Rachel Ann James
Sana hindi mo na lang sinabi, edi sana wala kang nasaktan. -except Andrew Perry Guzman.3 minutes ago.
1.2k likes. 250 Comments. 321 Share
Michael XD: Oh, no? whyy?
Din: trulalu.
Mau: minsan kasi mas ok na hindi sabihin.
MichaelXD: @mau yung alin?
Mau: wag mo kong pansinin, wala lang ito Haha XD
Pinagpipyestahan na naman nila yung status ko, minsan hindi ko na alam kung concern ba sila o nakikichismis lang. Kaya mas mabuting isarili ko na lang to dahil may mga bagay na sarili mo lang talaga ang makakaintindi.
Bakit kasi sinabi niya pa? kilig na kilig na ko eh, kaso nga lang dati niya pa ko gusto, ibig sabihin dati pa, lumipas na, nakaraan na.
Dati Harthart ngayon naman Hurthurt. Friends daw? Ganyan naman lagi na lang ako yung One sided love, kailan ba magiging siya naman? Ay nagkagusto na pala siya kaya lang tapos na.Rachel Ann James
Nung sinabi mo na Gusto mo ko, siguro gutom ka. Lumipas kasi agad. :(
Just now.
Like. Comment. Share
Bakit ang unfair? siya saglit lang nagkaroon ng feelings sakin, samantalang yung sakin umabot sa point na mahal ko na, asan ang hustisya? Paano ba ang magmahal palagi na lang nasasaktan~~~
Andrew Perry Guzman
@Starbucks w/stephanie.
Like . Comment. Share.
Stephanie: ;)
Andrew: :*
sino ba talaga itong stephanie na to, may picture pa sila
Andrew Perry Guzman message you..
Andrew: May sasabihin ako..
Andrew: ang totoo naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
naguguluhan ka pa talaga sa lagay na yan ha.
Rachel: oh?
Andrew: secret lang natin to ha, gusto ko kasi si stephanie at nililigawan ko na siya ng dalawang linggo.
ouch, hindi ba siya marunong makiramdam? sabagay manhid kasi siya.
Rachel: Pano?
Andrew: Naka chat ko lang siya :)
Rachel: Ah, ikaw unang nag chat?
Andrew: Oo :)
parang yung sakin lang din na ginawa mo, naramdaman kung bumigat ang mata ko at nanlabo,di ko namalayang naiiyak na pala ko
Andrew: bakit ang tagal mo atang mag reply.
Andrew: aray seen
Rachel: Speehless ako Hahahahaha
Andrew: Ah,masaya ka ba para sakin?
Rachel: Sobra.
pinunasan ko ang luha ko.
Rachel: Andrew, salamat sa time, sa mga jokes, at higit sa lahat sa memories. :)
Rachel Ann James is now offline.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
Status Update
RandomPag nag mahal ka daw dapat mahal lang hindi mahal na mahal, para pag nasaktan ka masakit lang hindi masakit na masakit. (c)When it comes to love. - Chely. Like. Comment. Share