S.U #14

86 5 0
                                    


Nandito ako ngayon sa mall, para bumili ng sticky notes at ballpen naubos na kasi yung stock ko. Pagpasok ko sa National Bookstore sobrang crowded, bakit ba hindi ko naisip na balik eskwela na pala ng ibang estudyante, ngayon lang din sila namimili ng gamit nila. Mabuti at naka-cap ako at hindi masyadong nakikita yung mukha ko, kung hindi nadumog na ko. After ng ilang oras sa pagpila nabili ko na rin yung kailangan ko. Nag-ikot ikot muna ko sa mall at may event na hindi ko naman alam dahil hindi na ko nag-sayang ng oras para tumingin. Pag dating ko sa may starbucks marami akong nakitang naka gown, Ok anong meron? kasalan sa loob ng Mall? o di naman kaya J.S prom? Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang "sagala 2015", May nga pala ngayon kaya merong Flores de Mayo. Habang nililibot ko ang aking mga mata nahagip nito si Andrew.
Si Andrew na naka porma, naka barong, napatingin rin ako sa katabi niya. So Escort siya nung girl, Dahil ang pangit ng view umalis na ko doon, pero bago ako tuluyang umalis lumigon ako at nakita kong nakatingin din sa direksyon ko si Andrew at nakangiti. Tumalikod na lang ulit ako at tuluyang umalis, Nilabas ko yung phone ko at nag status .

Rachel Ann James

I wasn't hurt, medyo lang. #wrongmove.

2 minutes ago.

121 Likes. 50 Comments. 25 Shares.

itutuloy...

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon