawi ko na yung sinabi ko kanina, hindi na ko kinikilig.

Rachel Ann James is offline.


itutuloy...

     

  
      

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon