Last Update

98 2 6
                                    


Pag ka O.L ko Puro si Andrew ang laman ng inbox ko.

Andrew: Bakit? di ko gets.

Andrew: bakit parang nag papa-alam ka,aalis ka ba?

Andrew: may sakit ka ba?

Andrew: huy, ganyan nag out ka.

Rachel: Naalala mo ba? Natuwa ako nung una mo kong chinat, yung nag Hi babe ka sakin, yung na wrong send ka? Halos malaglag ako nun sa kinauupuan ko, Yun ang unang beses na nagka chat tayo, hanggang sa sumunod na araw nilike mo status ko, hanggang chinat mo ulit ako, Ang saya saya ko kasi finally, napansin mo rin ako. Ewan ko kung napapansin mo pero nung mga nakaraang araw puro ikaw ang laman ng status ko, pero sa tingin ko hindi mo yun napansin kagaya ng hindi mo pag pansin sakin nung nasa camp tayo pero nalaman ko na gusto mo rin ako makausap noon. Tapos nag simula pa yung nakikisakay ka sa mga trip nung mga friends ko dito sa SB yung pinagsasama niyo yung name nating dalawa may pag hashtag Richel pa nga eh diba? Haha nakakatuwa lang isipin na dahil sa chat mas naging close tayo at nakakainis ding isipin na dahil sa chat mas lalo akong na fall sayo, hindi mo rin siguro yun alam, sabagay kahit nung camping hindi mo rin ramdam, para di ka na magtanong pa Andrew gusto kita, dati pa at hanggang ngayon gusto pa rin kita. Kaso nga lang may iba ka ng gusto. Kaya gusto ko na ring putulin ang pagiging magkaibigan natin dahil hindi na natin mababalik ang dati. Ganun naman diba? pag may umamin na isa nasisira ang pagkakaibigan, kaya sorry, kasi dahil sakin nasira ang pagkakaibigan natin.
seen √√

***
Rachel Ann James
Nagsimula tayo sa "Hi" natapos sa "seen"

Just now.

Erickson message you..

Erickson: Hi. :)

Rachel : Yan mag ha-Hi ka sakin tapos mag cha-chat tayo magiging close tapos ma fa-fall ako, tapos pag na fall na ko iiwan mo na ko kasi may naka chat ka ng iba tapos bago mo ko iwan aamin ka sakin na gusto mo rin ako kaya lang na realize mo na mas masaya pag naging mag kaibigan na lang tayo, tapos pag nakahanap ka ng ng ibang ka chat mafa-fall kayo sa isat-isa tapos magiging kayo, at ako Iiyak kasi naiwan ako, pinagpalit ako at higit sa lahat Masasaktan lang ako, kaya kung pwede lang wag ka ng mag HI.

Rachel Ann James is now offline.

End.
**

Maraming salamat sa mga nagbasa ng Status Update. ü

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon